WENG I talked to Ethan about my earlier conversation with Olivia, I told him that Olivia wants us to visit her in jail so we can talk. Tahimik lang ang asawa ko na nakikinig sa akin, alam ko naman na kung ano man ang magiging desisyon ko ay iyon ang susundin niya. "Mahal, kung no ang sa tingin mo ang tama ay iyon ang gagawin natin. Handa ka na bang makaharap si Olivia?" "Sa tingin ko mahal ay kaya ko na siyang harapin ngayon basta nasa tabi lang kita. Hindi naman pwede na habang buhay ko na lang siyang iiwasan. Kung gusto niya tayog makausap gusto kong ibigay sa kanya ang pagkakataon na iyon, mahal." sagot ko sa aking asawa. "Kailan mo ba gustong pumunta sa kulungan." tanong niyang muli sa akin. "As soon as possible mahal, bago sana ako manganak para wala na akong aalalahanin." ani k

