WENG Ilang buwan na din kaming kasal ni Ethan ngayon nga ay nasa limang buwan na ang tyan ko at madami na din akong cravings. Nandito ako ngayon sa kwarto namin at kanina pa ako naiiyak dahil may iniisip akong kainin pero hindi ko alam kung ano. Kaya tinawagan ko si Ethan para magpabili nang gusto kong pagkain. "Mahal," naiiyak kong bungad sa kanya sa kabilang linya. "Hello mahal, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" "Mahal, may gusto kasi akong kainin pero hini ko alam kung ano." umiiyak ko pa ding sabi sa kanya. "Mahal, ano kaba naman maaatake naman ako sayo, pagkain lang pala problema mo. Ano ba ang gusto mo at bibilihin ko?" "Mahal,. Pwede mo ba akong ipagluto nang ginataang bilo- bilo tapos na may alamang." sabi ko sa kanya. "Mahal sigurado kaba sa gusto mo? Parang wala naman y

