bc

The two of us

book_age18+
29
FOLLOW
1K
READ
revenge
billionairess
bxg
heavy
witty
city
office/work place
disappearance
tricky
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang taong tinulungan at binihisan mo ay ang taong magbabaon sayo sa hukay mo?

Akala ni Gab ay napaka perfect na ng buhay niya dahil sa sobrang smooth ng buhay niya dahil meron siyang napakabait na asawa, dalawang anak at mga magulang. Ngunit hindi pala magiging maganda ang kanyang kapalaran hanggang huli sapagkat ay makikilala niya ang babaeng sisira ng buhay niya at ng kanyang buong pamilya.

Subaybayan natin ang kwento ni Gab kung paano niya babawiin at lalabanan ang hamon ng kanyang buhay.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Dumating na ang pinaka hihintay naming araw at ito na nga ang araw na iyon. Ang pag-iisang dibdib namin ni Dexter. Ang pag sasakatuparan ng matagal na naming pangarap na dalawa ang makasal sa isa't-isa.   Nasa altar na kaming dalawa at panahon na ng palitan ng aming mga vows. Hawak kamay kaming dalawa ni Dexter ng mga oras na ito. Nakatingin ako sa mga mata ng lalaking pinakamamahal ko ng mga oras na ito. Kabado ngunit mas lumalamang pa rin ang kasiyahan sa akin ngayon.   "Dexter, do you take Gabriella to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?" tanong ng pari kay Dex.   "I do," nakangiting tugon niya habang nakatingin sa mga mata ko.   "Gabriella, do you take Dexter to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?" tanong ng pari sa akin.   Ngumiti ako ng sobrang laki sa kanya kasabay ng matamis kong tugon sa kanya.   "I do!" masayang sambit ko.   "I now pronounce you husband and wife; you may kiss your bride." sambit niya.   Dahan-dahang itinaas ni Dexter ang belo ko at pagkatapos ay madiin niya akong hinalikan sa aking labi. Para akong nasa alapaap ng mga oras na ito dahil ito ang kauna-unahang halik namin sa labi ni Dexter makalipas ang limang taon na magkasintahan.   Napapikit ako habang madiin kong hinahawakan ang kamay ni Dexter ng mga oras na ito.   "Thank you, God, for this answered prayer!" masayang sambit ko.   "Bago pa man mauwi ang dalawa sa honeymoon nila," panunukso ng pari sa amin. "Ladies and gentlemen, is it my pleasure to present to you Mr. and Mrs. Fernandez!" masayang sambit ng Pari sa kapulungan.   Nagtayuan ang mga tao bilang pakita ng kanilang kasiyahan sa aming dalawa ni Dexter. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aming mga labi ng mga oras na ito habang nag papalakpakan ang mga tao at nag che-cheer sa aming dalawa ay bumaba na kami sa altar upang maunang lumabas ng simbahan.   Nag lalakad na kami sa aisle na dalawa ni Dexter nito ng biglang nag saboy ng mga mababangong bulaklak ang mga maliliit na bata na ito.   Napapaluha na ako ng mga oras na ito habang tinitingnan ko ang ina kong naluluha na nakatingin sa aming dalawa ni Dexter.   "Humulas ‘yung make up mo niyan." sambit ko kay Mama mula sa malayo.   Dahan-dahan niyang pinunasan ang maluha-luha niyang mata dahil sa sobrang saya.   Bumukas na ang pinto ng simbahan at sa pagbukas nito ay nakita namin ang mga kaibigan namin na nakahilera sa labas.   "I love you Mrs. Fernandez," malambing na sambit ni Dexter sa akin.   "I love you too Mr. Fernandez." kinikilig na tugon ko sa kanya.   Pagtuntong na pagtuntong palang namin sa bukana ng simbahan ay pinag hahagisan na nila kami ng bigas at mga bulaklak.   "Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ng kapatid kong si Michael.   "Mabuhay!" sigaw ng iba.   Nakahanda na ang kotseng sasakyan namin sa labas ng simbahan kaya pumasok na kami ni Dexter doon.   Ihinatid nila kami sa kotse. Sa loob ng kotse ay kaway sila nang kaway sa amin kaya kumaway na rin kami sa kanila hanggang sa makaalis kami sa simbahan ay kumakaway pa rin kami sa isa't-isa.   Pagka alis namin sa simbahan ay may convoy kami na isang kotse kung saan ay nakasakay ang mga cameraman namin sa kasal.   Si Dexter ang naging punong abala sa kasal naming dalawa at minabuti niyang isurpresa ang aming reception sa hindi ko malamang dahilan.   "Siguraduhin mong matutuwa ako sa reception natin aah," asar na sambit ko sa kanya.   "Oo naman! Pinili ko talaga ‘yung lugar na iyon para sa’yo." nakangiti niyang sambit sa akin.   Nag uumapaw sa kasiyahan ang puso ko ngayon dahil hindi lang kasal ang pinangarap ko dahil dinidig din ng Diyos ang dalangin ko na bigyan ako ng isang lalaki na makakatanggap sa kung anong klaseng tao ako.   Hindi biro ang dinanas ni Dexter sa akin dahil bukod sa limang taon siyang nag tiis at nag hintay sa aking labi ay dalawang taon din siyang nanligaw para makamit ang aking matamis na oo.   Bakit ko nga ba pinatagal ang kanyang panliligaw sa akin? Simple lang naman ang gusto ko ang mahalin ako at hindi ang katawan ko. Madami na kasi sa panahon ngayon na puri muna bago ang kasal ngunit hindi ko naman sila masisisi sa kagustuhan nila dahil magkakaiba ang mga tao. Iba sila sa akin at iba ako sa kanila.   Ayokong pabanguhin ang isang taong katulad ko dahil hindi din naman ako perpektong tao siguro mas sinuguridad ko lang ang sarili ko at pinangako ko sa sarili ko na ibibigay ko lang ito sa taong deserving sa akin at ito nga si Dexter.   Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Dexter.   "Excited?" nakangiting tanong niya sa akin.   "Yes!" kinakabahang sambit ko sa kanya.   Niyapos ni Dexter and pisngi ko at hinalikan ako sa pisngi ko.   "I love you so much Hon," sambit ko kay Dexter.   "I love you more Gab." Nakangiting tugon ni Dexter sa akin.   Itinuon ko na ang atensyon ko sa daan ng bigla kaming tumigil sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin.   "Nandito na ba tayo?" nagtatakang tanong ko kay Dexter.   "Wala pa tayo sa reception Hon, pero gusto kong magkaroon tayo ng mas maganda at intimate na vows dito sa lugar na ito dahil nabasa ko na dito daw sa lugar na ito ay matutupad lahat ang kahilingan mo kapag humiling ka," nakangiting lahad ni Dexter sa akin.   "Kung gayon humiling na tayo." nakangiting tugon ko kay Dexter.   Bumaba kami sa kotse ni Dexter at pumunta kami sa gitna ng kalsada upang doon ay ituloy ang aming vows na dalawa.   Pagdating na pagdating ko sa pwesto ni Dexter ay agad niyang hinawakan ang kamay ko.   "Mrs. Gabriella Fernandez, alam kong hindi pa sapat ang naabot ko ngayon at tinanggap mo ako kahit na madami akong pagkukulang sayo," sambit ni Dexter sa akin. "Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang pumuti ang ating mga buhok at kumulubot ang ating mga balat," mangiyak-ngiyak niyang sambit sa akin.   “Mr. Fernandez na ngayo’y pag mamay-ari na ni Mrs. Gabriella Fernandez nangangako na gagawin ang lahat ng aking makakaya upang maging maganda at masaya ang ating pag sasama.”   Mabilis na pumatak ang mga luha sa mga mata ko dahil sa sobrang kasiyahan. Hinalikan ko sa mga labi si Dexter at pagkatapos ay niyakap ko siya ng sobrang higpit.   "Gagawin ko ang lahat upang maging mabuting asawa sayo at sa magiging mga anak natin. Ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko para maging successful at maganda ang ating marriage life." maluha-luha kong sambit sa kanya.   Nagka-ngitian kaming dalawa ni Dexter at pagkatapos ay binuhat niya ako pabalik sa aming sasakyan.   Naka ngiti pa din kaming dalawa ni Dexter hanggang sa tumungo na nga kami sa reception na hinanda niya para sa akin.   Lumipas ang ilan pang minuto ng pag biyahe namin ay dumating na kami sa reception.   Maingay na sa buong lugar at nag aagaw dilim na din ang paligid.   "Nandito na tayo." masayang sambit ni Dexter sa akin.   Binuksan ko na ang pinto ng kotse upang lumabas na sa kotse ngunit pinigilan ako ni Dexter at lumabas siya sa kotse sabay punta sa pwesto ko upang pag buksan ako ng pinto.   "Salamat." sambit ko sa kanya.   Lumabas na ako ng kotse at sobrang namangha ako dahil nakakita ako ng falls sa gilid ng isang mala palasyong bahay.   "Ang ganda Hon!" masayang sambit ko sa kanya.   "Una palang 'yan Hon, madami pa akong surpresa sayo aking reyna." malambing na sambit niya sa akin.   Nginitian ko siya at naglakad na kami patungo sa gate ng reception.   Sobrang nakakamangha lang ang lugar na ito dahil para akong reyna ngayong gabi dahil sa napaka gandang lugar na ito.   Nang pumasok kami sa loob ng mala-palasyong lugar na ito ay nag tayuan at nag sipalakpakan ang mga tao habang nakatingin sa amin ni Dexter na papasok sa loob.   Ngiting-ngiti ako dahil sa napaka gandang surpresa ni Dexter sa akin. Lahat ng details ng Mala-fairytale na pangarap ko ay natupad sa kasal naming dalawa.   "Nagustuhan mo ba?" tanong niya sa akin.   "Sobra!" tugon ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.   "Let's welcome the newlywed couple! Mr. and Mrs. Fernandez!" sigaw ng Emcee.   Nag-sigawan at nag-palakpakan ang mga bisita namin ni Dexter at binati kami.   Ganito pala ang pakiramdam kapag ikinasal ka sa taong mahal mo at lahat ng tao ay boto sa inyong pag mamahal na dalawa.   Lumipas ang maraming oras at unti-unti na ring nag sisiuwian ang aming mga bisita.   Bago tuluyang maubos ang mga tao ay nauna na kaming umalis ni Dexter para sa honeymoon namin na out of the country.   Niregaluhan kasi kami ng mga magulang ko ng honeymoon sa Maldives Island.   Tuwang-tuwa si Dexter sa regalong ito ni Papa sa amin dahil ngayon palang siya makakapunta sa lugar na ito.   Hindi kasi ganun kaganda ang katayuan sa buhay nila Dexter ngunit hindi ito naging hadlang para sa akin para pakasalan ko siya dahil naniniwala ako na sa sipag at tiyaga niya sa pagtatrabaho ay magiging maganda ang kinabukasan ko sa kanya.   Malaki ang sinakripisyo ni Dexter sa pagkatao niya para lang din matanggap siya ni Papa kaya sobrang manghang-mangha ako sa kanya kasi natiis niya ako at ang pamilya ko.   Lumipas ang ilang oras ng biyahe namin ni Dexter papunta Maldives ay sawakas ay dumating na din kami.   Sinalubong kami ng mga crew ng hotel sa airport at pagkatapos ay hinatid na nila kami agad sa aming room upang makapag pahinga kami agad ni Dexter.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook