Nagising ako ng maaga para sa unang araw ko sa university na papasukan. Alam ko na naman ang schedule ko. Nagaasikaso na rin nun sila James at si Jonathan naman ay nagluluto na ng agahan.
"Sige ikaw muna". Sabi ni Joven ng magkasabay kami sanang papasok ng banyo.
"Hindi. Sige ikaw na muna". Sabi ko naman.
"Okay. Bibilisan ko na lang."
Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi nya.
"Take your time." Sambit ko na lang na tinawanan nya lang din.
Inaya na nila akong kumain ng agahan habang naghihintay pa ako kay Joven na naliligo. Kumain na lang ako ng tahimik at habang nakaupo sa hapagkainan ay sya namang pagtapos ni Joven maligo. Nakatapis lang sya ng tuwalya kaya iniwas ko kaagad ang paningin ko. Naupo sya sa tabi ko saka nagsandok din ng pagkain.
"Maligo ka na. Ako ng bahala dyan sa pinagkainan mo." Sabi ni joven na kumakain na.
Nagpaalam na naman ako sa kanila saka naligo na lang. Pumasok na ako ng banyo saka inumpisahan ng maligo. Nasa gitna ako ng pagligo ko ng mapansin kong wala akong dalang damit maliban sa underwear at tuwalya na dala ko. Bigla naman akong kinabahan. Paano ako lalabas nito wala akong dalang damit. Nalimutan ko ng mataranta ako kanina. Ayaw ko namang lumabas dun ng nakatapis lang sa katawan ko ang tuwalya ko.
Ayaw ko namang magutos sa isa sa kanila baka may makita sila sa kahon ko. Napakamot naman ako sa sariling anit. Baka malaman nila na bakla ako at ipagtabuyan na lang. Sumilip ko sa pinto ng kaunti at nakita ko sila na nagaasikaso na at nagbibihis. Isinara ko na lang ulit iyon.
Hindi tuloy ako makaligo ng maayos. Naligo na lang ako at sinadya kong tagalan para paglabas ko wala na sila at umalis na.
"Cy, hindi ka pa ba tapos?" Narinig kong boses ni James sa labas ng pinto.
"Matatapos na,"
"Sige, una na kami sayo".
"Sige," Tugon ko na lang.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil mauuna na sila sakin. Hindi naman ako nagtagal sa banyo. Sumilip muna ako sa pinto para siguruhing wala na sila. Nang matama ko na wala na sila ay saka na ako lumabas at agad na nilock ang pinto.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba na nananalaytay sa loob nun. Agad naman akong nagbihis para makapasok na.
Lumabas na ako ng matapos ko ng asikasuhin ang sarili at siniguradong presentable ako sa araw na ito dahil ito ang unang araw ko sa university na papasukan ko. Medyo kabado na may halong pagkaatat.
Tumawid na ako saka pumasok na sa gate ng school na iyon. Malawak at maganda ang paaralang iyon. Hindi mo aakalain na ang isang tulad ko ay makakapagaral sa ganitong katayog na universidad.
Hinanap ko na lang ang aking silid at saka ng mahanap ko ay pumasok na lang at naupo.
Hindi naman ako naburyo habang nagtuturo ang bawat prof na papasok. Nag-take down notes ng mga mahahalagang panimula sa magiging takbo ng aming aralin.
Dumating ang oras ng recess at papunta na ako nun sa cafeteria para bumili ng makakain na sakto lang sa pera na dala ko. Panigurado mahal ang paninda dito. Nang makarating tiningnan ko muna kung anong mga naroon at nagulat naman ako dahil ang mahal ng presyo nun. Although may libreng allowance naman ako galing sa school pero nakakapanghinayang naman gastusin.
Napagkasunduan namin ng councilor na pagbutihin ko lang ang pag-aaral ko at hindi mawawala sa akin ang scholarship na natanggap ko.
Bandang huli tubig na lang ang binili ko. Pagkabili ko nun ay lumabas na lang ako dahil pakiramdam ko magugutom lang ako lalo.
Dinukot ko ang cellphone sa bulsa para tingnan kung may message sila mama sakin. Agad naman akong nagreply pagkabasa ko ng text.
"Cy," Narinig kong tawag sa pangalan ko ng kung sino man.
Nagpalinga linga ako para hanapin kung kanino galing ang tinig na iyon at nadako naman iyon sa papalapit na si James pati na din ng mga kasama namin sa dorm. Lumapit sila sa pwesto kung nasaan ako.
"Kumain ka na?" Tanong ni james.
Tumango na lang ako bilang sagot kahit na ang totoo ay hindi. Ayaw kong mag-abala pa sila.
"Are you sure?"
"Oo. Sige, balik na ako sa room."
"Wag muna. Samahan mo muna kami." Sabi nya sabay akbay sakin.
Napalunok naman akong bigla ng malalaking butil ng laway ko at kumabog ng sobrang bilis ang dibdib ko sa ginawa nyang iyon.
"Wag kang mahiya samin. Itong mga kulukoy na 'to, makukulit talaga yan kaya kung kinukulit ka nitong mga 'to masanay ka na lang."
Paimpit na natawa na lang ako. Sumama na lang ako sa kanila. Inaya na din nila akong kumain na libre ni James sakin. Nakakahiya pero mas nakakahiya kung tatanggihan ko sya.
Marahan ko na lang kinain ang pagkain na nasa harapan ko. Habang sila naguusap ng hindi ko naman alam dahil wala naman akong alam kung anong pinaguusapan nila. Nauna silang natapos saking kumain at pwedeng pwede na silang umalis.
"Cy, hindi ka pa pala tapos?" Gulat na sabi ni Jared.
Napatiim bagang naman ako at minadaling kinain ang pagkain ko.
"Wag ka magmadali. Okay lang hintayin ka namin." Nakangiting sabi ni Jonathan.
Bigla namang naginit yung dalawa kong pisngi sa pagngiti nyang iyon. Itinago ko na lang ang sariling mukha baka makita nila na namumula ako. Anong nangyayare sakin? Bakit ako nakaramdam ng ganuon? Tinapos ko na lang ang pagkain saka sumabay na lang sa kanila palabas ng cafeteria.
"Uhm! James salamat pala sa paglibre mo sakin." Nahihiyang sambit ko.
"Wala 'yon. Kung gusto mo bumawi. Why not. Hindi naman ako madamot na tao unlike sa mga kasama ko." Sabi nya sabay natawa.
Natawa na lang ako habang pinagsusunggaban sya ng mga kaibigan nya. Nagpaalam na ako sa kanila na babalik na ako sa klase. Nabuhay tuloy sa dibdib ko ang makabawi sa kanya at hindi lang sa kanya pati na din sa kanila.
Hindi ko napansin ang oras na matatapos na pala ang isang araw na ito. Inaayos ko na nuon ang gamit ko ng may biglang huminto sa tabi ko. Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya. Kaklase ko. Nagtataka man pero binigyan ko sya ng tipid na ngiti.
"Cypress, right?" Ang malalim na boses na sabi ng lalaking nasa harap ko.
"I'm Paul. Paul Montero." Sabi nya habang nakalahad ang kamay.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Hindi ako ganuon kadali makipaghalubilo sa mga tao. Nakipagkamay na lang ako sa kanya saka ngumiti.
"Wala ka bang kasabay? Gusto sabay na tayo." Asik nya.
Nakakapagtaka bakit nya ako ganuon kausapin. Hindi naman sa ayaw ko pero nakakabigla lang dahil sa isiping bago pa lang naman kaming magkaklase.
"Dyan lang ako sa tapat naka-dorm." Sabi ko saka isinukbit na sa balikat ang bag ko.
Duon ko lang napansin na kami na lang palang dalawa ang tao sa silid. Hindi ko naman alam na aabutin ako ng pagkatagal tagal sa pagaayos ng gamit ko.
"Okay lang. Gusto lang kitang samahan."
Lalo akong nabigla dahil sa sinabi nya. Bakit naman nya ako gustong samahan? Hindi ko alam pero nagugulat ako sa inaakto nya na para bang matagal na kaming magkakilala.
"Okay," Tanging sagot ko na lang.
Gabi na din nuon at sinabayan nya nga ako hanggang sa makatawid. Hindi naman sya naubusan ng kwento habang ako nakikiayon na lang sa kanya.
"Sige, Paul, salamat sa paghatid. Uwi ka na."
"May cellphone ka ba?" Tanong nya.
Nahiya naman akong sabihin na meron dahil nga sa keypad lang ang cellphone ko.
"B-Bakit?"
"Can I borrow for a while?"
"Keypad lang cellphone ko." Pag-amin ko.
"It doesn't matter." Nakangiti nyang sabi.
Hindi naman na ako nagdalawang isip pa at saka inabot na lang sa kanya kahit may halong hiya. Nakita kong may tinipa sya duon. Hindi naman sya nagtagal at sinauli din sakin.
"Number ko. Text-text na lang. Pakilala ka kapag tinext mo ko ah."
Nagtaka naman ako sa ginagawa nya. Bakit ko naman gagawin 'yon. Nabigla na lang talaga ako sa inaasta nya. Parang ang bilis naman nya.
"See you tomorrow, Cy." Sabi nya habang sinesenyasan ako na tawagan ko sya.
"Ingat." Sabi ko na lang saka nagtungo na sa loob ng building kung saan ako nakadorm.
"Classmate mo?" Bungad na tanong sakin ni James pagkapasok ko.
Nauna pala sila sakin.
"Ah! Oo."
"Bakit daw?" Napatingin naman ako sa gawi nya at nagtataka kung bakit ganun yung tanong nya.
"Gusto lang makipagkaibigan." Sabi ko na lang saka naupo sa kama ko at hinubad ang sapatos.
"Ayusin nya lang." May pagkairitang sabi nya dahil sa tono ng boses nya.
"Kain na tayo." Yaya ni Jonathan.
Lumapit na naman kami sa hapag. Nanduon pa din sakin ang hiya dahil pakiramdam ko saling pusa lang ako dito. Binura ko na lang sa isip ko iyon at ang dapat kong iniisip ay ang mag-aral ako ng mabuti.
"Nasaan pala parents mo, Cy?" Tanong ni Joshua sakin.
"Nasa probinsya," Malumanay ko namang sagot.
"So, ikaw lang nandito?" Medyo gulat na tanong ni Joven.
Tumango na lang ako bilang sagot ko. May mga tanong naman sila sakin na sinasagot ko pero kapag wala tahimik lang ako. Nang matapos na silang kumain ako na ulit nag-presenta na maghugas.
Naghuhugas na ako nun ng mapansin ko ang cabinet sa taas ko. Tinapos ko muna ang hugasin. Sisilipin ko sana kaso hindi ko abot kaya kinuha ko ang isang upuan at tumuntong duon.
*****
James POV
"Mga tol, may napapansin ba kayong kakaiba dyan sa bago nating kasama?" Pabulong na sabi ni Jared.
Napatingin naman ako sa gawi ni Cy na kasalukuyang tumutuntong sa upuan at parang may balak tignan sa cabinet na nanduon. Tumayo naman ako para lapitan sya.
Palapit pa lang ako nun sa kanya ng mapukaw ang mga mata ko sa mapuputi nyang binti at walang balahibo. Pinagmasdan ko lang sya habang nakatalikod.
"Baka mahulog ka." Sabi ko habang sa hita at binti pa din nya ako nakatingin.
"Ah! Sorry tiningnan ko lang kung anong nandun." Sabi nya sabag marahang bumaba ng upuan at sinauli sa tabi ng lamesa.
Hindi ko maialis ang paningin ko sa mga binti nya. Nasisilayan ko yun dahil sa ikli ng short na suot nya. Mabilis na nag-iwas ako ng tingin ng papatingin na sya sa gawi ko.
"James, nga pala, hindi ko alam kung paano sasabihin 'to". Sabi nya pero napatitig akong bigla sa mapupula nyang labi na nanunukso.
May biglang kung anong init na dumaloy sa kabuuan ng katawan ko.
"Ano ba yun?" Sabi ko habang nakatitig pa din sa labi nya
Ramdam ko may kakaiba sa kanya at kailangan kong malaman 'yon. Magsasalita na sana sya ng biglang tumunog ang cellphone nya.
"Sandali lang. Sagutin ko lang." Pagpapaalam nya sakin.
Habang naglalakad sya patungong pinto at saka lumabas. Hindi ko na naman maalis ang paningin ko sa mga binti nya.
"May hindi ka sinasabi samin at aalamin ko 'yon". Sabi ng isip ko.
****
Cypress POV
"Oh! Ma, napatawag po kayo." Bungad ko sa tawag ni mama.
"Wala. Miss ko lang yung bunso namin."
Napangiti naman ako sa sinabi ni mama.
"Gabi na ma, bakit hindi ka pa natutulog? Bawal sayo ang magpuyat." Pagpapaalala ko sa kanya.
"Hayaan mo muna ako. Gusto ko lang makausap yung maganda kong anak."
"Ma, kung nagaalala ka sakin, ayos lang po ako dito. Mababait naman yung mga kasama ko dito sa dorm."
"Alam mo talaga ugali ko 'no, nak."
"Syempre nanay kita eh. Ma, wag mo ko masyadong iniisip. Sige ka malolosyang ka nyan agad." Sabi ko na sabay naming tinawanan.
Hindi naman nagtagal ang tawag at nagpaalam na din sya dahil pinapagalitan na daw sya ni papa. Nagpaalam na lang din ako. Nakakawala ng pagod ang tinig ng aking mga magulang.
Nadako naman ako sa contacts at nakita ko dun ang number na binigay sakin ni Paul kanina pero hindi ko na binalak pang bigyan sya ng mensahe. Pumasok na lang ulit ako sa loob.
Kasalukuyang nanunuod sila ng tv at ako tinungo na lang ang banyo para makapaghilamos at makapagsipilyo. Nahiga na lang agad ako pagkatapos saka natulog na lang.