Tangina, ano raw?
Nakatitig siya sa akin habang nakataas ang isang kilay at nakangising tila may iniisip na kalokohan. Hindi pala tila, talagang may iniisip siyang kalokohan.
Paano ko na laman na ganoon nga? Malamang, hindi ako tanga. Iilan na rin ang mga taong nakasalamuha ko na ganitong-ganito ang itsura at lahat sila ay bastos. Idagdag pa ang walang kwentang offer ng lalaking ito.
"Gago ka ba?" Alam ko namang mahalagang customer siya pero tangina, napakalayo ng mukha niyang gwapo sa ugali niyang kasing gaspang ng steel wool. "Ah, hindi. Gago ka nga pa lang talaga, ano?"
Isang baritonong tawa ang isinukli niya sa akin. Tignan mo, seryoso ako rito tapos tatawanan lang ako? Lasing na ba ito?
Wala pa naman siyang ino-order na inumin kaya imposibleng lasing na ito. Pero pwede rin pala, lalo na kung galing siya sa ibang club bago nagtungo rito.
Pasimple kong inilapit ang sarili sa kaniya, pilit na inaamoy kung amoy alak ba siya gaya ng amoy niya sa tuwing nakakarami na ng inom kaso, amoy alak na ang paligid kaya hirap akong tukuyin kung sa kaniya ba galing iyon o sa paligid.
"I'm not drunk, if that's what you're thinking," natatawa niyang sabi. "I came here straight from work so," nagkibit balikat pa at muling dinilaan ang pang-ibabang labi.
Nakakainis, bakit ang mga gaya niyang napakagwapong nilalang ay madalas, ipinapanganak na mayaman?
"Anyway, ano ang masasabi mo sa offer ko?"
'Yung paraan ng pagsasalita niya ng tagalog, makalaglag panty. Kaya ba ang daming patay na patay sa beast na ito?
Kiber, baka dahil din hindi pa nila ito nakakasama at hindi pa nila alam ang totong ugali ng lalaking ito kaya hindi nila magawang pigilan ang feelings nila...or baka libido... Hindi ko alam. Bahala sila sa mga lecheng buhay nila dahil marami rin aking problema at dumagdag pa ang kumag na 'to.
Humugot ako ng napakalalim na hininga, mas malalim pa sa Mariana trench, para lang maoakalma ang sarili at hindi maipukpok sa ulo ng lalaking kaharap ko ang hawak kong tray.
Matamis na ngiti ang ipinakita ko, "pasensiya na pero tangina, waitress ako at hindi pokpok," at talagang idiniin ang bawat salita para naman bumaon sa kokote niya.
"Yeah, right." Tumango-tango ito na tila sa wakas, naintindihan na niya ang isang bagay na matagal ng gumugulo sa kaniya, "you're a waitress. Sorry, I forgot. Thought you're one of those...you know? Girls who loves money?"
Tangina, parang may masamang espirito ang sumanib sa kamay ko at bigla na lang itong lumipad papunta sa pisngi ng beast na ito.
"Ay, pasensiya na, akala ko lamok, mukha mo pala." Laglag ang kaniyang panga sa nangyari habang ako naman ay pilit na hinihimas ang kamay ko na siyang ginamit panampal. Masakit, eh. Napalakas yata ang sampal ko.
Inasahan kong magagalit siya ngunit iba ang reaksyong ipinakita niya. Ang ngiti niya ay biglang lumawak at parang nagpipigil pa ng tawa habang pasimpleng hinihimas ang kaliwang pisngi niya na sinampal ko.
Sigurado ba siyang hindi siya lasing?
"You're really...damn." Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi kasabay ng pagpikit ng mariin. "f**k it," aniya pa kasunod ang isang munting tawa.
Isang lalaking naka-tuxedo pa ang biglang dumating at walang alinlangang umupo sa tabi ni Gio. Bahagya akong yumuko nang iangat nito ang tingin niya sa akin.
In fairness, gwapo rin ang isang ito. Kaano-ano kaya ng beast ito? Mukha namang hindi niya kapatid dahil malayong malayo ang itsura nila. Sa mga mata pa lang nila, alam ko na kung sino ang may masamang ugali sa kanilang dalawa.
"Gio, you alright?" Okay, confirm, anak mayaman din ang isang ito. Tono pa lang ng pananalita ay halata na. Well, sa porma pa lang pero may mga average people rin naman kasing kung pumorma ay aakalain mong tagapagmana ng isang sikat na mall, hindi ba?
"Yeah," tumango si Gio, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. "Don't mind me, Euc."
Hindi ako makapaniwalang ganito ang magiging epekto ng sampal ko sa kaniya. Para siyang lasing na nauulol or something.
Sinulyapan ko ang counter at nakitang pinapanood ako ng mga kasamahan. Bumubuka-buka pa ang bibig ng chismosong Jeff na halatang ako ang pinag-uusapan dahil sa akin sila nakatitig. Siguradong uulanin na naman ako ng tanong nito mamaya.
"Miss," mabilis kong ibinalik ang atensyon sa mga anak mayamang nasa harap ko ngayon. Para akong sinusunog nang tumama ang tingin ko sa mga mata ng lalaking ito. Gago, mas bet ko 'to kaisa kay Gio na may masahol na ugali.
"Yes, ser?" Syempre, hindi pwedeng palagpasin ang pagkakataon. Siniguro kong ang boses ko ay babaeng babae, 'yung tipong aakalain niyang ako si Maria Clara, modern version, ganon!
Ramdam ko ang mabilis na pag-angat ng tingin ni Gio pero kiber, wala akong pakialam sa kaniya. Kung magjojowa man ako kahit na sandamakmak ang mga problema ko't priority sa buhay, mas gugustuhin ko nang jowain ang kaibigang ito ni Gio kaysa sa kaniya. Baka lalo kang akong ma-stress kung si Gio ang papatulan ko, no thanks na lang.
"I'd like some vodka, please?"
Parang nanunuot sa bawat buto ko ang lamig ng boses ng lakaking ito. Ano nga kasi ang itinawag ni Gio sa kaniya kanina? Eut? Hindi ko maalala pero bahala na, may naisip na rin naman akong paraan para makuha ang pangalan niya.
Tumikhim si Gio, dahilan kung bakit nabaling sa kaniya ang atensiyon ko ngunit ang atensyon niya ay wala sa akin kaya naman mabilis ko ring inialis ang atensyon ko sa kaniya. Mas worth it namang titigan si Eut... O kung ano man amg pangalan niya kaysa kay Gio na mukhang beast at ugaling beast din.
"Trova un'altra cameriera, amico." Mabilis na usal ni Gio.
Isang mahabang tawa ang pinakawalan ng kaibigan ng beast. Umalis na lang kaya ako rito? Tutal ay silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.
"Perché dovrei ascoltarti? non sei nemmeno mia madre, comune."
Nagtitigan ang dalawa ng ilang sandali bago nagpakawala ng malalim na hininga si Gio. Tumango lamang siya sa kaibigan na tila nagpapaubaya.
Hindi kaya pinag aagawan nila ako? Oh my, kung ganoon nga, hindi na mahihirapan pa ang kaibigan ni Gio dahil one hundred and one percent, siya ang pipiliin ko.
"Sorry for that," Nginitian ko lamang siya pero siyempre, 'yung pinakamagandang ngiti ko ang ipinakita ko. Ramdam ko ang titig ni Gio pero bahala siya, titigan lang niya ako hanggang sa gusto niya. Hanggang doon lang naman siya't hindi naman niya ako makukuha. "I'd like some vodka and what's yours, Gio?"
Sabay naming ibinaling ang aming tingin kay Gio na mukhang walang gana habang nakamasid sa amin at prenteng nakasandal sa sofa.
"I like...no. I want the waitress."
Napairap ako sa narinig. "Gago..." bulong kong akala ko'y hindi nila maririnig ngunit literal na kumabog ng mabilis ang dibdib ko nang sabay nilang iangat ang kanilang mga tingin sa akin.
Idagdag pa ang bahagyang pagtawa ng kaibigan ni Gio. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kundi ang titigan siya.
"Damn, forget it. Alis na ako, Euc."
Napaatras ako nang walang sabing tumayo si Gio at biglang dumaan sa gilid ko. Nagtama ang mga balikat nin dahilan kung bakit bahagya akong nawalan ng balanse.
Tangina, lagi na lang ba akong mahuhulog tuwing nakakausap ko ang lecheng beast na iyon?
Wala akong magawa kundi ang titigan ang kisame ng club na unti-unting lumalayo sa paningin ko at hintayin ang pagbagsak ng katawan sa sahig.
Inasahan ko na talaga ang sakit ngunit nagulat ako nang may maramdamang kamay sa likuran ko at sa kamay ko na siyang dahilan para mapanatili ang balanse.
"You okay?" Isang pares ng magagandang mata ang bumungad sa akin nang tuluyang makatayo ng diretso. Wala sa sarili akong tumango habang nakatitig sa nag-aalalang mukha ng kaibigan ni Gio. "Mag-ingat ka sa susunod, miss." Ngumiti pa ito at hiyang-hiya ang amoy imbornal na hininga ni Jeff sa bango ng hininga nitong gwapong nilalang sa harapan ko.
Ilang oras na ang nakalipas pero 'yung pangyayaring iyon, paulit-ulit pa rin sa isipan ko.
"Mukhang inlove na ang ate ninyo," anang Jeff kasunod ang bahagyang pagbangga sa balikat ko. "Ano nga ulit ang pangalan? Hanapin natin sa socmed."
Kanina ay nagawa kong makuhan ang pangalan ng kaibigan ni Gio. Ginawa kong dahilan ang order niya at sinabing kailangan iyon upang kung malito man ang waiter na magbibigay ng inumin ay maibibigay pa rin ito sa kaniya sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan niya.
Akala ko nga ay hindi siya maniniwala dahil mukha namang madalas din siya sa mga ganitong lugar kaya ng beast pero mali ako. Walang alinlangan niyang ibinigay ang pangalan niya.
"Euclid," sagot ko.
Nanahimik sandali si Jeff. Mukhang inabala na ang sarili sa paghahanap. Bahala siya, siya rin naman ang pagagalitan kapag nahuli siya.
"Anong last name, 'te?" Umiling lamang ako.
Napatayo ako ng diretso nang makitang bumalik si Gio ngunit hindi gaya kanina, may kasama na itong babae ngayon. Saan na naman kaya niya napulot iyon? At akala ko ay hindi na siya babalik?
Mabilis na ibinulsa ni Jeff ang kaniyang cellphone at tumayo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa may counter, nag aabang ng kung sinong tatawag ng waiters.
Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang dalawang magkaibigan. Agaw atensyon talaga kapag mayaman, ano?
Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang babaeng kasama ni Gio. May maikli itong buhok at may bangs din, tila isang Koreana na lumabas mula sa korean drama. Nakasuot ng itim na off shoulder dress na may kaunting ruffles sa sleeves. Maputi rin at ang mga mata ay bilugan habang ang labi ay mukhang mapupula. Hindi naman siguro susulyapan palagi no Gio iyon kung hindi maoula at mukhang malambot, hindi ba?
"Torn between the evil and the good, huh?" Natatawang bulong ni Jeff habang nakamasid din sa dalawang magkaibigan.