WENG Medyo tinanghali ako nang gising, napuyat ako kakagabi kakaisip sa kasal ko hindi naman kasi halatang excited ako. Pag baba ko sa kusina ay nakahanda na ang almusal kumpleto na din ang pamilya ko at mga kaibigan ko ako na lang talaga ang hinihintay nila. Ang mga anak ko naman ay nauna na daw kumain dahil mga gutom na. Masaya kong binata ang mga taong nakita ko sa dining, "Good morning everyone! Kamusta ang tulog niyo." masaya kong bati sa kanila. "Where good anak? Ikaw kamusta ang tulog mo. Magpahinga ka muna at mamaya pa naman ang kasal mo. Mas okay din talaga na hapon ang garden wedding mo para may oras pa tayong mag prepare hindi tayo magmamadali." sabi sa akin ni mommy. "Kaya nga po mom, si Ethan po lahat ang nag ayos para sa kasal namin, ganda lang po talaga ang ambag ko." pa

