"Putang*na! Hindi ba kayo makapaghintay na makahanap ako ng trabaho?" Malayo pa lang ay rinig na rinig ko na ang boses ni Ate.
"Halos araw-araw ay iyan na lamang ang sinasabi mo! Hindi ka ba nahihiya sa kapatid mo? Kahit na ayaw niya sa trabaho niya ay pinagtitiisan niya para lamang may malamon kang batugan ka!"
"Kate, kanina pa iyang dalawang iyan nagsisigawan. Bilisan mo at baka magkasakitan na." Tinanguan ko lamang si Mang Kanor, ang kapitbahay naming matanda. Mabilis ang lakad at padabog kong binuksan ang maliit at lumang gate ng amin bahay. Hindi ko na inalintana nang marinig ko ang pagkakabagsak nito.
"Ayan! Edi si Kate na magaling kung ganoon!" Lalabas na sana si Ate ngunit napahinto siya nang makitang nakatayo ako at pinagmamasdan sila. Ngumisi siya sa akin saka madramang nilingon si Mama na masama ang tingin. "Ayan na pala ang anak ninyong magaling."
Hindi ko siya pinigilan sa pag-alis. "Kumain ka na?" Hindi ko na kailangang tanungin si Mama sa kung anong nangyari. Malamang ay dinatnan na naman niya si Ate na nakahilata kaya nag pang-abot na naman sila. "Wala akong dalang ulam. Kung hindi ka pa kumakain, bili na lang tayo riyan sa kanto."
Pinanood ko ang pagkuha ng tubig ni Mama mula sa manilaw-nilaw naming ref. "Iyang Ate mo puro sama ng loob na lang talaga ang naibibigay sa akin."
"Hayaan mo na. Ikaw lang din ang mapapagod."
Iyon ang pinag-usapan namin habang kumakain. Hindi ko maisip kung ano amg balak ni Ate sa buhay niya. Tatlo na nga lang kami, ganito pa ang nangyayari.
Matapos kumain ay pinatulog ko na si Mama. Sinabi ko na ako na lang ang maghihintay kay Ate, iyon ay kung uuwi nga ba siya ngayon. Habang naghuhugas ng plato ay hindi ko mapigilang hindi isipin ang nangyari kanina sa Hot Bev's. Iyon ang pinakamalalang gulo na nangyari. Sa kauna-unahang pagkakataon, may pulis at ambulansiyang nagpunta dahil sa gulong hindi na-control ng mga bouncers.
Nilingon ko ang electric kettle nang tumunog ito, hudyat na tapos na ang tubig na pinakukulo ko. Binuksan ko ang tv sa sala at hininaan iyon dahil baka magising pa si Mama. Alas diez na ngunit wala pa rin kahit anino ni Ate kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at nag-iwan ng mensahe sa kaniya.
Ngayon ko lamang nahawakan ang cellphone ko mula kaninang pag-uwi kaya naman ngayon ko lang nakita ang mga message ni Jeff sa akin, pati na rin ni Aira at ng mga iba pa naming kasamahan.
Karamihan ay nangangamusta. Si Jeff at Aira lamang ang hindi nangamusta bagkus ay pareho silang nagtatanong patungkol sa kumakalat umano na letrato sa social media. Pareho ko silang sinagot na hindi ko alam dahil hindi ko pa nakikita iyon.
Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas mula ng reply-an ko sila ay agad na nag-ring ang cellphone ko. Naka-video call iyon at kaming tatlo ang participants.
"Gaga ka! Sikat ka na sa internet!" Pambungad ni Jeff na puro pasa ang mukha.
"Nagulat nga ako nang makita ko iyon. Ano ba ang nangyari?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Aira. Ngayon ko naalala na hindi ko siya nakita sa Hot Bev's kanina.
"Nasaan ka ba kanina?" Halos sabay naming saad ni Jeff.
"Secret. Huwag ninyong dalhin sa akin ang usapan. Anong ganap kanina at bakit may ganitong litrato ka na kumakalat, Katelyn Guerrero?"
"Ano ba kasing litrato iyon? Hindi pa ako nakakapag check ng social media dahil dinatnan kong nag-aaway sina Ate."
"Gaga rin 'yang Ate mo, eh. Nanggigigil ako sa kaniya." Ani Jeff na halos umusok ang ilong.
"Wait lang send ko saiyo 'yung picture."
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung anong picture ang sinasabi nila! Ito iyong nangyari kanina! Noong niyakap ako ni Gio dahil sa gulong nangyayari.
Sa picture ay nakayakap siya sa akin habang nakatalikod sa mga lalaking nagsusuntukan. Mukha lamang ni Gio ang kita dahil kahit nakatalikod ay nakalingon naman ang kaniyang ulo sa mga nag-aaway habang ako ay nakasubsob sa dibdib niya.
"Ano iyan ha? Mag paliwanag ka!" Natatawang usal ni Jeff.
"Panalo na ako, Jeff."
"Ul*l huwag kang maingay!" Nanlalaking mga mata nang sigawan ni Jeff si Aira na tila nagulat din sa sinabi.
"Anong panalo?" Wala ni isang sumagot sa kanila. Purong tawa lamang ni Aira ang maririnig habang si Jeff ay hindi maipinta ang mukha. "Ano ba iyon?" Pangungulit ko ngunit wala ni isa sa kanila ang sumagot.
Nagawang ibahin ni Jeff ang usapan nang magtanong siya patungkol kay Ate. Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina at ang mga sinabi ni Mama.
"Alam mo, baka may reason ang Ate mo kaya ganiyan. Try to understand her dahil alam ko ang pakiramdam na nafo-force ng ganiyan. Been there, done that."
Kinabukasan, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Aira habang pinagmamasdan ko si Ate na dahan-dahang pumapasok sa gate. Nakasilip ako rito sa bintana ng kuwarto naming dalawa.
Ang harapan ng bahay ay puno ng halaman na alaga lahat ni Mama. Ito ang ginagawa niyang libangan minsan sa tuwing wala siyang pasok. Humiga na muli ako nang marinig ang unti-unting pagbubukas ni Ate sa pintuan. Useless naman ang ginagawa niya dahil kanina pa gising si Mama at siguradong nasa kusina na iyon.
"Hindi mo man lang sinabing gising na si Mama. Talagang hinayaan mo lang akong mahuli na hindi umuwi kagabi ano?"
"Hindi ka naman nagtanong."
Hindi na niya pinansin ang sinabi ko dahil agad niyang ibinato ang sarili sa kama. Mukhang wala siyang tulog gaya ko kaya hinayaan ko na lang. Tumunog ang cellphone ko na nakalapag sa tabi ko. Tamad ko itong kinuha at nakitang may message si Jeff doon.
Jeff: Check your socmed. Ano ba kasing nangyari kagabi sa club?
Dali-dali kong sinunod ang kaniyang sinabi at nanlaki ang mga mata ko dahil 'yung picture namin ni Gio ang nandoon. Ito 'yung ipinakita nina Jeff kagabi sa akin.
Iba-iba na ang nag-share nito at halos iyon lang ang laman ng social media ko. Inisa-isa ko ang bawat comment sa bawat posts. Kung hindi nagtatanong kung sino ang kayakap ng pinakamamahal nilang Beast ay nanlalait naman kahit na hindi nila makita ang itsura ko sa litrato at uniporme ko lang ang kita nila.
May iilan pang nagbabanggit ng pangalan, nag ba-baka sakaling iyon ang kayakap ni Gio. Pumunta ako sa mensahe ni Jeff kanina at agad na nagtipa ng reply.
Ako: Bakit ba kasi big deal sa kanila? At hindi ko alam na may litratong ganito!
Jeff: Aba'y malamang! Prinsepe ng mga mayayaman iyang kayakap mo. Talagang sasabog at sasabog ang mga palakang may gusto sa kaniya! Bakit ba kasi nagyakapan?
"Sigurado akong slut iyan. Base sa uniporme, nagtatrabaho si girl sa Hot Bev's kaya malamang, malandi nga..." what the? Hindi ko alam kung paano kong napigilan ang sarili na huwag mag reply sa mga comments na nababasa ko. Maraming sumang-ayon sa sinabi ng babae at may iilan pang nagsabi na kilala nila ako dahil nandoon sila kagabi ngunit hindi naman sinabi ang pangalan ko.
Kahit ayaw ay wala akong nagawa kundi i-private ang mga account ko. Mahirap na baka mahanap pa nila at baka makatanggap pa ako ng sandamakmak na sumpa.
Matapos ayusin ang mga account ko ay binalikan ko ang conversation namin ni Jeff saka mabilis na nagtipa ng mensahe.
Ako: Ewan ko! Nagulat na nga lang din ako sa nangyari...
Hindi na siya nag-reply. Maaga akong pumasok ngayong araw dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay. Naunang umalis sa akin si Mama at si Ate naman ay natutulog kaya imbes na patayin ko ang sarili ko sa inip, nagpasya akong pumasok na lang.
Wala namang bago sa trabaho. Gaya ng dati, maraming tao ngayon at halos hindi na kami makahinga sa pabalik-balik na paglalakad para lang mai-serve ang mga orders ng mga nag-iinom. Iniisip ko nga na kung isa-suggest ko kaya na mag self service na lang sila, papayag kaya si boss? Malamang hindi.
"Ayan na prince charming mo, girl!" Nilingon ko ang entrance at doon, nakita ko kung paanong nahati ang maraming tao para lang mabigyan ng daan si Gio. Hindi gaya ng madalas niyang suot, naka puting polo ito ngayon na tinernuhan ng black pants. Akala ko ay gwapo lang siya sa tuwing nakapang trabahong damit pero bakit kahit simple lang ang suot niya, parang malalaglag na ang panty ko? "Oh, ang laway baka mahalo sa inumin..."
Ipinilig ko ang ulo ko at huminga ng malalim. The hell, Kate? Pinilit ko ang sarili na magseryoso sa trabaho. Wala akong panahon sa kalantungan ngayon. Wala na nga akong maipakain sa pamilya ko, lalandi pa ba ako?
"Excuse me,” blanko ang ekspresyon ko nang tinignan ko si Gio ang kaso ay bigla kong naalala na pinuna nga pala niya noon ang pagiging hospitable ko raw kaya kahit labag sa loob, pinilit kong ngumiti. "Stop smiling. You look stupid." L*che!
Hindi ako sumagot. "I have a question,” aniya makalipas ang ilang segundong katahimikan sa pagitan namin.
Bumuga ako ng malalim na hininga. "As long as it's not a personal question, sir." Tumaas ang kilay niya at tila gulat sa pagi-english ko. Bakit? Wala na bang karapatan na mag-english ang mga kagaya kong dukha? O baka naman inasahan niya na hindi ako marunong magsalita ng english?
"It's not, I think..." dinilaan niya at kinagat ang pang-ibabang labi. Ang puso ko, bigla na lang kumabog ng pagkalakas-lakas dahil lang sa nasaksihan. L*che, Kate. Umayos ka! "Payag ka ba if I ask you for a one night stand?"