Nang tanghali ng araw na iyon ay napanood niya sa TV ang asawa na may nakalingkis na babae. Masakit iyon sa kanya panibagong sakit at sama ng loob ngunit kailangan niyang tiisin ang sakit kailangan niyang magpakatatag para sa batang nasa sinapupunan niya. Iniisip niya ang sinabi ng lola ni Judith ng naikwento niya ang kanyang kalagayan. "Di lang ikaw ang pinagtaksilan sa mundo, di lang ikaw ang nag iisa sa mundo kaya naman maging matatag ka. Yung iba nga walang makain pero mas pinili nilang mabuhay ng normal kahit wala ang kanilang asawa." Sabi nito kaya naman mas pursigido siyang ipaalam sa lalaki ang kanyang kalagayan. Kung sakali na di nito tanggapin ang bata ay saka siya muling mawawala na parang bula. Di naman siya lalayo talaga dahil sa malapit lang naman siya lilipat. Once na yun

