WENG Magkasama kami ngayon ni kuya Troy papuntang airport nagbabakasakali na maabutan pa namin si Chellie. "Kuya wag mo masyado bilisan ikakasal pa ako baka sa sobrang bilis ng pagda drive mo sa ospital na naman ang bagsak ko." sigaw ko sa kuya ko. "It's your fault kung maaga mo lang sinabi na darating pala si Chellie di sana maaga akong nag book nang ticket ko papunta dito." sigaw sa akin ni kuya. "Kung sinasagot mo lang din sana ang tawag ko kahapon pa di sana nalaman mo na nandito sya, ikaw ang may kasalanan kung bakit di mo siya naabutan kaya imbes na magalit ka mag concentrate kana lng sa pag di-drive mo at baka maaksidente pa tayo." naiinis kong sagot sa kuya ko. Tinawagan ko si Ethan habang papunta kami nang airport, kung kelan din kailangan ko siyang makausap ay saka hindi su

