ETHAN Pagakaalis ni Weng ay agad ko ding ginising si Olivia na mahimbing pang natutulog sa aking silid. Hindi ko matagalan na kasama siya kung noon mahal na mahal ko siya ngaun halos ayaw ko na siyang nakikita. Siya ang dahilan kung bakit naging magulo ang buhay ko. Nalugmok ako sa kalungkutan dahil kay Olivia kaya kung akala niya ay mahal mo pa siya nag kakamali siya. Pinakikiharapan ko lang siya dahil kaibigan sya ng pinsan kong si Sofia. Pagkaalis ni Olivia sa aking penthouse ay agad ko na ding inayos ang sarili ko. Kahit may hang over pa ako at may problema pa ako kay Weng ay pinilit kong pumasok dahil ngaun ko makukuha ang lahat ng ebidensyang hawak ko para makulong ang walang hiyang nag nakaw ng milyon milyon sa aking kumpanya. Nakarating ako ng aking opisina bago mag alas nueve

