WENG Matapos ang wedding vow namin ni Ethan sa isa't isa ay nakita naming naging emosyonal lahat nang taong narito ngayon sa aming kasal, ang iba ay nay iiyakan pa lalo na ang magulang ni Ethan at higit sa lahat nakita kong nag pupunas nang luha niya si Uncle Arnulfo. S'ya lang naman ang kaisa isang tao na nakasaksi nang lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan. Lumingon din ako sa gawi nang kaibigan ko na bagama't sya ang maid of honor ko, s'ya na din ang naging Wedding Singer namin, naging all in one na sya. Habang nagpapatuloy ang wedding ceremony namin, napansin ko ding tumayo si kuya at pumunta siya sa pwesto kung nasaan ang best riend ko narinig kong umalingawngaw ang dalawang napaka gandang tinig na pamilyar sa akin. Inaawit nila ang kantang "IKAW ni SHARON CUNETA" na isa sa mga weddin

