Kinabukasan ay late na akong nagising dahil sa sarap ng tulog ay hindi ko na narinig ang pag-alarm ng cellphone ko. Mabilis akong bumalikwas ng bangon nang makitang malapit na pala mag-alas otso at male-late na ako sa klase.
I took a quick bath. Tumakbo ako pababa ng hagdan at nasalubong si Kuya Ozhan na may hawak na tasa ng umuusok na kape.
"Why are you running, Es? Be careful, you might slip."
"I'm already late, brother-in-law!"
"Wait! Have you eaten breakfast? Your sister might scold you again if you didn't!" Sigaw niya sa akin habang tumatakbong lumabas ako ng pinto.
"Tell her I will eat in our canteen!"
Hindi ko na siya narinig na sumagot kaya mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko at binaybay ang daan papuntang university. Nakita kong nagpop-up ang isang message galing kay Pia.
Binuksan ko ang cellphone ko gamit ang isang kamay at binasa 'yon.
She's telling me that our professor for today's first subject is absent. Nakahinga ako ng maluwag nang mabasa iyon.
I mentally face palmed.
F*ck, I thought I'm dead. Nagmadali pa akong maligo, hindi ko pa natapos ang routine ko tapos wala naman palang prof ngayon! Badtrip naman.
Dahil sa pagmamaneho ko ng mabilis ay nakarating agad ako sa gate ng St. Vunille.
Nakita ko ang ilang mga late na rin sa kani-kanilang klase na nagtatakbuhan papasok. Lantang bumaba ako ng sasakyan at pumasok doon. Tinahak ko ang mahabang hallway papunta sa classroom at nakitang lahat na sila ay tahimik na nakaupo ro'n. Nakatingin sa harapan at parang may mga pusong lumilitaw sa mata nila.
Akala ko ba walang prof? Bakit ganiyan sila? Nakita ko si Pia na napatingin sa labas at pinanlakihan ako ng mata.
Kung wala palang professor ngayon, edi sana nagkukumpulan na sila at kanya kanya nang chismisan, ang kaso hindi.
Pasimple niya akong sinenyasan na pumasok na. Nalilitong naglakad ako ng magaan papunta sa pinakadulong pinto para doon pumasok.
Mataas ang mga bintana ng classroom namin kaya hindi ako makikita sa pagdaan doon. Nasulyapan ko lang siya sa itaas na bahagi ng pintuan na salamin ang harang.
Damn, pinagloloko mo ba ako, Pia? Nako, talagang mababatukan ko siya mamaya.
Halos mag tiptoe nalang ako para lang hindi mahalata ng kung sino man ang nasa harap pero may isa pa pala akong problema.
Nakasara ang pinto dito sa likod at kung sakaling nakaharap si prof ay makikita niya ako.
Pinagpapawisan na ako sa kaba dahil ayokong mapagalitan at ayoko rin namang maistorbo ang klase dahil sa akin.
Dahan dahan kong pinihit ang seradura at nakayukong pumasok mula doon. Nakita ko ang pagbaling sa akin ng mga kaklase kong nasa likod at tinawanan ako.
Sinenyasan ko sila na tumahimik dahil natatawa na rin ako sa lagay ko. Mabuti nalang at maaasahan sila rito. They return their gazes infront so I continue crawling like a baby on this cold tiles of our room.
"Ms. Silvadra, you're late. I'm expecting a goodmorning, can you please show me your face?"
Tila ba na-estatwa ako sa narinig at napahinto sa ginagawa. Narinig ko ang pagsinghap ni Pia na halos isang row nalang ang layo sa akin. Inangat ko ang tingin ko at nakita kong nagpipigil siya ng tawa.
Dang.
Parang pamilyar ang boses ng nasa harap. May bago ba kaming professor? Sh*t talaga. Kung minamalas ka nga naman, ngayon pa.
I'm not deaf, I actually heard Thad's voice which I'm not sure if I'm just hallucinating or what.
Nahihiyang tumayo ako at iniwasang mapatingin sa harap. Hiyang hiya na ako ngayon kaya ang pagyuko nalang ang tanging alam kong gawin.
This is why I hate being late.
"I said, show me your face."
Halos hindi na ako makahinga nang i-angat ko ang mukha ko. Nanlake ang mata ko at halos mapanganga ako sa nakita.
Thadron, wearing a blue long sleeve polo and black stripes necktie is standing right infront of me. He's holding a piece of bond paper while looking so hot with his gray eyeglasses.
What the actual hell is he doing here?
"Tell me, should I give you punishment for not just being late, but also standing like a statue there instead of greeting me? If yes, what could be the punishment the suits you? Cleaning the whole campus?"
Nagtawanan ang buong klase dahil sa sinabi niya. Doon ako napabalik sa huwisyo.
Tinikom ko ang nakabukang bibig ko at bumalik sa pagkakayuko.
"Be quiet!" He said in a cold tone that made the whole class zip their mouths.
"You can go back to your seat. This is your first and last warning, Silvadra. Ayoko nang nali-late sa klase ko, I will be your substitute prof for the whole week. Now, bring a one fourth sheet of paper and write all your names, starting from your surnames," utos niya sa amin.
Dahil hindi pa ako nakakahakbang para maupo sa upuan ko ay tumayo na si Pia at hinila ako sa tabi niya.
Nagulat ako ng kurutin niya ako sa braso dahil nakatulala nalang ako sa harap.
"Hoy, gaga ka. Maglabas ka na ng papel, mamaya mas ma-badtrip sa'yo 'yang future husband mo," bulong niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi man lang niya ako tinext para balaan na may sub prof ngayon. Nilapag ko ang bag ko sa tabi ko at binuksan ito. Nakita kong wala akong nadalang papel dahil sa kamamadali kong umalis ng bahay kanina. Ang alam ko nasa study table ko 'yon dahil ginamit ko kagabi.
Napahampas ako sa noo nang puro kamalasan ang nangyayari ngayon sa akin. Masaya sana ang makita siya ngayon ang kaso lang bad impression nanaman ang natanggap ko. Imbis na maging good shot ako sakanya, napagalitan pa niya.
"Pi, wala akong nadalang papel, pa'no 'yan?" Bulong ko sakanya.
Napatikom siya ng bibig at luminga-linga.
"Kalabitin mo si Midnight, hingi ka papel habang hindi pa nakatingin si Sir, dali!"
Umiling ako, "Nakakahiya! Ikaw na!"
Parang tangang nagbubulungan kami sa upuan namin.
"Hindi pwede, magseselos si Chio. Tignan mo, nakatingin sa atin. Ikaw na kase! Tutal ikaw lang naman ang pinapansin niyan, eh."
Napabuntong hininga ako.
Midnight is such a nerdy type. Pero hindi 'yung lampang nerd na gaya ng iniisip ng iba. Kasali siya sa varsity ng basketball at siya pa nga ang captain, nagkataon lang na mahilig siyang magsuot ng eyeglasses at medyo snob.
Siguro dahil parehas kaming nasa varsity ng magkaibang sports kaya pinapansin niya ako. Minsan nakakasabay ko siya sa training sa gymnasium.
Wala na akong choice kung 'di humingi sakanya. Nasa unahang row na si Thad at kinukuha ang mga papel na may pangalan ng bawat estudyante, baka makarating na siya sa pwesto namin na wala pa kaming naisusulat. Panibagong kahihiyan nanaman 'yon.
Nilakasan ko nalang ang loob ko na umusog palayo kay Pia at inabot ang likod ni Midnight. Kinalabit ko siya at awkward na ngumiti nang bumaling siya sa akin.
"Pwedeng makahingi ng papel? Wala kase akong dala–"
Hindi pa man ako tapos sa sinasabi ko ay naglabas na siya ng extrang papel na halos buo pa at wala pang bawas.
"Just two piece," ani ko.
"You can have it all, Esra. Come on, malapit na si prof sa line niyo."
Pilit na ngumiti ako at inabot nalang 'yon. He's really kind, takot lang talaga ang iba na kausapin siya kase para raw siyang masungit.
Binigyan ko nalang din si Pia ng papel para makasimula na kami. Iyon ang mahirap sa iba, hindi muna nila kinikilala nang mabuti 'yung tao bago mag-assume kung ano talaga ang tunay na ugali nito.
"I guess you have your outputs for the business class today?"
Sabay sabay kaming nag-yes.
Humalukipkip siya sa harap at sumandal sa lamesa sa likod niya.
"Alright, page 10, please answer the following questions and after that we will proceed to the checking. I just need to see if you still remember that topic, this will serve as your reviewer too."
Iniwas ko ang tingin ko sakanya nang bumaling siya sa akin. Kinakabahan talaga ako kase hindi ko nalang siya tinatanaw sa malayo, nandito na mismo sa harap ko.
"Are you done, Ms. Silvadra?" Pukaw niya sa akin ilang minuto pagtapos naming magsimula.
Tumango ako, "Y-Yes, sir."
"Then come here and give me your paper," he said in an authorative voice.
Impit akong napatili sa loob loob ko at tumayo. Nakita ko ang pagbaling sa akin ni Midnight at nginitian ako.
"Can you please pass my paper too?"
Kami palang pala ang naunang natapos. Inabot ko ang papel niya at pinatong ito sa akin.
"Thank you," pasalamat niya.
I just smiled and walk towards Thadron.
Namumulang inabot ko sakanya ito. Pansin ko agad ang agwat ng tangkad naming dalawa. Hanggang leeg lang niya ako kahit matangkad na ako sa normal height ng mga babae.
Grabe, nakaka turn on nalang lahat sakanya.
"Did I ask for your classmate's paper too?" Tanong niya na ako lang ang nakarinig.
Kasalukuyan pang nagsasagot ang iba kaya wala ang atensyon nila sa amin.
Napatingin ako sa papel ni Midnight. Kailangan ba isa isang magpasa?
I shook my head.
"Next time, if I ask for your paper, that means, I want only your paper, not someone else's."
Kinilabutan ako sa lamig ng pagkakasabi niya. Hinablot niya ng marahan sa kamay ko ang mga papel kaya naman nagdikit ang aming balat. Nagtayuan ang balahibo ko dahil doon. Mas naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
"Go back to your seat, ayokong nakikipagdaldalan ka sa iba."
Iyon lang ang tumatak sa utak ko nang makabalik ako sa upuan ko. Why does he looks so hot saying those words to me? Nakakabaliw siya. He's like a possessive boyfriend!
Kung sana totoo lang, aba! Willing akong sumunod sa lahat ng utos niya.
Hinintay ko lang na matapos ang lahat at pasimpleng tumitingin-tingin sakanya. Hindi rin naman niya tinapos ang oras ng klase niya sa amin dahil introduction lang daw ngayon. Kung kelan malapit na ang graduation tsaka pa siya nag-substitute.
Gusto ko pa naman na lagi siyang nakikita. Ang wrong timing! Nakakailang na nakaka-excite ang nangyari ngayon, para akong hihimatayin sa kilig kapag hindi ko ito nailabas mamaya kay Pia.
Gaganahan ako nito sa pagpasok.
Dalawang subject pa ang sumunod bago tumunog ang alarm ng classroom namin senyales na lunch time na.
Lumapit muna ako kay Midnight at pinakita sakanya ang papel niya.
"Here, ibabalik ko na. Thank you pala kanina!"
He stand up, he's towering me too. But unlike Thadron, he's a bit lower than him.
"Sa'yo na 'yan, silly. Just let me join you to lunch," hindi man lang siya nagpapakita ng emosyon.
Kung magkamukha lang sila ni Thad, mapagkakamalan kong kambal silang dalawa.
Nahihiya naman akong tanggihan siya tsaka ito ata ang unang beses na makikisalo siya sa hindi niya ka-team sa basketball.
"Sige, treat ko na rin! Bayad ko sa papel mo."
Nagkibit balikat siya at kinuha na ang bag niya. Pinuntahan ko naman si Pia at sinabing sasabay siya sa amin. She told me that Chio will join us too so I feel at eased.
Sabay sabay na kaming naglakad papunta sa canteen, nasa harapan ang magjowang naglalambingan habang kami naman ni Night sa likod.
Kung ano ano nalang ang tawag ko sakanya.
Hindi kami nag-uusap hanggang sa makarating na kami sa dati naming pwesto.
"Diyan lang kayo, kami na ang o-order," ani Chio sa amin.
"Wait, sasama ako!" Habol ko sakanila.
Naiwang mag-isa si Night sa lamesa namin at mukhang okay lang naman sakanya 'yon.