WENG Nagising ako na puting kisame na ang nabungaran nang aking mga mata, nakatagilid ako at puro benda din ang aking braso. Nawala na din ang pananakit nang puson ko, inilibot ko ang aking paningin nang mahagip nang mata ko si Ethan na nakaupo sa silyang malapit sa akin. Nakapikit ang mata niya at mukang kakatulog lang kaya hindi muna ako nag ingay para hindi siya magising. Gusto kong ayusin ang higa ko kaya pilit kong ginagalaw ang katawan ko nakaramdam ako nang kirot kaya napa igik ako dahil sa sakit na siyang dahilan para magising si Ethan. "Mahal, bat di mo ako ginising? Hindi ka pa dapat kumikilos sariwa pa ang sugat mo." nag aalalang sabi niya sa akin. "Mahal nangalay na kasi ako gusto ko sanang sa kabila naman masakit na kasi ang side na to." sagot ko sa kanya. Tinulungan niya a

