WENG Hindi tumitigil ang pag agos ng masagana kong luha, sobrang saya ng puso ko dahil ngayon ay may boyfriend na ako. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng lahat may isang taong handang gawin ang lahat para lang mahalin ko siya. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya deserve pero hindi niya pinaramdam sa akin ang agwat ng estado ng buhay namin. Isa na siyang matagumpay na bussinessman samantalang ako hamak na personal assistant at tagapag alaga lang. Kaya nung una ay nag aalagan talaga ako sa kanya, dahil alam ko na hindi ako nababagay sa mundo niya. "Love! Don't cry na baka sabihin nila kakasagot mo lang sakin pinapaiyak na agad kita." "Sorry Ethan! Hindi ko lang talaga mapigilan, sobrang saya ko kasi hindi ko naman ito deserve." Umiiyak kong sabi. "Shhhh... tahan na lagi mo tatandaa

