While we're eating, I heard someone shouted just a few table from us.
Isa sa mga cheerleader ng university. Nakatutok silang lahat sa entrada ng canteen at nangingisay sa kilig na pinapanood si Thadron kasama ang dalawa pang naka black suit na lalake papasok rito.
I'm surprised. It's my first time to see him without bodyguards. Tsaka mukhang dito sila kakain, nakakagulat lang. Mostly, ang kinakainan ng tulad niyang sobrang yaman ay sa mga fine dining restaurants, not to some ordinary canteens.
Nag-give way ang mga nakapila sa counter para sakanila. Hindi na ako nagtaka sa reaction ng iba especially those girls. Talagang agaw pansin ang ka-guwapuhan niya at ang kakisigan. Nakaramdam ako nang kaunting pagka-irita dahil kulang nalang ay siya na ang maging dessert ng mga kumakain dito.
Nakakaurat! Gusto kong tusukin ang mga mata nila dahil sa selos!
Hello! Hindi nga ako magustuhan niyan kahit halos malapit na kami sa circle nila, sila pa kayang malayo at hindi kasali sa business industry? Most of the students here are elites pero nasa ibang industry sila. Wala sa level ni Thad.
Maswerte na nga ako kapag nakakasama ko siya sa isang event. Parehas imbitado ang pamilya namin. Kahit kapag may okasyon sa mansyon ng mga Morocco, kasama kami.
I don't understand the relationship of my parents to his family but I'm glad to have that privilege.
Binalik ko nalang ang tingin sa pagkain ko at hindi na siya pinagtuunan ng pansin. Tinusok tusok ko ang pagkain ko na para bang nawalan ako ng gana.
Midnight hold my hand to stop me from doing that.
"You're wasting food."
Napakagat ako ng labi nang ma-realized ang sinabi niya. Binangga ako ni Pia gamit ang braso niya kaya napatingin rin ako sakanya.
Nginuso niya ang nasa gilid ko kaya sinulyapan ko 'yon.
I gasped the moment I saw his cold blooded eyes staring at me. Holding a tray of foods in my back. Lumipat ang tingin niya sa magkahawak naming kamay ni Midnight.
"We'll sit here, there's no vacant seats anymore," aniya sa demanding na tono.
Napaupo naman agad ako ng maayos at pinirmi ang mga kamay ko sa lamesa. Pinausog ako kaunti ni Pia sa tabi niya para makaupo na sila.
Naunang umupo ang mga kasama niya at binigyan lang kami ng tipid na ngiti.
"Thank you for letting us join your table, ladies and gentlemen," ma-respetong ani noong isa.
Tumabi sa akin si Thad at halos hindi na ako makahinga dahil lang sa sobrang nerbyos ko. Vegetable salad lang ang pagkain niya at isang maliit na box ng berries.
Nagsimula silang kumain ng tahimik kaya nagpatuloy rin ako. Napansin ko ang paghati ni Night sa dessert niyang cheesecake at binigay sa akin ang kalahati.
"I noticed you didn't order your dessert, hati nalang tayo since hindi ko naman mauubos 'yan. Thanks for the treat by the way."
I smiled, "No problem."
Parang kaming dalawa lang ang nag-uusap sa mesang 'to. Ang mga kasama namin ay tikom ang bibig at nakatutok lang sa kinakain. They're too serious. Mabuti nalang at meron siya rito para kausapin ako, atleast I will not feel so awkward.
Halos sabay lang kaming lahat natapos. Tumayo kami at nagkanya kanyang bitbit ng mga pinagkainan para ilagay sa gilid ng counter kung saan iyon mase-segregate.
Naramdaman ko ang pagpwesto ni Thadron sa likod ko at gamit ang isang kamay ay nilagay niya rin doon ang kaniyang tray, ang isa ay nakatukod sa kabilang gilid ko. Para tuloy akong nakakulong sa mga braso niya.
Nanigas ako ng maramdaman ang mainit na hininga niya sa buhok ko kaya humarap ako agad. Nagtama ang mata namin ng ilang segundo bago siya tumalikod at sumunod na sakanyang mga kasama palabas ng canteen.
J-Just... What the hell?
"Esry! Tara na, hoy. Next major na, 5 minutes nalang."
Dahil sa pagtawag sa akin ni Pia ay nabalik ako sa huwisyo. Mabilis ko naman silang sinundan kahit hindi pa ako nakaka get-over sa ginawa ni Thad.
Hanep talaga! Binabaliw mo talaga ako, Mr. Morocco!
Naging maayos naman na ang mga sumunod na subjects para sa araw na 'to. Hindi ko uli siya nakita sa buong campus kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Mao-overdose na ako sakanya, puro siya nalang ang laman ng utak ko.
Bago umuwi ay dumaan muna ako sa mall para bumili ng mga gamit para sa gagawin kong project. Saktong pagbaba ko ng sasakyan ko ay nakita ko si Kuya Pierro, isa sa pinaka matalik kong pinsan. Naglalakad siya sa parking lot ng mall kaya tumakbo ako para habulin siya.
"Kuya Pier! Hey!" Tawag ko sakanya.
Lumingon naman siya agad at umaliwalas ang mukha nang makita akong papalapit sakanya. Binuka niya ang kaniyang mga kamay kaya dinamba ko siya ng yakap.
"Princess! Nice to see you again!" Masayang bati niya at hinalikan ako sa pisngi.
Natatawang humiwalay ako ng yakap sakanya at sinuklian siya ng matamis ng ngiti.
"Long time no see, kelan ka dumating?" I asked him.
Galing kase siya ng Italy, almost 3 month din siya ro'n, hindi ko alam na nakauwi na pala siya. Wala kase siyang text or chat man lang. Sa dami naming magpipinsan ay dito lang talaga ako pinaka close. Ini-spoil kase ako nito at sobrang bait niya sa akin. Wala siyang kapatid kaya ako na rin ang tumatayong bunso para sakanya.
Ang Ate Eda lang at siya ang halos hindi magkasundo minsan. Ayaw kase ng ate ko na kung saan saan ako dinadala ni Kuya Pierro. Magka-edad lang sila at ako ata ang pinakabata sa magpipinsan.
"Kanina lang, may bibilhin lang sana ako ngayon. It's a good thing you saw me, how's school?"
Umangkla ako sa braso niya at nagsimula na kaming maglakad papasok ng mall.
"Stressful, but I'm excited for the graduation," sagot ko.
"Malapit na pala 'yon, mabuti at nakauwi na ako. Bibisita sana ako sa inyo kase umuwi na rin pala ang amazona mong kapatid, may mga kailangan lang munang asikasuhin."
"It's okay, you can visit us anytime naman."
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makapasok at makabili nang mga pinunta namin dito. Nilibre niya ako ng pagkain dahil gaya nga ng sabi ko, spoiled ako sakanya.
Naglaro lang din kami sa timezone kahit hindi na akma sa edad niya 'yon. Naging mas masaya ang araw ko dahil sakanya.
Nang mapagod ay napagpasyahan na naming umuwi na.
"Ihahatid na kita sa inyo," offer niya sa akin.
"No thanks, Kuya Pier. May dala akong kotse, tsaka malayo pa ang sa inyo, baka gabihin ka masiyado."
"Are you sure? I just wanna make sure you're safe."
"Hindi naman ako kaskasera sa kalsada, don't worry about me!"
Inakbyan niya ako at hinalikan ako sa noo.
"Dalaga ka na talaga," natatawang wika niya.
Habang nagtatawanan kami at naka-akbay pa rin siya sa akin ay nakasalubong ko nanaman for the 3rd time and lalaking nagbibigay sa akin ng kakaiba at matinding kaba.
Unti-unting nawala ang ngiti ko nang makitang pasalubong siya sa amin at tutok na tutok ang mata sa akin.
Gano'n pa rin ang suot niya, mukhang kagagaling lang niya ng campus at ngayon pa lang ang out nila. Naghuhumindig talaga sa ka sexy-han ang awra niya, he's like a walking god.
May kasama siyang babae sa likod niya na hindi na halos magkanda-ugaga dahil sa bilis niyang maglakad. Naka heels pa naman 'yung babae na pilit hinahabol ng lakad si Thadron.
Napahinto ako sa paglalakad kaya niyugyog ako ni Kuya Pierro.
"Hey, what's wrong?" Tanong niya.
Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sakanya hanggang sa lagpasan na niya kami. Doon lang ako natauhan kaya nagpatuloy na kami sa paglabas.
I bid my goodbye to my cousin. Nauna siyang umalis kaya napahugot ako ng malalim na buntonghininga.
Yumuko ako at sinandal ang noo ko sa manibela ng sasakyan ko. Nagsisimula nang manakit ang ulo ko sa samu't saring emosyon.
Kaano-ano naman kaya niya 'yung babae? Tsaka bakit naman lagi ko nalang siyang nakakasalubong? Bumabawi ba sa akin si tadhana? Ito na ba ang sign na mas taasan ko ang expectation ko sakanya?
Yung tipong nage-expect na ako na magugustuhan niya ako, gano'n ba 'yon? Kase kung oo, gagawin ko. Kahit siguro masaktan ako sa pagkapit sa kaliit-liitang chance na 'yun, magbabakasakali lang.
I've had so much stress this day, I want to go home now and rest but there's a part in me that saying, I should wait for them to come out.
I'm literally crazy, I can't with myself. This is obviously a possessive action, I should get a hold of myself.
Umuwi ako ng bahay na lanta at walang naabutan doon kung 'di ang mga kasambahay lang. Busy ang ate dahil nga sa problema sa branch sa Turkey kaya sila umuwi, at as usual, wala rin dito ang parents ko. Siguro ay may mga lakad din sila o di kaya ay nasa kumpanya pa.
Lantang naglakad ako paakyat ng hagdan at hindi na dumiretso sa kusina para tanungin kung anong ulam. Biglang bumagsak ang energy ko sa hindi ko malamang dahilan.
May pinaka ayaw pa naman ako sa ugali ko, iyon ay ang pagiging moody.
Hindi na ako nag-abalang magtanggal ng uniform at basta nalang sumalampak sa kama. I'm so fuckin' tired.
Hindi nagtagal nang maramdaman ko na ang pagbigat ng hininga ko. Nauwi ako sa mahimbing na tulog kahit panay ang katok ng kung sino sa pinto ng kwarto ko.
Kinabukasan ay naging masigla ako nang makitang kumpleto kaming mag-aalmusal ngayon, bukod pa sa maganda ang awra ng parents ko at mukhang walang nangyaring pag-aaway sa pagitan nila.
Pinaghanda ako ng mga kasambahay ng paborito kong breakfast kaya ganado akong kumain. My sister gave me an envelope after we finished eating.
"Ano 'to?" Kunot noo kong tanong.
"Invitation card, I forgot to give it to you yesterday, tulog ka na rin kagabi kaya ngayon ko na binigay."
Binuksan ko ang card at binasa ang nakasulat.
B-Birthday party ni...
Holy moly! Napatalon ako sa inis nang makalimutan na birthday nga pala bukas ni Thadron! Muntik ko nang hindi maalala, mabuti at nandito si ate.
I've been so stressed these past few weeks, hindi ko tuloy napaghandaan ito.
Pasimple akong napakagat ng labi dahil taon taon kaming pumupunta sa kaarawan niya. Lagi rin akong may dalang mga regalo pero hindi ko iyon nabibigay sakanya, pinapaabot ko lang sa kasambahay nila at ewan ko kung nakakarating ba.
Wala pa akong nabibiling regalo!
"A-Attend din kami ng Kuya Ozhan mo, sabihin mo lang kung may gown ka na para kung wala pa, ako na ang pipili para sa'yo."
Napailing ako, "Ako na ang bahala, Ate. I'll gotta go, may practice pala kami ng volleyball mamaya kaya baka gabihin ako ng uwi," hinalikan ko siya sa pisngi at umalis na.
Ang totoo, half day lang kaming varsities ngayon dahil may try-out ang mga bagong players dahil ga-graduate na kami. Kailangan namin silang tulungan sa mga drills dahil busy ang mga coaches ngayon at since kami ang seniors, kami na ang natoka.
Saktong pagpasok ko ng gate ng campus ay nakasabay ko sa pagpasok si Thadron. Ang gwapo niya sa suot na puting long sleeve.
Hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa akin kung bakit bigla siyang naging substitute ng prof namin sa business major. Sa yaman niya at sa pagiging high-profile niya ay nakakapagtaka lang, kahit security ay wala siyang kasama.
Ang pagiging businessman ay napaka hassle at busy ng trabaho kaya hindi ko talaga alam. Masakit sa ulo kung iisipin ko pa ang walang kasiguraduhang rason sa utak ko.
And as usual, hindi niya ako pinapansin. Kahit nakita niya ako ay dinaanan lang ako ng tingin.
I shrugged my shoulders and just follow him. Siya ang first subject kaya masaya nanaman ang araw ko nito, panigurado.