WENG Nakakaramdam na ako nang takot, mukang nabaliw na nang tuluyan si Olivia. Kailangan kong tatagan ang loob ko para makabalik ako sa pamilya ko. Baka hinahanap na ako ni Ethan, tanging dasal ko lang ay sana mahanap niya ako ayun na lang ang natitira kong pag asa pero paano niya ako mahahanap kung walang nakakaalam kung san ako dinala nang baliw na Olivia na to. Habang papalapit sa akin si Olivia ay para siyang isang baliw na tumatawa. Puno nang takot ang buo kong pagkatao sa mga oras na ito, takot para sa sarili ko sa kung anong pwedeng gawin sa akin ni Olivia at takot na baka ito na din ang huling araw ko. Nanginginig na ang buong katawan ko pakiramdam ko ang sikip sikip nang buong paligid at hindi na ako makahinga. "Ano Weng natatakot ka na ba?" Parang baliw na sabi niya kasabay na

