Chapter 1

2621 Words
Lights from the clubs on the left side of the road illuminated the cab driver’s face. Sunod-sunod at nagpapalakasan ng tugtog ang bawat club, at ang iba ay mukhang puno na. “Heto bayad, Kuya. Salamat.” Mabilis akong lumabas mula sa taxi’ng sinakyan. Maingay na musika ang sumalubong sa akin, kasabay ng mga ingay ng mga taong nag-uusap habang papasok sa mga club. Tiningala ko ang isang club na may pinakamalakas na tugtog. Ito ang may pinakamaraming tao na nagsisiksikan na sa haba ng pila papasok. It’s Friday night kaya naman marami talaga ang nagpupunta sa mga ganitong lugar upang magliwaliw. Imbes na pumila ay dumiretso ako sa gilid ng bouncer na siyang nagbabantay sa pila. Nang mapansin ako ay agad niyang binuksan ang pinto. ‘”Late ka, ah?” Tumawa lamang ako at saka tumakbo na papasok dahil kung magtagal pa ako ay siguradong mayayari na talaga ako sa manager namin. “Wow ha? Akala ko ay hindi ka na darating. Dati ay hindi mo naaabutaan na ganiyan kagulo ang mga tao sa sobrang aga mo pumasok.” Ininguso niya ang salaming pintuan kung saan tanaw namin ang mga taong nagsisimula ng magtulakan. Isang high end bar itong pinagtatrabahuan ko at mahigpit ang seguridad. Talagang iniisa-isa ang bawat ID ng mga pumapasok upang masiguro na walang menor de edad ang makalusot. “I overslept, eh. Nandiyan pa ba si Aira?” Ininguso niya ang isang lamesa sa kaliwang bahagi ng club. Napangisi ako ng makita ang kasamahang si Aira na mukhang nahihirapan sa customer na kaniyang inaasikaso. The brute is already here na pala. Pinanood namin ni Jeff, ang sikat na bartender ng Hot Bev’s, ang pagbalik ni Aira. Nginisian ko siya nang magtama ang tingin namin ngunit hindi nawala ang simangot at inis sa kaniyang mukha.. “A round of applause to the Almighty Aira who survived the beast, Mr. De Amari!” Jeff and I are all smiles habang pinapalakpakan si Aira na ngayon ay sa amin na masama ang tingin, “A round of applause to the Almighty Katelyn who will bravely face the beast from now on!” Malakas akong tumawa kasabay nila. Si Jeff ang may pinakamalakas na tawa sa amin at nakukuha na namin ang atensyon ng mga tao na nandito sa bar counter. Unti-unting nawala ang tawa ko at napalitan ng pagtataka nang ma-realize kung ano ang sinabi ni Aira. “Oh? Nag sink in na sa iyo ang ibig sabihin ni Aira?” ani Jeff na may bakas pa rin ng pagtawa. “Since late ka at kinailangan kong mag over time para lang may makasama sina Jeff, ikaw ang mag-asikaso roon sa beast na iyon.” “Hindi ko alam na kaya mo pala akong ipagkalulo, Aira. Binigo mo ako.” Umakto akong tila nasasaktan talaga with pahawak pa sa dibdib at pekeng iyak. Hindi niya ako pinansin bagkus ay hinubad niya ang apron niya at inihampas iyon sa dibdib ko bago nag paalam na uuwi na. “Kawawa ka naman,” Kinuha ni Jeff ang apron sa kamay ko at siya ang nagsuot at nagtali sa likod ko. “I want to help you pero ayokong mabugahan ng apoy ni Aira. Kilala mo naman iyon.” Yeah, Aira is the girl version of our beast customer. Kaya madalas ay silang dalawa talaga ang nag-aaway rito sa club dahil hindi nagpapatalo si Aira sa kaniya kahit na alam naman ng lahat na isa siya sa mga pinakaimportanteng customer namin. “That’s fine. I’ve been living in hell since no one knows at sa tingin mo makakaya ako ng beast na iyon? No freakin’ way.” Iniwan ko si Jeff doon at pumasok na sa quarters naming mga nagtatrabaho rito sa club. Dinatnan ko roon si Aira na inaayos ang locker niya habang kausap ang isa pa naming kasamahan. Imbes na pansinin ay hinayaan ko na lang siya ngunit napasigaw ako ng bigla niyang hawakan at pisilin ang aking puwitan. “What the hell, Aira?” sigaw ko ngunit tumawa lamang siya at kumaway ng patalikod bago isinara ang pintuan. “Kung hindi ko lang kayo kilala, iisipin kong mag-jowa kayo.” Tumatawang saad ng kasamahan namin bago ako tuluyang iniwan sa quarters. Inilapag ko ang bag na dala ko sa maliit na mesang nasa pinakagitna ng silid. Puro mga locker lamang ang makikita rito maliban sa puting bilog at maliit na mesa at mahabang upuan sa gitna. Isang maliit na bintana rin ang matatagpuan sa kaliwang bahagi ng kwarto na kailanman ay hindi namin binuksan. Dinig ang ingay mula sa banda na tumutugtog sa labas at amoy na amoy hanggang dito ang alak. Siguradong natataranta nanaman ang ibang ksamahan namin dahil puno nanaman ang club. At siguradong hindi rin mawawala ang gulo dahil isa sa mga tatak ng Hot Bev’s ay ang kaguluhan tuwing Friday night, gaya na lamang ngayon. Paglabas ko ay puro sigawan ng mga babaeng puno ng kolorete sa mukha at pakapalan silang lahat ng lipstick. Nilingon ko ang kumpulan sa kanang bahagi ng club, ang puwesto kung saan madalas mangyari ang away ng mga lasing na nagpapayabangan. Hindi ko alam ngunit sa dalas ng away na nangyayari sa puwestong iyon, napapaisip na ako na baka may multo o anumang engkato roon na siyang nag-u-udyok ng gulo. “Hot Bev’s, ang lugar na puro away.” Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Jeff. Pareho kaming nakatingin sa kumpulan at pinapanood ang mga bouncers na pilit inaawat ang dalawang lalaking nagsusuntukan, “Pustahan tayo, dahil iyan sa babaeng naka-pink.” Tinignan ko ang babaeng tinutukoy niya. Naka fitted dress ito na kung yumuko ay siguradong makikita na ng lahat ang kaniyang lamang loob. May mahabang hiwa rin sa dibdib ng damit na suot niya at sobrang tingkad pa ng pagka-kulay pink nito. “Ayoko makipag-pustahan sa iyo. Kanina ka pa nandito sa bar counter at siguradong nakita mo ang lahat.” “Oh, mali ka diyan, mars. Pinuntahan ko iyong nakatokang costumer sa iyo dahil may napaiyak nanaman siyang isang waiter.” Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. “Sinong umiyak?” Inilipat ko ang tingin sa puwesto ni Giovani, ang masungit na lalaking kinatatakutan ng karamihan. “Si Mika, iyong kapapasok lang noong isang araw. Natatakot nga ako at baka hindi na iyon pumasok simula bukas. Kulang pa naman tayo sa tao ngayon.” “Tss. Bakit ba kasi itong club na ito ang napiling tambayan ng lalaking iyan? Malaki nga ang ambag sa kita, nag-re-resign naman ang mga trabahador na kasama natin dahil sa kasamaan niya.” “Bakit hindi mo sabihin kay boss iyan at nang maranasan mo ang bagsik ng isang tigre?” Ginaya pa niya ang itsura ng boss namin. “Oh, siya, tapos na ang gulo. Back to work na.” Doon ko lang napansin na tahimik na ulit ang mga taong involve sa gulo kanina. Wala na iyong dalawang laki na nag suntukan ngunit nandoon pa iyong babaeng naka-pink. Pinagmasdan ko ang paligid. Lahat ng tao ay nagkakasiyahan habang kaming mga waiter ay halos mamatay sa pagod kakatrabaho. Hindi ko alam kung anong nagawa ko noon sa past life ko at pinahihirapan ako ng ganito sa buhay ko ngayon. Kung sana ay kagaya ako ng mga customer namin na ipinanganak ng may gintong kutsara sa bibig ay baka araw-araw nagpapa-party ako. “Waiter!” Huminga ako ng malalim ng makitang nakataas ang kamay ng beast. “Good luck,” ani ng isang waiter na napadaan sa tabi ko. Alam ng mga kasamahan namin na ako at si Aira lang ang gustong waiter ng beast ngunit hindi maiwasan na may mag serve sa kaniyang iba lalo na kung pareho kaming abala ni Aira. Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit napaiyak niya si Mika kanina. Tamad akong naglakad papalapit sa beast. Nakatitig siya ngayon sa dance floor habang may hawak na basong may lamang alak. Kumunot ang noo ko nang makitang halos mapuno nang bote ang kaniyang mesa. Ito ang gabing nakita kong ganito karami ang nainom niya. Usually kasi ay apat na bote hanggang anim lamang ang iniinom niya pero ngayon, lagpas sampu na yata ang kaniyang nainom. “Bakit ang bagal mo?” Halos mapatalon ako ng bigla siyang magsalita. Nakatitig pa rin siya sa dance floor kaya hindi ko sigurado kung ako nga ang kausap niya. Tinignan ko ang pwesto kung saan siya nakatingin ngunit wala namang especial doon maliban sa mga nagsasayawan. “I’m talking to you, Sailor Moon.” “What?” Hindi ako makapaniwala sa itinawag niya sa akin. He looked at me with disbelief. “I’m not sailor moon, sir.” Idiniin ko talaga ang salitang ‘sir’ para damang-dama niya ang inis ko. “Oh?” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at doon ko naalala ang uniporme para sa gabing ito. Naka sailor moon inspired uniform nga pala kami. Damn, Katelyn. “Nevermind. I want another two bottles of soju.” “Right away, Sir,” ani ko bago tumalikod at umambang aalis na. napahinto ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. “And ice, please,” he said and then returned his gaze at the dance floor. Sino kaya ang pinagmamasdan niya roon? “Soju dalawa at isang bucket ng yelo, thanks.” Tumango ang kasamahan ni Jeff sa counter saka mabilis na kumilos para kuhanin ang mga sinabi ko. Mula rito ay tanaw na tanaw si Gio na nakatulala pa rin sa dance floor. “Kalmahan mo lang sa pagtitig at baka matunaw iyan.” Halos mapatalon ako nang biglang magsalita si Jeff. Ganoon na ba ako katagal tumitig sa beast na iyon at hindi ko man lang napansin na nandito na si Jeff sa tabi ko? “Shut up. Okay na ba ‘yung order?” “Yes, madam. Actually kanina pa ready iyan, ikaw na lang ang hinihintay.” Kinuha ko ang tray kung saan nakalagay ang dalawang bote ng soju at ice bucket. Nahirapan pa ako sa pagbitbit dahil sa mga taong nakaharang sa daan at ang iba ay sumasayaw-sayaw pa na parang walang pakealam kung may matamaan sila. Habang lumalalim ang gabi ay mas lalong nagiging wild ang mga tao. Hindi na ako magtataka kung may mag-away ulit dahil iyon ay halos araw-araw naman nangyayari lalo na kapag lulong na sa alak ang karamihan. “Sorry,” bulong ng lalaki nang bahagya niyang masagi ang dala ko. Humingi rin ako ng paumanhin saka nagpatuloy sa paglalakad. “Here’s your order, Sir.” Inilapag ko ang tray sa mesa niya. Kinailangan ko pang alisin ang ibang bote dahil halos wala ng space sa sobrang dami. May mga lalagyan pa ng snacks na mukha namang hindi nagagalaw. “Ang bagal mo.” Suminghap ako ng marinig ang sinabi niya. “You know what? You should stop working here kung ganiyan kabagal ang kilos mo. I waited almost ten minutes para lang sa dalawang soju at yelo? Are you a fuckin’ sloth?” Gustuhin mang sumagot ay pinigilan ko. I kept on reminding myself na natural sa kaniya ang ganiyan at kailangan ko siyang intindihin kung hindi ay baka ako ang malagot sa boss namin. He’s influential and he can make anyone believe him. “And now you’re not talking kahit na kinakausap kita? You should answer and be hospitable sa mga customer ninyo, baka hindi ka aware,” aniya sa isang matigas na boses. His voice is like a thunder na kayang yanigin ang mundo. “I’m sorry, Sir. Hindi ko lang po kasi alam kung ano ang sasabihin ko at wala naman din po kayong tanong na kailangan kong sagutin, the reason why I chose not to speak.” Gigil man ay pinilit ko ang sarili para kumalma at baka mamura ko pa siya kung hindi ako magpipigil. “Tss.” Pairap niyang ibinalik ang tingin sa dance floor. Kanin pa ako kuryoso sa kung sino ang tinitignan niya roon. Maybe his ex? Girlfriend? Crush? Urg, why am I even thinking about it? Kinuha ko ang mga boteng wala ng laman sa mesa niya. Anim na bote ang hawak ko, tatlo sa kaliwang kamay at tatlo sa kanan. Tumayo ako at bago pa man makatalikod papunta sa diresiyon ng counter ay biglang may lalaking tumumba sa harapan ko mismo dahilan kung bakit nawalan ako ng balanse sa gulat at natumba. Ang akala ko ay sa sahig ang diretso ko ngunit mali. Saktong sa matigas na dibdib ni Gio ako nasubsob. “What the f**k?” Rinig na rinig ko ang madiing mura ng beast. Matinding dasal ang ginawa ko, hinihiling na sana ay lamunin na ako ng lupa ngayon din. Mas gugustuhin ko pang sumubsob sa sahig kaysa sa dibdib ng beast na nagsisimula ng magalit. Damang-dama ko ang bilis ng hininga niya at ang mabilis na t***k ng puso. “Sarap ba diyan, sailor moon?” Napakagat ako ng labi dahil sa ibinulong niya. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang hininga at ang init na dala nito ay tila kiliti sa aking tainga. Tila isang bula ng pangarap ang pumutok ng bigla siyang tumayo dahilan kung bakit pati ako sa napatayo rin. Halos magtago ako sa kahihiyan ng makita ang mata ng maraming tao na nanonood sa amin. “Kate! Ayos ka lang ba?” Mabilis na kinuha ni Jeff ang mga boteng hawak ko pa pala at saka niya ito iniabot sa kasamahan naming bago lang din. “May sugat ka ba? Mabuti nalang at nasalo ka ni Mr. De Amari kung hindi ay baka sira na iyang mukha mo.” “Excuse me? I didn’t even catch her. Kusa siyang sumubsob sa dibdib ko.” Tila nag-init ang ulo ko ng makita ang bakas ng pandidiri sa mata niya. Nandidiri ba siya sa akin? What the hell? “Excuse me rin, ha? Hindi ko sinasadya na sa dibdib mo ako susubsob, ano! Kung pwede nga lang ay sa sahig na lang sana ako nasubsob kaysa diyan sa mabaho mong dibdib!” Tila gatilyo ang sinabi ko dahil mas lalo kong nakita ang pag usbong ng galit sa mukha niya. “I don’t think you know what mabaho means. Naaamoy mo ba ang sarili mo? You smell like a rotten egg.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Narinig ko ang tawanan ng iilang tao na nakarinig sa madiin niyang salita. Kahit na alam kong hindi iyon totoo ay pakiramdam ko ganoon nga ang amoy ko kumpara sa kanilang mayayaman na amoy bagong ligo palagi. Pinanood ko ang mabagal niyang paglalakad palabas ng club. Parang mga alipin ang mga tao dahil lahat sila ay gumilid mabigyan lang ng daan ang buskong mayabang na beast! Tang*na kung hindi lang siya guwapo at mayaman, siguradong amoy panis na itlog din siya, Nataon lang talaga na may pambili siya ng mamahaling sabon at pabango. “You okay?” Bakas sa mukha ni Jeff ang pag-aalala. Nagsialisan na rin ang mga nakikiusyoso. “Mag break ka muna. Kami na ang bahala rito.” Walang sabi akong lumakad at tinahak ang daan papunta sa back door. Lumabas ako at suminghap ng malanghap ang lamig na simoy ng hangin. Bahagya kong inamoy ang sarili ko. Amoy alak, oo pero hindi ko mahanap ang panis na itlog na sinasabi ng beast na iyon. I don’t usually care sa mga panlalait ng mga tao pero bakit ngayong siya ang nanlait, pakiramdam ko ay totoo? Kahit ayaw man ay alam kong na conscious ako sa sinabi niya. Suminghot ako at pinunasan ang namumuong luha sa mga mata bago pa man ito tumulo habang inaalala ang mga mapangmaliit na tingin ng mga tao sa loob. “Damn panis na itlog.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD