WENG Nagising ako kinabukasan na masakit ang buong katawan, wala na sa tabi ko si Ethan hindi ko alam kung saan siya pumunta lingo ngaun kaya alam kong wala siyang pasok. Pilit akong bumangon sa higaan kahit alam kong masakit ang buo kong katawan dahil nararamdaman ko na naiihi ako. Dahan dahan akong tumayo ngunit walang lakas ang mga tuhod ko at nanginginig ang mga binti ko. Nasa ganoong posisyon ako ng pumasok si Ethan sa kwarto. "Babe, ano nangyari bakit di mo ako tinawag?" "Mahal gusto ko sana mag banyo, pwede mo ba ako samahan hindi ko kasi kaya mag lakad. Sobrang sakit ng katawan ko at nanghihina ako" "Sige babe ako na bahala sayo, aalagaan kita." Binuhat niya ako papasok sa banyo at pinaupo ako sa toilet bowl. Medyo nakakaramdam ako ng hiya dahil hindi pa siya umaalis sa harap

