WENG Malaki na ang tiyan ko at medyo hirap na din akong maglakad, kahit sa pagtulog ay nahihirapan na din ako dahil sa laki ng tiyan ko. Normal lang naman daw ito sabi ng OB ko dahil triplets ba naman ang dala dala ko sa aking sinapupunan. May mga bagay na din akong hindi nagagawa mabuti na lang at laging naka agapay sa akin ang mga kaptid ko at si Mommy kaya kahit paano ay gumagaan ang lahat sa akin. Nandito ako ngayon sa nursery room na pinagawa nila Mom and Dad para sa apo nila. mula ng malaman ni daddy na 3 ang magiging unang apo niya ay walang pag sidlan ang tuwa niya. Agad din niyang pina renovate ang silid ng mga anak ko at pinalagyan ng kanya kanyang cabinet at chaging area. Nagtatalo pa sila ni Uncle Arnulfo, dapat daw ipangalan sa kanila ang pangalan ng dalawa kong anak na lala

