bc

HIS GRIM SECRET

book_age18+
534
FOLLOW
8.9K
READ
HE
playboy
badboy
drama
bxg
bold
campus
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Tagalog story--SPG

Isang nakakaantig na kwento ng pag-ibig, pagkawala, at ikalawang pagkakataon. Ito ang paglalakbay ni Suzette 'Suze' Schneider mula sa mga anino ng kanyang nakaraan patungo sa mga bisig ng kanyang tagaprotekta, simula noong bata pa siya, si Hiro Zaragoza. Ngunit habang lumalabas ang mga lihim at nabubunyag ang mga kasinungalingan, makakaya kaya ng kanilang pag-ibig na malampasan ang kadilimang nagbabantang maghihiwalay sa kanila?

chap-preview
Free preview
one- protector
"You only realize the importance of someone when they are gone. Masakit man aminin, mahirap mang tanggapin pero nahuhuli lagi ang pagsisisi." *** "Ano ba ang gusto mong mangyari? Hindi pa ba sapat ang paulit-ulit kong paghingi ng sorry?" "Kahit isang milyong sorry pa iyan, hinding-hindi mo na maibabalik pa sa dati ang lahat. The damage is done, Hiro. Nagdulot na ng malaking peklat sa puso't alaala ko ang sugat na nilikha mo sa akin noon." "You don't understand, Suze." Umiling-iling siya. "You really don't understand—" "And you don't understand my situation either!" Tuluyan nang napigtas ang pagtitimpi ko. Punung-puno na ako sa totoo lang. Sobrang sikip at sobrang bigat na ng dibdib ko na parang may pasan-pasan akong toneladang bakal sa loob nito. "Naiintindihan kita noon, Hiro. Inintindi kita kahit masakit! Eh, ikaw, inintindi mo ba ako?" Hindi siya nagsalita. Tikom lang ang bibig niya habang nakatitig sa akin ang malalamlam niyang mga mata. At habang nakatitig naman ako sa mukha niya ay nabuhay ulit ang sakit na tila humahatak sa akin pabalik sa nakaraan kung kailan natipakan ng malaking bahagi ang aking puso... Kung kailan dinanas ko ang bangungot na ayoko nang maalala. "Minahal kita, pinagkatiwalaan pero nasaan ka noong mga oras na kailangan ko ng masasandalan?! Ipinagtabuyan mo ako, Hiro! Ang taong inaasahan kong mahihingan ko ng tulong ay tinalikuran ako!" Pigil ko ang sarili na mapahikbi pero hindi ko kinaya at tuluyan nang nagpulasan ang mga luha ko. Umiyak na naman ako sa harapan niya. I tried to hold back my tears dahil ayoko nang magmukhang pathetic gaya ng dati. Sapat na ang araw na iyon na sobra kong ibinaba ang sarili ko sa kanya. Ayoko nang maulit 'yon. Pinalis ko ang luha ko at buong tapang siyang tiningnan. "You have no idea what I went through that night. Sobrang nakakakilabot, Hiro! Parang gusto ko na lang tamaan ng kidlat noong time na iyon. Gusto ko na lang maglaho! Samantalang ikaw! Ikaw!" Dinuro ko siya. "Naalala mo ang araw na 'yon? You dumped me dahil may bago ka na! Nagpapakasarap ka sa piling ng iba habang ako ay para nang mamamatay sa lahat ng sakit na dinanas ko!" "Suze..." Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata bago pa man magbagsakan ang mga iyon. Ang mapula niyang mga labi ay paulit-ulit niyang kinakagat para itago ang panginginig niyon. He wanted to say something pero ang mga salitang gusto niyang bigkasin ay tuluyan nang nakulong sa kaniyang mahihinang hikbi. Yumuko siya at pilit na itinago sa akin ang pag-iyak niya. Gusto kong matawa. Hindi ko lang sukat akalaing marunong palang umiyak ang playboy na katulad niya. Pero hindi ko magawang iunat ang mga labi ko para tumawa dahil nasasaktan ako. Seeing him like this broke my heart into pieces. Masakit sa akin na makita siyang nahihirapan ng ganito. Masakit sa akin na makita siyang umiiyak dahil sa akin. Stupid! How stupid I was to feel this way! Bakit ba ako nagpapaapekto? Luha lang iyan! Walang-wala iyan sa mga pinagdadaanan ko noon. Lumuhod na nga ako noon sa pagmamakaawa sa kaniya, eh. When I was in his situation, did he even once feel pain and pity for me? Hindi, 'di ba? Siya pa nga mismo ang nagtaboy sa akin kahit na alam niyang wala na akong ibang matatakbuhan noon kundi siya lang. Hindi ko dapat kaawaan ang lalaking naging isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko nang mabuhay noon at kung bakit muntik ko nang tapusin ang buhay ko noon. "I'm sorry..." mahina niyang sambit habang nakayuko. Sapo na niya ngayon ang kaniyang noo at nakasandal ang likod niya sa kaniyang sasakyan na para bang hinang-hina siya. "I'm sorry if I hurt you. I'm sorry if I neglected you." Hindi pa rin siya nag-angat ng tingin sa akin. Nanatili siyang nakayuko at sapo ang noo. Hindi ko tuloy maiwasan na isiping sincere ba siya sa paghingi niya ng sorry. He couldn't even look me in the eyes. Tulad noon, parang napipilitan na naman siya. Bumuntong-hininga ako sa inis. "Iyo na ang sorry mo, Hiro. Huwag ka nang umasa na may second chance pa para sa atin. Hinding-hindi iyon mangyayari. Alam mo kung bakit? Because you are the same Hiro that I know. Walang kwentang lalaki at nasa bayag ang utak!" Pinigilan niya ang braso ko sa akma kong pagtalikod. Basa ang mga mata niyang tumitig sa akin habang ang palad niya ay kasing lamig na ng yelo. Parang sinundot ang puso ko dahil sa pait na nakikita ko sa mga mata niya. Pero deserve niya ba ang awa? No. "Suze... Hindi kita pipilitin na patawarin ako. But please... Let me see Kentaro. Just this once. I-I want to see him. Please let me see my son..." Pinagpag ko ang nanlalamig niyang kamay na nakahawak sa braso ko. "You lost your son the day you denied my pregnancy. Wala kang anak, Hiro. Huwag kang magpatawa!" Tumalikod ako sa kanya pero napatigil din ako nang makarinig ako ng kalabog. Paglingon ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Hiro na nakahandusay na sa lupa. "H-Hiro!" Dali-dali akong lumapit para lang kabahan lalo. He looks so pale! And his nose was bleeding! "Hiro! Ano'ng nangyari sa 'yo?!" But there's no response. Tuluyan na siyang nawalan ng consciousness at wala akong magawa kundi ang magtawag ng tulong, magsisigaw sa abot ng aking makakaya hanggang sa may dumating na tulong. We rushed him to the nearest hospital. At hindi ko akalaing iyon na pala ang huling beses na makakausap ko siya. Hiro's my first love. Siya lang ang lalaking gustung-gusto ko. Simula pa pagkabata hanggang sa lumaki ako, siya lang ang pinangarap ko na makasama ko habang buhay. He was a good person then. He's gentle, he's my protector but why did he suddenly change? *** YEARS AGO... "HOY baboy! Huwag ka ngang haharang-harang diyan!" sigaw ng isang estudyante. Kaagad naman akong tumabi para paraanin sila sa malapad na pathway ng school. They're from grade one class. Ewan kung bakit dito sila dumaan sa room namin. Gusto lang yatang mang-asar, eh! "Baboy, may baon ka? Pahingi kami!" Sabi na! Ako talaga ang sadya nila. Ang bu-bully talaga! Wala akong nagawa kundi ibigay ang natirang fudgee ko. Snack ko dapat ito mamayang uwian. Mahilig kasi akong ngumuya habang naglalakad. Pero dahil ayoko ng gulo kaya ibibigay ko na lang. "Uy! May yakult pa, o! Amin na!" No! This is my favorite! Hindi ako nawawalan ng yakult sa bag ko dahil paborito kong sipsipin ito habang hinihintay ko sa labas ang sundo ko. Kaagad kong isinara ang zipper ng bag ko saka ako lumayo sa grupo nila pero pinigilan ako ng leader. "Ano? Ibibigay mo o lilitsunin ka namin?" Nagtawanan sila habang ako ay kumakabog na ang dibdib sa takot. Pero alam ko namang hindi nila iyon magagawa. Takot lang din nila na gumawa ng bad sa school, noh! "Binigay ko na nga sa inyo ang fudgee ko, pati ba naman ito!? Mayaman naman kayo, ah? May baon din kayo pero bakit sa akin kayo nanghihingi?" "Sumasagot ka pa!" Bigla ako nitong tinulak na kaagad ko namang ikinatumba. Nahulog ako sa isang baitang at gumulong sa semento. Tawanan silang lahat. "Baboy talaga! Haha!" "Lampa! Papayat ka kasi! Piggy!" "Oink! Oink!" "Hahahaha!" Naiyak na lamang ako. It's sad to think that my parents took care of me and treated me as the princess of our home, but others would only hurt me like this. Kung tutuusin, kaya ko namang lumaban. Kahit na five years old lang ako at sila ay seven pero mas malaki ang katawan ko kaysa sa kanila. Kayang-kaya ko rin silang itulak at pagulungin nang katulad ng ginawa nila sa akin. Pero madami sila, eh. At mag-isa lang ako. Baka pagtulungan nila ako. Wala pa namang magtatanggol sa akin. Wala kasi akong kaibigan dahil mataba raw ako at matakaw. I can't help it. Favorite pastime ko kasi ang kumain. Bumangon ako at sumalampak ng upo. Tiningnan ko ang sugat ko sa siko na tinamo ko. Dumugo iyon at sobrang hapdi kaya iyak na ako nang iyak. Tawanan lang ang grupo ng bullies habang paalis. "Hey." Isang lalaki ang biglang sumulpot at naglahad ng kamay sa harap ko. Malinis ang palad nito, makinis, mukhang malambot at may mahahabang daliri na parang nililok na kandila. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang gwapong mukha na masuyong nakangiti sa akin. I know him. He's a grade two student. Apo siya ng may-ari ng school na pinag-aaralan ko ngayon. Nahihiya kong tinanggap ang kamay niya saka ako umamba ng tayo pero nahiga lang ako ulit nang mawalan siya ng balanse at sumubsob sa akin. "Oh, darn! Binigla mo naman ako!" natatawa niyang sambit sabay tayo. Napayuko ako sa hiya. "Sorry, po. Ang taba ko kasi." Sobrang taba ko naman talaga. Mas malaki pa ang katawan ko kaysa sa kaniya. Matangkad siya pero payat naman. He's just eight years old pero mukha na siyang grade six dahil sa tangkad niya. At sobrang gwapo niya kaya kahit tambakan siya ng madaming students, nangingibabaw siya lagi. Sobrang attractive niya. Lagi ko nga siyang tinitingnan during the flag ceremony. Nag-init ang pisngi ko nang maramdaman doon ang pagdampi ng mga palad niya. Sinapo niya ang mukha ko at pilit na inangat para tingnan siya. "Hey, cutie. Okay lang iyan. Nasa mataba ang tunay na sexy." Lalong uminit ang pisngi ko at napayuko ako sa hiya. Nang maramdaman ang pagyakap niya ay napapiksi ako. "Hey, tutulungan lang kita tumayo." Inalalayan niya ako. At nang makatayo na kami pareho ay hinawi naman niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko. "Thank you. You're so kind." "You're welcome. Ayoko kasi nang may nabu-bully lalo na kapag babae. Bilin din ng Lolo ko sa akin na bantayan ko raw ang school namin. Huwag ko raw hayaang may mga loko-loko na magbibigay ng mantsa sa pangalan ng school." Napatingala ako sa gwapo niyang mukha saka kiming ngumiti. Ngumiti rin siya—malawak at halatang masaya. Lalo siyang gumwapo kahit na medyo nawala ang singkit niyang mga mata dahil sa pagkakangiti niyang iyon. Tsinito kasi siya. Namana niya ang mga eyes niya sa mommy niya na isang Japanese. Pati ang malaporcelanang kutis niya at maninipis at mapupulang mga labi. Ang ilong naman niya, ang shape ng mukha at ang kulay choco niyang buhok ay nakuha naman niya sa dad niya na isang Pinoy na may dugo raw'ng Spanish. Naghahalu-halo ang genes sa katawan niya kaya siguro ang gwapo niya. And his teeth, my gosh. Hindi ko alam kung kanino niya namana. Basta ang gaganda, pantay at ang lilinis. Hindi tulad ko na ang daming sira at bulok. Mahilig kasi akong kumain ng matatamis. Pero lagi naman akong nagto-toothbrush. Ayoko kasing mangamoy. Iyon nga lang, lagi ako nagka-toothache. "May I know your name?" "Ahm, S-Suzette Schneider." "I'm Hiro Zaragoza." Muli niyang inilahad ang kaniyang kanang kamay at nangingimi ko namang tinanggap iyon. "Simula ngayon, wala nang mambu-bully sa iyo. Babantayan na kita. Ok ba sa iyo iyon?" Nangislap ang mga mata ko sa kaniya. "Talaga po?" "Yes. Ayokong nakikitang umiiyak ang chubbylita ko," aniya sabay pisil sa pisngi ko. Kinilig ako. Oo, ang bata ko pa pero kinikilig na ako! Ah, baka masaya lang ako kasi may tagapagtanggol na ako. At nag-iisang apo pa ng may-ari ng DRIS! I couldn't believe it. Ang sikat, gwapo, matalino at apo ng may-ari ng school ay protector ko na ngayon! Akala ko no'n tuluy-tuloy na ang pagiging lucky ko pero nangyari ang hindi inaasahan na nagpabago ng takbo ng aming buhay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook