CHAPTER 4

1815 Words
Saktong uwian nang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Ate Eda. Sinagot ko ito habang naglalakad papuntang parking lot ng university. Hindi ko kasabay ngayon si Pia dahil niyaya siya ni Chio na mag meryenda bago siya ihatid pauwi. Paniguradong kilig na kilig nanaman ang tumbong ng isang 'yon. Walang katapusang kwentuhan nanaman ang mangyayari bukas. "Hello, Ate?" "Where are you? Pauwi ka na ba?" Tanong niya. "Yes, why? May ipapabili ka?" "No, nandito kami sa isang Italian Restaurant, I'll text you the address, join us here," yaya niya sa akin. Napahinto ako sa pagpasok sa kotse ko at tinignan ang oras sa dashboard ng sasakyan ko. 4:30, kailangan ko pang mag-review mamaya. Ito na siguro magiging dinner ko since malapit na rin gumabi. "Okay, I'll be there in 15 minutes, baka ma-traffic ako." Um-oo nalang si Ate kaya nagsimula na akong mag-drive papunta sa tinext niyang location. Malapit lang 'yon at nakapunta na rin ako doon ng ilang beses kaya alam ko na agad. Favorite talaga nilang mag-asawa ang italian foods kahit turkish si bayaw. Mabuti nalang at hindi naman gano'n ka-traffic ngayon, nakarating ako ng mabilis sa harap ng restaurant. Pinarada ko ang sasakyan ko sa gilid ng isang itim na mustang at bumaba na. This is a fancy restaurant yet my outfit doesn't fit inside. For sure, mga naka mamahaling dress, suits, or high branded clothes ang suot ng mga kumakain ngayon dito. I feel out of place because of my uniform. Dapat pala sinuot ko na rin ang coat na ginamit ko sa presentation kanina. Sayang at iniwan ko pa sa locker ko. Huminga nalang ako ng malalim at sinimulan nang maglakad papasok. Pinagbuksan ako ng double glass door ng nakabantay sa pinto at binati. "Benvenuta, signorina." I smiled, "Thank you." Nag bow lang ito sa harap ko at sinara na ang pinto. Nilibot ko ang paningin ko sa mga nandito sa loob at hinanap kung nasaan sila Ate Eda. Gaya nga ng sabi ko, mga mayayaman ang kumakain dito. Ang rarangya nila kumilos, may mga tumutugtog pa ng violin sa tabi ng bawat lamesa. If I know, this is only for those who wants a romantic dinner. Kung nasa average ka lang, paniguradong maiilang kang pumasok dito. Mabuti at sanay naman na ako. I wandered my eyes for the second time. My heart stopped the moment I saw my sister sitting in a table, together with her husband, my nephew, and two gentlemen, one of them is Thadron. Fuck, bakit nand'on siya? Tadhana nga naman. Mukhang pinagtatagpo talaga kaming dalawa. Hindi ko napigilang mapangiti nang makitang seryoso silang nag-uusap ni Ate. Nakakatakot silang tignan. Parehas na matapang at hindi basta basta nakakausap. Kung wala lang asawa ang kapatid ko, baka magselos pa ako sakanilang dalawa. Bagay na bagay kase ang ugali nila. They're both monsters, 'yung isa silent type, 'yung isa vocal. Pasimple akong naglakad papunta sa likod niya at doon naisipang maglakad. May dalawang bakanteng upuan sa tabi niya kaya tsansa ko na 'tong makatabi siya for the first time. Tuwang tuwa ako ngayon pero bago pa man ako makaupo sa tabi niya ay naunahan na ako ng isang sopistikadang babae na nakasuot ng isang maiksing kulay asul na dress at umupo sa upuan na balak ko sanang okupahin. Napahinto ako at nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko napigilang mapataas ng kilay at mainis sa ginawa nitong babaeng 'to. I didn't know na may kasama pa pala sila, takte! Sana pala binilisan ko ang pag-upo ro'n, naunahan pa ako! "Esra! Nandito ka na pala, come sit here," pinukaw ni Ate ang atensyon ko kaya napabalik ako sa huwisyo. Tinapik tapik niya ang upuan sa tabi niya kaya masama ang loob na sumalampak ako doon. Hindi ko itinago ang pagka-irita ko at ang busangot kong mukha kahit pa nakatingin sila sa akin. I can feel his cold gaze but I didn't bother to look at him. Nakaramdam kase ako ng selos. Kahit kakasabi ko lang sa sarili ko na ayos lang na may babae na siyang gusto o karelasyon. Ang hirap pala ng ganito. "What do you want to order? Ikaw nalang ang wala pang food." "Antipasto Italiano and Ravioli will do," sagot ko. Tumango ang waiter sa gilid ko na narinig na ang in-order ko at sinulat ito sakanyang hawak na parang logbook. "Anything else, signorina?" Umiling ako, "That's all." Yumuko naman ito sa harap ko at umalis na papuntang kitchen nila. Nagsimulang mag-usap ang kasama ni Thadron na isa pang lalake at si Kuya Ozhan tungkol sa isang project. I didn't know na magkakilala sila. Nakisali naman sa usapan ang babaeng halos dikit na dikit na sa tabi ni Thad na wala namang pakialam at nakatutok lang ang mata sa lamesa. "How's your defense? Did you passed?" I shrugged, "I don't know yet. Wala pa namang result na binigay si professor, nage-evaluate pa." "I see. I know you will pass, my sister is intelligent as hell," pag-cheer niya sa akin. Ngumiti nalang ako dahil napaka supportive talaga niya kahit kelan. Kapag siya na ang nagpakita ng suporta sa akin, talagang sumasaya at napapanatag ang kalooban ko. Habang hinihintay na dumating ang order ko ay kinausap ng kapatid ko si Thadron. Nagulat pa ako ng ngumisi siya habang sumagot sa tanong nito. They're talking like they knew each other for a long time. I'm surprised. Hindi man lang ako nito bigyan kahit isang sulyap. Parang hindi ako nage-exist sa buhay niya. Kahit nga mapadaan lang ang mata sa akin ay hindi niya magawa. Napalabi lang ako habang hinihintay ang pagkain ko. At nang dumating ito ay nagsimula na kaming kumain. Gano'n pa rin ang lagay, sila sila lang ang nag-uusap. I feel so out of place, damn. Panay pa ang lingkis sa braso ni Thad 'yung babaeng kasama niya. Tila dinidikit pa ang dibdib niya rito. What an eyesore! Nauna silang natapos kumain kaya nagpaalam sila kay Ate Eda at Kuya Ozhan. And since we're done eating too, sumabay na kami sakanila palabas ng restaurant. Hindi ko man lang na-enjoy kumain. Selos ba naman ang dessert ko, pa'no ka masasarapan do'n? Hanggang paglabas namin ay may pinag-uusapan pa rin sila. Hindi na ako nakatiis at sumingit na. "I'm going, una na ako kase may gagawin pa ako sa bahay," ani ko sakanila. "Okay, drive safe, lil sis. Huwag gawing race track ang kalsada," bilin sa akin. "Sure, thank you for the meal, Ate." Hinalikan ko lang silang dalawa at tinignan naman ang mga kasama ni Thadron. Ngumiti lang ako sa mga 'to pero hindi ko na siya binigyan pa ng atensyon. Kota na siya ngayon, bukas naman ulit. Kako sa sarili ko. Sumakay ako ng kotse ko at pinaharurot na ito pauwi ng bahay. Good thing maaga rin akong nakarating. Pagod na sinalampak ko ang katawan ko sa kama ko at napatingin sa kisame. "Pretty girls, sexy, matured, older than me, anong laban ko? Kainis!" Kinakausap ko ang sarili at napahilamos nalang ako ng mukha ko. Saktong pagtayo ko para sana kumuha ng damit sa walk-in closet ko ay tumunog naman ang cellphone ko. I saw Pia calling so I answer it. "Kamusta ang date?" Bungad ko sakanya. Tumili siya sa kabilang linya, nailayo ko agad ang cellphone ko sa tenga ko dahil baka mabingi ako dahil doon. Ni-loud speaker ko nalang ito at nilapag sa cabinet ko na may connected table. "He kissed me, Esry! My gosh! Hindi ako mapakali ngayon, I want to scream so loud awhile ago but you know, it's embarrassing!" I laughed, "Ang landi mo, ha! Saan ka kiniss?" "Saan pa ba? Edi sa lips! Ang lambot ng labi niya, tapos lasang strawberry!" Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang pinapakinggan siya. Pia has a long time crush with Chio, hindi siya nito pinapansin for the past years pero ngayon, siya na ang nilalapitan. I'm so happy for her. Parehas kaming hindi sumusuko kaya magkaibigan talaga kaming dalawa. Kahit panay ang basag niya sa imagination ko ay proud ako sakanya dahil sa lakas ng fighting spirit niya. Nagtagal ang kwentuhan namin ng halos isang oras kaya natagalan ako bago makapasok sa banyo at maligo. Mas masarap kase talaga ang mag-review kapag fresh at bagong ligo ka. Bago ako magsimula sa gagawin ay bumaba muna ako para kumuha ng gatas at kung anong pwedeng gawing midnight snack mamaya. Kailangan ko ng mangunguya habang nag-aaral, mabilis akong mapapagod at aantukin kapag walang pinagkaka-abalahan ang bibig ko. This is one of my strategy to stay awake till midnight. Naabutan ko si Mama at Papa sa kusina na nagbubulungan at tila ba nagsasagutan nanaman. Nang makita nila akong pumasok ay tumahimik naman sila. Para bang ayaw nilang marinig ko ang pinag-uusapan nila. "Where's your sister, Esra?" Kumuha muna ako ng tasa bago sumagot. "Hindi ko alam, Ma. Magkasama lang kami kanina kumain pero nauna na akong umuwi." "Hindi ka na magdi-dinner?" Umiling ako, "I'm full. Besides, I have to do something. How's the company, po?" Si Mama lang ang kumakausap sa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pinapansin ni Papa. Dati naman kahit masungit siya at strikto e napapansin pa rin naman ako. Ngayon ay ilag na siya sa akin at mukhang laging galit. "Well, we have some sort of problem but we will solve it. Sige na, umakyat ka na sa kwarto mo at may pag-uusapan pa kami," utos niya sa akin. Hindi nalang ako sumagot at kinuha ang isang box ng imported chocolates sa ref at gatas. Nilagay ko 'to sa maliit na tray at naglakad na pabalik ng kwarto. Masakit ang likod na nag-inat ako nang matapos sa pag-highlight ng mga dapat kong gawin sa susunod na linggo. Napatingin ako sa orasan sa gilid ko. It's already 1:00 AM. Napasobra ata ako sa pagre-review. Masiyado akong nawili at hindi ko na nakita ang oras. Hindi ko rin narinig na tumunog ang alarm ng cp ko kaya tinignan ko ito at nakitang lowbat pala. I sighed, "My head hurts, fuck." Hinilot hilot ko ito habang sumasampa sa kama ko. Bukas ko na aayusin ang mga kalat ko. Humiga na ako sa kama ko at sinuksok ang kamay sa ilalim ng unan ko. Kinapa ko ro'n ang isa sa nagpapaganda ng tulog ko. Iyon ay walang iba kung 'di ang picture ni Thadron. Pina-develop ko ito matagal na, I think 15 pa lang ako noon. Lagi ko itong tinitignan bago ako matulog. He's like my lullaby because he's helping me to get a better sleep. Just by looking at his picture, I feel like floating in the clouds. He's so damn fine, I can't take away my eyes. Para akong nahi-hypnotize sakanya. Ito lang ata ang obsession na mato-tolerate ko sa sarili ko. Thadron's fever. Natawa ako. Hinalikan ko lang ito at niyakap bago nagtalukbong ng kumot. "Goodnight, milove," mahina at huling sambit ko bago tuluyang lamunin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD