Kinabukasan ay nagising siya sa malakas na kalabog na nagmumula sa pinto ng kanyang bahay pag bukas niya ay nakangiting mukha ni Judith ang bumungad sa kanya. Wala namang dala na kung ano ano gaya ng nakasanayan niya ay pinapasok niya ito. Malamang ay mag aaya na naman ng gala ang babae. "Uy buntit tara na sa aplaya tingnan mo na ang bangka!" Masayang bungad nito. "Grabe naman to kakagising ko lang e. Di pa nga ako nakapag hilamos e!" Reklamo ko. Tuloy tuloy na itong pumasok sa bahay at nagpunta ng kusina niya. Maliksi ang kilos nitong naglabas ng mga mailuluto nito. Alam nitong wala siyang future sa kusina kung kaya naman ay tinuroan siya nito. Sa ngayon marunong na siya ng slight. Kung mga basic na luto hanggang adobo at sinigang ay namaster na niya. Kaya lang nitong buntis na siya ay

