WENG Yakap yakap ni Ethan ang mga anak namin habang walang tigil ang kanyang pag-iyak, hindi siya makapaniwala na may anak na kami. Nilapitan ko siya at hinawakan ramdam ko ang panginginig nang kanyang buong katawan. Kitang kita ko sa muka niya ang pananabik sa kanyang mga anak dahil triplets sila hindi niya alam kung sino ang uunahin niyang kausapin dahil sabay sabay na naman silang nag sasalita. "Kids isa-isa lang ang tatanong, iisa lang ang nasa harapan niyo."sabi ko para pakalmahin ang mga anak ko. "Momma, Is he really our dad?" tanong na naman ni Anika habang hinihimas ang pisngi ni Ethan. "Why did you just show us now, Daddy? We've been waiting for you for a long time. Mommy said you were busy with your business." muling sabi ni Anika sa kanyang daddy. "Im so-sorry my princess.

