WENG Kahit nanghihina ako ay pilit kong idinidilat ang aking mga mata, dama ko ang hapdi at kirot sa bawat himay him,ay ng aking katawan, dinig ko din ang malalakas na palitan nang ng baril. Dama ko ang lamig dito sa pwestong kinauupuan ko kaya pilit kong idinidilat ang mata kong magang maga dahil sa walang tigil na pag iyak. Nagulat ako sa aking nakita nasa malalim akong hukay at pagtingala ko nakita ko si Olivia na nakatayo at inuutusan ang kanyang dalawang tauhan na tabunan ako nang lupa. Kahit masakit ang aking katawan dahil sa mga sugat ay pinilit kong tumayo pr hindi agad ako matabunan nang lupa. "Olivia nakikiusap ako sayo itigil muna to, may panahon pa para magbago ka. Mapatay mo man ako ngayon hindi ka din makakaligtas sa mga alagad nang batas. May daddy ka pa na umaasa sayo k

