WENG Nandito ako ngaun sa mansion nila Uncle Arnulfo mag kasama kami dito sa New York at kahit kila daddy ako nakatira ay madalas ko pa din siya pinupuntahan dito sa bahay niya. Ako pa din ang lagi niyang kasama sa lahat ng check-ups niya. Naging maayos na din ang pakikitungo sa akin ni Sofia simula ng malaman nila ang totoong kondisyon ng kanilang ama. Naging maayos na ang pamilya ni uncle Arnulfo at excited na din siya sa paglabas ng magiging apo niya. Anak na daw ang turing niya sa akin kaya mas excited pa siya kesa kay daddy, madalas na nag bibiruan din silang magkaibigan kung sino ang magiging kamuka ng anak ko. Kapag weekend dito kami kila Uncle nagpupunta para mag bonding, napunta din dito ang family ng anak niyang lalaki na si kuya Seven kahit na busy din sila sa kanilang negosyo

