ETHAN It's been eight months simula nang umalis si Weng ng PIlipinas, marami ng nagbago pero ang pagmamahal ko sa kanya ay nananatili pa din sa puso ko. Ilang beses ko na siyang hinanap pero bigo pa din ako, umaasa na lang ako na isang araw babalik siya at sana wala pa siyang pamilya. Pilit ko ding inaayos ang buhay ko, para sa oras na muli ko nang makita ang mahal ko ay wala ng magiging hadlang sa amin. Gustuhin ko mang sundan sa Weng sa America para hanapin ay hindi ko magawa may mga bagay pa akong kailangan ayusin dito sa aking opisina. Nabalitaan ko pa na nakatakas daw si Rommel Chua sa kulungan kaya kailangan ko ding tutukan ang paghahanap sa kanya dahil malaking tinik siya sa buhay ko. May mga natitira pa siyang tauhan dito sa aking kumpanya at yoon ang trinatrabaho namin ngayon na

