WENG Matapos namin pagsaluhan ng aking mahal ang isang mainit na tagpo ay nakatulog akong muli. Nagising ako dahil may parang mainit na bagay na humahaplos sa aking balat, idinilat ko ang aking mata at muka ng aking gwapong kasintahan ang agad na bumungad sa aking paningin. Napaka gwapo talaga niya. Hindi mo mapagkakamalan na nasa edad 30 na siya sapagkat alagang alaga niya ang kanyang katawan. Ang lambot ng balat niya at ang mapupula niyang labi na wari mo'y parating nagpapaanyaya ng isang matamis na halik, ang matangos niyang ilong at ang napaka perpektong hugis ng kanyang mukha. Para akong nasa isang malalim na panaginip at ayaw ko ng magising. "Enjoying the view Love," nakangiti niyang ani. "Ang pogi mo po kasi, hindi ako makapaniwala na ikaw ang boyfriend ko." Nakangiti kong sagot

