WENG Kabuwanan ko na ngayon at wala ang asawa ko, kasama ko ngayon dito sa Garden si Uncle at pinapaarawan ko, paminsan minsan ay nakakaramdam na ako nang pagsakit nang tiyan ko pero natitiis ko pa naman. Pumasok ang mga anak ko kaya kami lang ngayon dito sa bahay. Si Cora ay kinuha ko muna para makasam namin sa pag aalaga kay uncle. Dito na kasi siya nakatira sa bahay namin ni Ethan. Habang lumilipas ang oras ay ramdam ko na ang madalas na pag sakit nang aking tiyan. Wala pa ang asawa ko at hindi ko alam kung anong oras pa makakauwi. Inutusan ko na si Cora para ihanda ang gagamitin namin nang anak ko sa ospital para just incase magtuloy tuloy ang sakit ay makaka alis agad kami. Ibinilin ko muna si Uncle sa kanyang Nurse at umakyat ako sa aming silid para maligo, ilang minuto lang ang it

