WENG Mag tatanghalian na kaya naisipan kong tawagan si Ethan, gusto ko lang tanungin kung makakapunta ba siya mamaya sa condo. Friday ngayon, kaya gusto ko siyang ipagluto ng ulam, nakasanayan na kasi namin mula ng maging magkasintahan kami na tuwing biyernes ng gabi ay sa condo siya naghahapunan kasama namin ng mga kapatid ko. Dati rati ay sabado ako umuuwi sa mga kapatid ko, pero simula nagkakilala kami ng boyfriend ko ay pinapaalis na ako ni señor biyernes pa lang ng gabi. Meron naman daw siyang personal nurse sa bahay kaya walang problema kung aalis ako ngunit hindi din maiiwasan na mag alala ako. Hinatid ko muna si Señor pauwi ng mansion, gusto ko makasiguro na ligtas siya bago ko siya iwan. Pagkarating namin ay kaagad kong inasikaso ang mga kailangan niya, ibinilin ko kay Nanay Li

