WENG Dalawang lingo na lang kasal na namin nang mahal ko, punong abala si Ethan sa pag sasaayos nang aming kasal. Lahat naman nang tungkol sa kasal namin ay alam ko maliban lang sa kung saan kami mismo ikakasal dahil si Ethan na ang nag aasikaso niyon kasama ang wedding planner namin. Gusto daw kasi ni Ethan na masurprised ako pag dating ng araw nang aming kasal. Hinayaan ko na siya dahil hindi ko din naman kayang magtagal sa labas ng bahay gawa nang maselan ang aking pagbubuntis. Konting may maamoy lang ako grabe ang pag susuka ko halos wala na akong maisuka pag nag umpisa na akong magsuka. Masaya ako na ngayon ay nasa tabi ko na si Ethan masasabi ko na super maalaga siya sa amin ni baby lahat nang hilingin ko ay binibigay niya kaya naman lagi akong busog at masaya.Nag sisimula na din ka

