Chapter 2

2444 Words
I know that our fight yesterday was kinda childish. Hindi ko alam kung bakit pinatulan ko siya sa gayong wala namang kwenta ang dahilan ng away. Sure, he did insult me but usually, hindi naman ako pumapatol sa mga ganoon lalo na at aware ako na walang katotohanan ang mga sinabi niya. Dati naman ay ayos lang sa akin kahit anong ibato ng mga tao as long as malinis ang konsensya ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako pumatol sa beast na iyon. Nandito ako ngayon sa bahay, nakatulala habang nagkakape. Alas sais pa lang ng umaga at dapat ay tulog pa ako sa mga oras na ito ngunit hindi mawala sa isip ko iyong nangyari kagabi. Suminghap ako at napapikit ng tila maamoy ang bango ng katawan ng beast. Imbes na patuloy na tumulala, kinuha ko na lang ang basag kong cellphone. It’s an old unit of a famous brand. Binuksan ko ang isang sikat na social media at agad na bumungad ang tatlong notification. Dumiretso ako sa search bar at inilagay roon ang pangalan ng beast naming customer. “Giovanni de Amari. Sino iyan, ha?” Nilingon ko si Ate Amanda, ang panganay kong kapatid. Nakatingin siya sa cellphone ko noong una pero naupo rin naman sa tabi ko kalaunan, bitbit ang kaniyang kape. "Iyong mayabang na mayamang customer namin." "Binastos ka?" Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Hindi ko masabi kung pambabastos nga iyon o ano. Nilait niya ako, considered ba as pangbabastos iyon? "Normal lang iyan sa trabaho mo. Bakit ba kasi hindi ka pa mag-resign at humanap ng ibang trabaho?"   "Kung maliitin mo ang trabaho ko parang napakalaki ng naitutulong mo, ah?" She groaned after hearing my laments. "Ang mahalaga ay nakakatulong ako rito sa bahay, hindi kagaya mo na palamunin lang." "Kasalanan ko ba na hindi pa ako nakakahanap ng trabaho? Ginagawa ko naman ang lahat, ah?" Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko kasabay ng pag-init ng usapan namin. She's always like this. Hindi nag e-effort para makahanap ng trabaho at makatulong dito sa bahay pero kapag sinabihan ay siya pa ang galit. "Nasaan ang effort mo to find a job, Ate? Eh aalis ako rito sa bahay, tulog ka tapos uuwi nalang ulit ako, dadatnan pa rin kitang tulog. Ayun na ba ang effort mo?" "Sa tingin mo ba hindi ako naghahanap ng trabaho, Katelyn? Oh kung ganoon pala, edi ikaw na magaling! Ikaw na masipag!" Umiling ako habang pinakikinggan ang walang kwenta niyang sagot. Kahit kailan ay hindi ko siya nakausap ng maayos kapag tungkol sa pagtatrabaho niya ang usapan. Dahil takot na baka saan pa umabot ang away, nagpasya na lamang akong umalis doon at pumasok na sa trabaho kahit maaga pa at mamayang gabi pa dapat ang duty ko. Mas gugustuhin ko nang magpagod doon kaysa sa makita kung gaano kabatugan ang kapatid ko. Pumasok ako sa kuwarto upang kumuha ng tuwalya at mga gamit na kakailanganin ko sa pagligo. Nagtagal pa ako ng bahagya dahil sa hina ng tubig na lumalabas sa gripo. Matapos gawin ang mga routine ko ay lumabas na ako at dinatnan ko pa si ate na nanonood ng tv na animo'y walang sagutan na naganap kanina sa pagitan namin. Hindi na ako nagpaalam sa kaniya at dire-diretso na lang na lumabas. Siguradong maya-maya ay uuwi na si Mama at kapag dinatnan pa siyang walang ginagawa, mas lalo siyang malalagot. Bahala siya. Imbes na sumakay ng tricycle palabas ng kanto, naglakad na lamang ako dahil maaga pa naman at kung sasakay ako ay sayang lang ang pamasahe at masyado rin akong mapapaaga. "Hi, sexy! Aga mo yata ngayon?" Inakbayan ako ni Jago, ang kapitbahay naming tambay. "Ih!" Itinulak ko siya palayo sa akin dahil baka dumikit sa akin ang pawis niya at ang maasim niyang amoy. "Tigilan mo ako, Jago. Nandoon si Ate sa bahay siya ang guluhin mo." Matagal ng may gusto si Jago sa kapatid ko at alam iyon ng buong baranggay namin. Hindi ko nga lang sigurado kung nililigawan na niya ito ngunit may mga pagkakataon na nakikita ko silang magkasama. Pagdating ko sa Hot Bev's ay nagulat pa si Kuya Henry, ang isa sa mga bouncer namin. Tinanguan ko siya bago itinulak ang pinto upang makapasok. May iilang tao na rin ngunit kung hindi dahil sa amoy ng alak at sa musikang tumutugtog ay aakalain mong nasa isang coffee shop ka. Dumiretso ako sa locker room at doon nagbihis. Sabado at ang uniporme namin ay racer back at shorts lang na tinernohan ng sneaker shoes. "Yow! Aga mo?" Nilingon ko si Jeff na mukhang napaaga rin ang pasok. Nag kibit-balikat lamang ako at nagpatuloy na sa pag-aayos. "Hulaan ko. Nag-away na naman kayo ng Ate mo, ano?" "As usual." tamad kong usal. Kinuha ko ang pulang lipstick sa bag ko. Pula dahil katerno ito ng kulay ng racerback na suot ko. Matapos maglagay ng lipstick ay ang buhok ko naman ang aking inayos. Hindi ko alam kung ilulugay ko ba o ponytail. "Ano ba ang balak ng Ate mo sa buhay niya? Tamang hingi lang ng pera, ganoon?" "Ilang beses ko na nga pinagsasabihan pero parang wala lang sa kaniya, eh. Bahala na siya tutal matanda naman na siya." Kumuha ako ng pantali ng buhok. Taas kilay akong hinarap ni Jeff. "Ilang taon na nga siya?" "Bente siete na sa December 29. Matanda ka lang ng isang taon sa kaniya." "Oh ang tanda na pala niya. Tamad lang talaga Ate mo." Tinawanan ko siya at hindi na sinagot dahil kapag sinagot ko pa ay hindi na siya titigil sa pag-complain niya patungkol sa kapatid ko na animo'y siya ang Nanay namin. "Ilugay mo, Kate. Mas bagay sa iyo ang nakalugay." Dahil mas magaling siya sa ganito, sinunod ko na lamang ang sinabi niya. Matapos mag-ayos ay iniwan ko na si Jeff doon na ang ginugulo naman ngayon ay si Mika. Himala nga na hindi siya nag-resign gaya ng ginagawa ng mga nauna sa kaniya. Mapaiyak lang ng beast eh nag re-resign na kaya palaging hiring ang club. Dumiretso ako sa mesang malapit sa dance floor at nilinisan iyon. May mga basag pang bote na hindi ko alam kung bakit. "Himala!" Napalingon ako sa kapapasok lang na si Aira. Malaking bag ang kaniyang dala na siyang hindi na bago. Siguradong straight hanggang bukas ng gabi siya rito o hindi kaya ay dalawa hanggang tatlong araw. "Ang aga mo?" Taas kilay niyang tanong sa akin. "Ano na namang ginawa ng hinayupak mong jowa?" Ngumisi lamang siya at umiling saka ako tinalikuran. Hinayaan ko na lamang siya at nagpatuloy na sa paglilinis. Malaki ang club at may second floor pa na kung saan matatagpuan ang mga VIP rooms. Sa kanang bahagi nitong first floor ay ang isinumpang lugar na kung saan madalas mangyari ang mga away at katapat noon ay ang bar counter at ang pintuan patungo sa locker. Dito naman sa kanan kung saan ako naglilinis matatagpuan ang madalas na upuan ng beast. Katapat nito ay ang dance floor at ang hagdanan paakyat sa second floor. "Oh mani, gusto ninyo?" Iwinagayway ng bahagya ni Mika ang dala niyang isang mangkok na mani. "Galing sa kitchen." "Buti nakakuha ka ng pagkain doon?" Anang isang kasamahan namin na lumapit at nakigulo sa pagkain. Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglilinis. Nang dumating ang hapon at magsimula ng dumami ang mga tao ay nag kaniya-kaniyang balik puwesto na kami. Nakita kong dumating ang boss namin at dumiretso sa second floor kung saan matatagpuan ang maliit niyang opisina na siya ring ginagawa niyang tambayan. Hindi nakalagpas sa mata ko ang pagpasok ni Gio, ang beast naming customer. Hindi gaya ng madalas ay may kasama siyang petite na babae ngayon. Nakatupi hanggang siko ang suot na tuxedo ni Gio na siyang madalas niyang porma sa tuwing nagpupunta rito. Nilapitan sila ng kasamahan naming lalaki na si Den nang makaupo na. Mukhang marami silang order ngayon dahil bahagyang nagtagal doon si Den. Paglapit sa kinatatayuan ko ay iniabot niya agad ang papel na pinagsulatan niya ng orders. "Ikaw na muna bahala. Sa taas ako ngayon, eh." Tumango lang ako at hinayaan na siyang umakyat. Sinabi ko kay Jeff ang mga inuming hinihingi nila at ako naman ang nag asikaso sa pagkain. Dalawang klase ng chips lang naman kaya't kayang-kaya ko na. "Kay beast?" Pareho naming nilingon ni Jeff ang mesa nina Gio. Nagbubulungan silang dalawa ng kasama niyang babae na tingin ko ay kasintahan niya. Hindi naman maganda. Lumakad ako palapit at dahan-dahang inilapag ang mga dala sa kanilang mesa. Humagikhik ang babae dahilan kung bakit napabaling ang tingin ko sa kanila. Bumagal ang kilos ko nang makitang sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa at kulang na lang ay maghalikan. Ang matangos nilang ilong ay nagdidikit na at parehong sobrang lapad ng mga ngiti sa kanilang labi. Kapansin-pansin ang haba at makurbang pilik mata ng babae, pati na rin ang perpektong hugis ng kilay na hindi ko alam kung natural ba o dala lamang ng make up. "Anything else you need, Ma'am? Sir?" Tila walang narinig ang dalawang naglalampungan sa harapan ko. Patuloy lamang sila sa ginagawa kaya naman umalis na lang ako roon ng walang paalam. Kung may kailangan sila, bahala silang humagilap sa ibang waiter na pakalat-kalat diyan. Huwag lang silang magrereklamo na hindi sila pinagsisilbihan kung hindi lalabanan ko talaga sila. Nakakainis. Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa at halos manlaki ang mga mata ko nang mapansin na ang kamay ni Gio ay nasa hita na ng babae! Nagtititigan sila at mas lalong lumaki ang ngisi ng babae. Hindi ko makita ang itsura ni Gio dahil bahagya siyang nakatalikod sa akin. Ang kamay niya ay hinahaplos-haplos ang hita ng kasama. Pumikit ako ng mariin kasabay ng paghinga ng malalim. What the hell? "Hindi ka jowa huwag kang mag histerikal." Tumatawanag ani ni Jeff na agad ding nawala sa paningin ko. Sino ba kasing may sabing nag-hi-histerikal ako? At sino ba ang may sabi na jowa ako? Nakakainis. Nakasimangot akong naglakad pabalik sa puwesto ko kanina. Nagawa ko pang tulungan si Leo, isa sa aming bartender nang dumami ang tao sa bar counter bago ko mapansin ang pagtatawag ng waiter ni Gio. Nakakunot ang noo niya at mukhang naiinis. Ngayon ko lamang napansin ang makapal niyang kilay na siyang nagbibigay tingkad sa mata niyang kumikislap sa tuwing natatamaan ng liwanag. Pinagmasdan ko pa ng ilang segundo at nag-iisip kung lalapitan ko ba o hindi. Luminga ako sa paligid, nagbabakasakali na makita siya ng mga kasama kong waiter ngunit wala akong makita kahit isa sa mga kasamahan ko. "Hi," Halos mapatalon ako nang may magsalita sa gilid ko. Isang morenang babae ang nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay niya, siguro'y nagtataka sa reaksiyon ko. "Can I ask for a vodka? Pakihatid na lang doon." Itinuro niya ang mesang katabi ng kina Gio. "Alright. Just a minute po." Walang sabi siyang umalis at bumalik sa kinauupuan nila. Humikab ako habang inihahanda ang inuming hiningi ng babae. Masakit na ang likod ko dahil sa matagal na pagtayo at inaantok na rin ako. Dahil lumalalim na ang gabi, ang musika mula sa dance floor ay nagsisimula naring lumakas. Ang mga tao ay nagsasayawan na at ang iba ay sinasabayan pa ang bandang tumutugtog. Nagiging wild na ang mga tao at sigurdong maya-maya lang din ay may mag aaway na. Bitbit ang vodka, lumakad ako palapit sa table na itinuro ng babae kanina. Nagkatinginan kami ni Gio. Ang mga mata niyang kulay brown ay tumitingkad sa tuwing tumatapat ang liwanag sa mga ito. Ang labi niya ay mamula-mula at mukhang malambot. Tumaas ang kilay niya at ngumisi habang patuloy ang titigan naming dalawa. Mabilis akong nag-iwas ng tingin habang damang-dama ang mabilis at malakas na pintig ng puso ko. Sa nanginginig na kamay ay ibinaba ko sa mesa ang vodka'ng hiningi ng babae at lalagpasan na sana ang mesa ni Gio nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napalingon ako sa kaniya at halos mabilaukan ng makitang nakatayo na siya at sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. "W-what?" "Kanina pa ako nagtatawag ng waiter pero walang lumalapit." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na siyang lalong nagpabilis sa t***k ng puso ko. "Waiter ka, diba?" Tila gatilyo iyon na siyang nagpaalala sa akin ng trabaho ko. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Damn, Kate! "I want some wi-" Hindi niya naituloy ang sasabihin ng biglang may babaeng tumili kasabay ng pagsubsob ko sa dibdib niya. Ramdam na ramdam ko ang tigas nito. Ano ba ito? Bakal? Bakit ba palagi na lang akong nasusubsob sa dibdib niya? Tatayo na sana ako dahil baka sabihin na naman niyang amoy sirang itlog ako ngunit naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at ang sabay naming pag-ikot. Nagkapalit na kami ng puwesto at tanging sigaw ng mga tao sa paligid lamang ang naririnig ko kasabay ng mabilis na t***k ng puso ko at ng lalaking nakayakap sa akin ngayon. Ilang segundo pa kaming nagtagal sa ganoong posisyon. Maya-maya ay nakarinig ako ng sirena ng police. Iyon ang naging hudyat ko upang itigil na ang pagpapantasya at tumayo na ng matuwid. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kagulo ang paligid. "You okay?" Wala sa sariling tumango ako. What the hell happened? Ang mga tao ay nakatayo na malapit sa amin. Nakita ko pa si Jeff na duguan ang mukha! Walang sabi akong tumakbo palapit sa kaniya. "Tang*na anong nangyari sa mukha mo?" Sigaw ko. "I love you, too." Ngumisi lamang siya sa akin. Sumunod ako sa kaniya nang ayain siya ng isa sa mga medic palabas. Hindi naman ganoon kalalim ang sugat niya ngunit maraming dugo. Hindi pa niya sinasabi kung ano ang nangyari. Pinauwi na ang ibang tao at ang nakita ko na lang ay iyong mga may kinalaman siguro sa gulo dahil kasama sila ng mga police. Pagkatapos gamutin si Jeff ay sinabayan ko na siya pauwi dahil madadaanan ko rin naman ang kanila. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari. Wala akong nakita kanina dahil nasubsob ako sa dibdib ni Gio. Napakagat ako sa labi ng maalala kung gaano katigas ang dibdib niya. It's hard as a steel. Kung ano ang dahilan kung bakit niya pinagpalit ang pwesto namin ay hindi ko pa rin alam ngunit ang katotohanang niyakap niya ako at iniligtas, kung pagliligtas nga ba ang tawag sa ginawa niya, ay siyang pinakanagpapabagabag sa akin. "Namumula ka. Lasing ka?" Tumatawang usal ni Jeff. Hindi na ako sumagot at ipinikit na lamang ang mga mata, inaalala ang kaganapan kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD