The girl started to caress the beast's legs while laughing sa kung ano mang pinag-uusapan nilang tatlo.
Kitang-kita mula rito sa counter kung paano silang panoorin ng mga tao. Ano kayang feeling kung lahat ng tao ay gusto ka? 'Yung tipong bawat galaw mo, nakaabang sila. Nakakatakot siguro, ano?
"Kung liligawana ko ng dalawang iyan, mas pipiliin ko na si Gio, proven and tested na, unlike 'yung isa na ngayon lang nagpakita," anang Jeff pagkalipas ng ilang segundo niyang pananahimik.
May isang lalaking sumenyas na lumapit ako kaya naman sa halip na patulan ang sinabi ng kaibigan ay mas inuna kong lapitan ang customer.
Katabi lang ng table nina Gio ang table kung nasaan ang lalaki kaya hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa banda nila.
"Yes, sir?" Nakangiting tanong ko sa lalaki.
"I'll just ask for some water, if it's okay?" Of course. May choice ba ako eh trabaho ko ito? Anong gagawin niya kung sabihin kong hindi ayos? My ghad.
Mas nilawakan ko pa ang ngiti ko, 'yung tipong mahihiya talaga ang mga model sa bawat toothpaste commercial. "Is that all you need, sir?"
Maingay ang buong paligid ngunit ang tawa ng babaeng nasa kabilang table ay talaga namang nang aagaw ng atensiyon. Pasimple kong ibinaling ang tingin sa kanila na agad kong pinagsisihan. Nagtama ang tingin namin ni Gio kaya mabilis ko ring binawi ang tingin ko. Leche, ganoon na ba ako kaganda para titigan ng beast na ito?
"Yes, please."
Mabilis akong nagpaalam sa customer at muling bumalik sa counter para kuhanin ang tubig na hinihingi.
Balang araw ay mararating ko rin ang puntong iyan ng buhay ko. 'Yung tamang chill lang, walang stress at problema.
Hindi naman ako magtagal at agad ding nakabalik sa table para ihatid ang tubig. Dumadami na ang tao kaya kailangan ko na ring ayusin at mas bilisan pa ang kilos kung ayokong mapagalitan.
Sa trabahong ito, hindi tatagal ang mga malalamyang kumilos. Kaya laking pasasalamat ko na literal akong lumaki sa kalasada at take note, hindi basta-bastang kalsada gaya ng sa mga village. Kalsada ng iskwater ang kinalakhan ko kaya naman confident ako na kahit anong ibato sa akin, alam konh makakaya ko.
"Here's your water, sir." Nginitian ko ang lalaki habang inilalapag ang baso ng tubig sa kanilang mesa.
Ramdam ko ang mga mata niyang bumaba ang tingin sa dibdib ko kaya pasimple kong tinakpan iyon gamit ang isang kamay. Mabilis akong tumayo at bahagyang tumikhim na siyang umagaw muli sa atensiyon niya. Mabilis niyang iniangat sa ang tingin sa mga mata ko at may lakas pa talaga ng loob na ngumiti.
"Actually, ngayon ko lang na-realize na may kailangan pa pala ako..." Gustuhin mang tarayan siya nang walang alinlangan niyang hinagod ng tingin ang buong katawan ko, hindi ko magawa. Alam kong parte ito ng trabaho ko kahit na sabihin kong hindi ako bayaring babae dahil waitress ako. Normal lang ang ganitong scenarios dahil sa isang club ako nag tatrabaho. "I actually need you here. Paano ba ang proseso kung gustuhin kong ikaw lang ang mag-serve ng mga pangangailangan ko?"
The way he said the word 'pangangailangan' is not normal. Kahit sinong makakarinig noon ay malalaman agad na iba ang ibig sabihin ng lalaking ito sa salitang iyon.
"I'm sorry, sir but-"
"Oh? Hindi ba't may rules kayo na ganoon? Customers may request one particular waitress to personally cater their needs?"
Tumango ako at pilit na pinapanatili ang ngiti, "yes, sir but that rules is fo-"
"So, bakit ka tumatanggi? Are you even allowed to say no?" Pagputol niyang muli sa akin.
Eh, kung patapusin niya kaya muna ako sa sinasabi ko at nang maintindihan niya na ang rules na iyon ay hindi para sa amin kundi para sa mga personal assistant namin?
Personal assistant ang term na ginamit sa mga babaeng binabayaran ng mga customer para samahan sila sa gabing iyon...or more. It really depends. May iba't ibang rate bawat babae, dipende kung baguhan pa lang sa trabaho o matagal na at dipende rin kung ilang oras o pwede ring araw na 'aarkilahin' siya ng customer.
Also, ang Hot Bev's ay mas nagfo-focus sa chill vibes at hindi sa something s****l gaya ng madalas na iniisip ng iba.
Mayroon mang mga personal assistant pero madalas, binabayaran lang sila ng customer para literal na samahang umupo sa table. Pwede silang makiinom or kain sa order ng customer but that really depends sa usapan. Sa tinagal-tagal dito, hindi pa lalagpas ng lima ang mga nakita kong personal assistant na sumama sa kanilang customer sa labas ng club. Karamihan ay talagang hanggang loob lang at tamang chill lang. Literal na 'whatever happens in hot bev's, stays in hot bev's'.
I don't really have an broad idea sa kung paano itong nag wo-work dahil sinasabihan kami ng mga manager na mag focus lang sa pag-serve ng mga food and drinks.
"Excuse me," sigaw ng isang pamilyar na boses. Agad kong nilingon iyon at nakita ang kanang kamay ni Gio na walang ganang nakataas habang ang mga seryoso niyang mata ay nakatitig sa akin.
Paborito yata siya ng ilaw rito sa club. Kasi naman, sa tuwing tumatama ang ilaw sa mukha niya, parang lalo lang siyang gumagwapo. Sa mga mata pa lang niya at titig niya, mapapaluhod ka na talaga. Paano pa kaya kung... Mabilis kong ipinilig ang ulo ko.
Nagpaalam ako sa lalaking kaharap ko kahit na alam kong hindi pa tapos ang usapan, para makalapit sa table nina Gio.
Nginitian ko siya pero agad ko ring inilipat ang tingin kay Euclid na nakamasid sa akin habang nakangiti.
"Do you have peanuts?" Napapalingon akong muli kay Gio, gulat sa tinuran niya. Anong klaseng peanut ba, sir? "No, I mean, peanuts na snacks? Is that even a snack?" Lito niyang usal.
Mukhang alam niya kung ano ang sinabi niya kanina. Sa bagay, halata namang hindi siya inosente.
Tumango ako habang nakangiti pa rin. "Yes, sir. Kuha lang po ako sandali." Akmang aalis na sana ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.
Nakatayo na siya ngayon habang ang mga mata ay nakatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay bago pasimpleng sinulyapan ang babaeng katabi niya na hindi ko alam kung mukha bang natatae o naiiyak.
"Actually, 'wag na lang pala." So bakit mo ako tinawag?
Naulit ang ganong scenario ng ilang beses. Tatawagin niya ako tapos wala naman palang o-order-in. Ang ending, napapagod lang ako kakabalik-balik.
Nakakainis na nga dahil ilang customer din ang napupurnada ang order dahil sa ginagawa ng lintek na Gio na iyan. Ilang beses na din akong nasungitan dahil naiinip sa tagal ng order.
Bumuga ako ng malalim na hininga nang sa wakas ay nakapagpahinga na ako. Padabog akong humiga sa isang mahabang bench sa locker room habang hinahayaang magbihis ang mga kasamahan ko.
Katatapos lang ng shift at madalas ay dumidiretso na ako pauwi pero ngayon, pakiramdam ko sy hindi na ako makakauwi sa sobrang pagod.
Twenty two pa lang ako pero 'yung sakit ng likod ko, pang sisenta anyos na. "Hanap ka ni Jeff, Kate. May sasabihin yata," anang isang kasamahan ko na kapapasok lang.
Itinaas ko lang ang kamay ko bilang tanda na narinig ko siya pero ipinagpatuloy ko ang pagpikit at paghiga. Kung makatulog man ako rito, bahala na.
"Hindi mo pupuntahan?"
Umiling ako, "siya ang may kailangan, siya ang lumapit."
Humikab ako. Leche, ano bang mayroon ngayon at sobra-sobrang pagod ang nararamdaman ko? Napakasakit pa ng likod at mga paa ko, kaasar.
"Ah, sige sabihin ko kay sir Gio." Boses ni Jeff ang namutawi. Ikinunot ko ang noo ko saka pwersahang iminulat ang mga mata. Kakaibang ngiti ang ipinakita ni Jeff sa akin nang mamataan ang tingin ko saka bahagyang itinuro ang labasan, "hanap ka ni sir Gio, itatanong daw kung payag ka ba sa offer niya."
Leche. Hindi pa ba malinaw sa kaniya kanina na ayoko? Pumikit akong muli kasabay ng pagsensyas sa kaniya na umalis, "Sabihin mo wala na si Katelyn, patay na, umalis, tumae."