WENG Tinawagan ko si Chellie bandang alas tres ng hapon, dahil hindi ko sinagot ang tawag nia kagabi. Iniimbitahan pala nila ako na mag bar kasama si Troy na manliligaw niya. Gusto kasing icelebrate ni Troy ang birthday nia kasama si Chellie kaya napag kasunduan nila sa sa bar na lang namin icelebrate. Nag paalam ako kay Senor na mag ba-bar ako kasama ang mga kaibigan ko at pumayag naman siya. Sinabi ko din na sa condo na lang ako uuwi tutal at sabado naman bukas kaya pinayagan din ako. Nakauwi na kmi sa mansion at inasikaso ko na lahat ng kailangan ni Senor, pinainom ko na din siya ng gamot at binilinan ko na din sina nanay Lita na pakibantayan na lang ang Senor habang wala ako. Alam din ng mga kasama namin sa bahay ang kalagayan ni Senor Arnulfo kaya kapag wala ako ay sila ang nagbab

