11- angkinin mo 'ko

1929 Words

"Sorry kung nahalikan kita nang wala sa oras kanina. Ano ba kasing ginagawa mo sa sasakyan ni daddy?" Sinulyapan ko si Hiro na nasa unahan nakatuon ang paningin habang abala sa pagmamaneho ng manibela ang mga kamay. "Ahm..." Napalabi ako nang ilang ulit. "N-nagtago lang." "From who?" "S-sa stepfather ko." "Why?" tanong niya ulit sabay sulyap sa akin sa rearview mirror. "Mahabang istorya, eh. Basta, nagtago lang talaga ako kanina at hindi ko alam na sa dad mo pala ang sasakyan na 'yon." Hindi na siya umimik. Nagsalita lang ulit siya nang itanong niya kung ano'ng address ng tinutuluyan ko. "S-salamat, ha?" wika ko pagkarating namin sa tapat ng building ng apartment na nirentahan ko. "Mag-isa ka lang diyan?" "Oo." Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan. Muli akong nagpasalamat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD