Two- Run, Suze!

1289 Words
"Chubbylita!" Mabilis pa sa ikot ng manibela ang paglingon ko nang marinig ang boses ni Hiro. Kaagad akong ngumiti habang patakbo naman siyang lumapit sa akin, hila-hila ang kaniyang batman trolley bag. Ang gwapo niya talaga at ang bango pa rin kahit buong maghapon na siya sa school. Ang linis din ng school uniform niya. Ano kaya ang ginawa niya buong araw? Bakit ganito pa rin siya kapresentable? Eh, samantalang ako, nagmumukha nang panis na torta. "Lalabas ka ng gate? Wala pa sundo mo, ah?" "Nasa labas na sina Maisie at kuya Mark!" masigla ko namang sagot. Naaaliw ako sa mga kilay niyang nagpang-abot. Ganito siya kapag may nagawa akong hindi niya nagugustuhan. "Kahit na. Wala pa sundo mo, 'di ka pa rin papayagan ng guard na lumabas." "Papayagan ako ni mamang guard. Andiyan ka naman, eh!" "No. Not safe." Napanguso ako at napahigpit ng hawak sa strap ng backpack ko. "Bibili po kasi akong fish ball. Nakita ko kanina may dumaan na food cart. Nakita ko din si kuya Mark hinahabol yung nagtitinda. Gusto ko rin bumili. Nagutom po kasi ako." Bumuga siya ng hangin sabay tingala. Ang cute ng pulang nguso niya na nakabusangot. Tapos ang ganda tingnan ng matangos niyang ilong habang nakatingala siya. Nag tumungo siya ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. "Ba't ka nakangiti diyan?" "Kasi papayagan mo na ako lumabas," nakangisi kong sagot. "Spoiled ka talaga, eh, noh?" Natawa na lang ako nang hilahin niya ako palabas ng gate. Nag-su-sway pa ang mahaba kong buhok na naka-pigtail habang pilit na pinapantayan ang mga hakbang ng mahahaba niyang biyas. Hindi pinapayagan ng paaralan na lumabas ang isang batang mag-aaral nang walang sundo. Maliban na lang kung kasama ang mga Nannies. Pero dahil kilalang anak ng mga politiko at may-ari ng paaralan sina Hiro at Mark, kaya nakakalabas-pasok ang mga ito kahit na anong oras. Matitino rin kasing estudyante kaya siguro kampante lang ang guard na lumabas sila. "Maisie!" sigaw ko sabay kaway sa kaklase at naging close friend ko na ngayon. Friends ang parents ni Maisie at parents ni Hiro kaya magkakaibigan din sila na mga anak. At dahil kay Hiro, naging friend ko na rin si Maisie. Lucky ako na naging kaibigan ko sila kasi nawala na 'yong mga bully na laging nang-aaway sa akin. "Miss Schneider!" Napahagikhik ako nang makalapit kay Maisie. Nakakaaliw ang seriousness niya na akala mo matanda na umakto. Napakapormal pa. Gusto niya, tawagin namin ang isa't isa sa apelyido. Eh, kaso nakakailang! "Bumili si kuya ng favorite mo. Share tayo mamaya." Nangislap ang mga mata ko sa sinabi ni Maisie. "Thank you, Miss Rojas!" sabay yakap sa kaniya. Napatingin kami sa van na biglang huminto sa tapat namin. Naglabasan doon ang mga nakamaskarang kalalakihan na may dalang armas saka nila binuhat si Maisie. "Suze! Help!" Hindi ko naman binitiwan ang kaibigan ko. Kaya pati ako ay binuhat na rin ng isa sa mga kidnapper. Muntik pang sumubsob ang lalaking bumuhat sa akin. "Lintik na batang 'to! Parang isang sako na ng bigas! Ang bigat!" reklamo ni mamang kidnapper at padaskol akong ipinasok sa van. Pati si Hiro ay nadamay na rin matapos niya kagatin ang kamay ng isang kidnapper na may hawak sa akin. Hindi nakakibo ang tindera na balak humingi ng tulong dahil sa baril na nakatutok sa kanya. Maging ang mga guwardiya ay walang nagawa dahil armado sila kaya nagtagumpay ang mga kidnapper sa pagdukot sa amin. "Hiro..." hikbi ko at sumiksik sa tabi niya. Nasa likod naman namin si Maisie na umiiyak habang mahigpit na hawak ng isang kidnapper. "Don't be scared. Don't cry. I will protect you," bulong ni Hiro sa akin sabay yakap sa akin. Nang mga oras na iyon, siya ang lakas ko. Nakatulog ako sa bisig niya sa gitna ng byahe at hindi ko namalayang nasa malayo na pala kami. Nagising lang ako nang pilit kaming kaladkarin ng mga kidnapper pababa ng van saka kami iniwan sa hindi pamilyar na lugar. Si Maisie lang naman kasi ang sadya nila. Nadamay lang kami ni Hiro kaya heto't iniwan kami. Buti na lang hindi kami sinaktan. Pero nasaan nga ba kami? "Hiro, natatakot na talaga ako," mangiyak-ngiyak kong sabi habang nakakapit sa braso niya. Hinawakan naman niya nang mahigpit ang kamay ko. "Huwag kang matakot. Hangga't nandito ako, walang masamang mangyayari sa iyo." Tumango-tango ako at pinilit ang sariling magpakatapang. Inilibot ko ang paningin sa paligid na purong bakanteng lote na puno ng mga nagyayabungang halaman at kahoy ang makikita. Sa gilid naman ng kalsada na matarik ay ang malalim na bangin. Magtatakip-silim na. Paano na lang kung may aswang pala rito? Lalo akong nagsisiksik sa gilid ni Hiro dahil sa isiping iyon. "Tara. Maglakad tayo. Baka may makita tayong bahay sa unahan na pwede nating mahingan ng tulong," ani Hiro sa akin saka niya ako hinila. Nagsimula kaming maglakad sa kalsada. Ilang metro pa nga lang, sumasakit na ang mga paa ko at hinahapo na ako. Ganoon din siya. "Pahinga muna tayo?" tanong niya na kaagad ko namang tinanguan. Sumalampak kami ng upo sa gilid ng kalsada. Tahimik kami pareho. Siya na nag-iisip marahil ng solusyon, at ako naman na nag-iisip ng puro aswang at vampire na posibleng makakasalubong namin mamaya. Dumaan ang halos kalahating oras, tumunog na ang tiyan ko. Nagkatinginan kami. "Sorry, chub." Napalabi siya kaya lalong namula ang lips niya. "May sandwiches sana ako sa bag kaso naiwan ko naman doon sa tindahan ang bag. Para sana sa 'yo 'yon, eh. Binili ko sa canteen kanina." Kinabig ang puso ko sa nalaman. He's always like this mula no'ng naging magkaibigan kami. He always buys me food. Kinuha ko ang malambot na kamay niya at marahan na pinisil. "Ok lang ako, Hiro. Natitiis ko pa naman, eh." Mapait siyang ngumiti. Unti-unti nang dumidilim ang paligid hanggang sa hindi ko na gaanong naaaninag ang mukha niya. Wala pa namang mga lamppost sa lugar na iyon. "Hiro, makakauwi pa tayo, 'di ba?" "Oo naman." Malungkot akong nagbaba ng tingin. "Gabi na kasi. Takot ako sa madilim, eh." "Nandito naman ako. 'Di ba, I told you I will protect you?" Marahan akong tumango. Tumayo naman siya at inabot ang kamay ko. "Let's go. Kailangan nating lumakad. Huwag tayong mawalan ng hope, chub." Tinanggap ko naman ang kamay niya na may mahahabang daliri saka niya ako tinulungan na makatayo. * Malayu-layo na ang nalakad namin pero wala pa rin kaming nakikitang bahay. Wala ring dumadaan na sasakyan. Nasaan ba kasi kami?! Siguro kung walang buwan, baka hindi na namin natunton ang kalsada sa sobrang dilim. Napatigil ako nang bigla ring huminto si Hiro. "Bakit?" tanong ko. "May liwanag do'n, o!" turo niya sa unahan ng palikong daan. May liwanag nga na natatakpan ng matataas na damo. "Tara!" Magkahawak-kamay kaming tumakbo patungo sa pinagmulan ng liwanag. Nang makita naming nanggaling iyon sa headlights ng isang kotse ay pareho kaming nagtatalon sa tuwa dahil sa wakas! Makakauwi na rin kami! "Humingi tayo ng tulong!" Malalaki ang hakbang namin palapit sabay biglang hinto nang maaninag namin ang tila katawan ng tao na nakabalot sa itim na plastic bag. Binuhat iyon ng dalawang lalaki mula compartment saka pinagtulungang ihagis sa bangin. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagnganga ko. "H-Hiro... A-ano 'yon?" Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Hiro sa kamay ko habang nakatingin sa dalawang lalaki. "Suze... 'Pag sinabi kong takbo, tumakbo ka." "H-ha?" Kabado akong tumingala sa kaniya. Nang balikan ko ng tingin ang mga lalaki ay napapisil ako sa kamay niya. Nakatingin na pala sila sa amin! Nakita na nila kami! "Mga bata! Naligaw ba kayo?" tanong ng isang lalaki at nagsimulang humakbang palapit. "Hiro..." Natatakot akong humakbang paatras. Humakbang din paatras si Hiro at hinila ang kamay ko. "Now, Suze! Takbo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD