CHAPTER THREE

1597 Words
Lumipas ang dalawang buwan habang nagaaral ako dito sa maynila. Hindi naman ako nagsasawang kamustahin kung anong kalagayan nila mama sa probinsya. Unti unti na naman akong nasasanay sa pakikisama ko kila James at mabait naman sila sakin. Naging matalik na magkaibigan din kami ni Paul. Palagi syang dumadaan sa dorm bago pumasok para sabay na daw kami pagpasok. Kahit pa sa pagbibigay ng mensahe sa akin ay hindi din sya pumapalya. Palaging may natatanggap na text ang cellphone ko galing sa kanya. Natutuwa naman ako dahil kahit papaano hindi sya nagtatanong at nakakahalata kung may kakaiba ba sakin na hindi ko din naman hinahayaan na mahalata nya at saka isa pa di din naman ako yung tipo ng tao na kayang iladlad ang lahat bawat balaw sa katawan ko. "Lika na," Sabi ko pagkalabas ko ng dorm kay Paul na kanina pa naghihintay sakin. "Sabi ko naman kase sayo na wag mo na akong hintayin. Ang tagal mo tuloy naghintay." Pagpapagalit ko sa kanya. "Okay lang 'yon. Hindi pa naman tayo late. Gusto mo kain muna tayo. Treat ko. Maaga pa naman eh." "Ikaw? Manlilibre? Himala." Natatawa kong sabi. "Oo. Ayaw mo ba?" "Syempre gusto ko. Libre eh." Pagbawi kong sabi. Nagtungo na lang kami sa bakery na malimit na naming puntahan. Bumili kami ng paborito nyang tinapay. Macarons. Nahahawa na tuloy ako sa kanya. Dalawang buwan na din pala ako sa pinapasukan kong part time job sa isang fast food. Panggabi ako at nababalanse ko naman ang oras ko dahil sa school ko na tinatapos ang assignments ko para pag-uwi ko, kaunting pahinga pagkatapos maghahanda na para pumasok ng trabaho. Hindi kase sapat yung allowance ko gayong hindi din naman palagi nakakapagpadala sila mama kaya naisipan kong magtrabaho habang nag-aaral para kahit papaano makatulong ako sa pangangailangan nila lalong lalo na kay mama na kailangan ng maintenance ng gamot para sa sakit nya. "Hindi ka ba binubully ng mga katrabaho natin?" Tanong ni Paul sakin habang naglalakad na papasok ng gate. "Hindi naman. Loko ka nandun ka naman eh. Makikita mo naman kung may mambubully sakin dun." Natatawa kong sabi kase parang hindi ko sya kasama sa trabaho. "Hindi ko naman mapapansin kase busy." "Atsaka ano naman kung bullyhin nila ako. Alam ko namang biro lang din nila yun." Pumasok na kami ng school at nagtungo na sa room. Hindi pa naman kami late dahil kakaunti pa lang ang mga estudyanteng nandun sa silid. "Dito muna ako upo." Nakangiting sabi ni Paul pagkaupo nya sa tabi ko. "Hindi ka dyan nakaupo." "Alam ko." "Ikaw bahala. Aalis ka din dyan kapag dumating na si Vanessa." "Edi dun muna sya sa upuan ko." Natawa na lang ako sa sinabi nya. Hindi ko na naman sya pinilit pa. "Gusto lang naman kita makatabi eh." Sabi nya na ikinalingon ko. "Bakit mo naman ako gustong makatabi?" Tanong ko sa kabila ng pagtataka. "May ipapakiusap lang sana ako." Seryosong sabi nya. "Ano naman yun?" "Pwede bang sa dorm nyo ako tumuloy mamayang uwian?" "Hindi ko alam. Bakit naman?" "Wala naman. Gusto ko lang sabay tayo pumasok mamaya." Ano kayang nangyayare dito sa taong 'to. Gusto akong katabi tapos gustong sabay pa kami pumasok mamaya. "Sige. Ipapaalam ko kila James." Sabi ko na lang. Dumating na si Vanessa at sinabihan naman nya ito na dun muna maupo sa upuan nya. Natapos ang buong klase ng umagang iyon na si Paul lang ang katabi ko. Dumating na din ang oras ng lunch at inaya na naman nya akong kumain. Libre nya daw. "Ikaw, libre ka ng libre baka mamaya nyan may kapalit na yan." Sabi ko. "Wala. Gusto lang naman kitang ilibre. Masama ba yun?" Sabi nya sabay pa-cute. Nabigla naman ako ng akbayan nya ako. Hindi ko inaasahan na gagawin nya iyon. Pinakalma ko ang sarili at inisip na walang malisya iyon. Naninibago lang ako sa kanya ngayong araw. Naglalakad na kami nuon papuntang cafeteria ng makita ko sila James sa student center at nakatingin sila sa gawi namin ni Paul. "Uhm! Cy?" Tawag sakin ni Paul. Napatigil lang ako kase kanina pa pala nya ako kinakausap. "Oh?" Sabi ko saka nagangat ng tingin dahil nga mas matangkad sya sakin. "Akala ko nakikinig ka." May pagtatampo nyang sabi. "Ano ba yun?" "Wala. Tara kain na tayo." Sabi nya saka tumingin sa malayo. Hindi ko na lang pinansin at sumunod na lang sa kanya. Kumain na lang kami pagkabili namin ng pagkain na libre nya. Kung tutuusin hindi nya dapat ginagawa yun kase may pera naman ako at saka parehas naman kaming nagtatrabaho. "Ano pala yung sinasabi mo kanina?" "Wala. Kalimutan mo na lang." Sabi nya ng hindi ako tinatapunan ng tingin. "Ano nga yun?" "Sabi ko kung gusto mo sumama sa bahay one time kaso parang hindi ka naman interesado." "Ah! Yun ba". "Okay lang kung ayaw mo." Tiningnan ko naman yung mukha nya at bakas dun ang pagtatampo. Natawa naman ako dahil simpleng bagay tinatampuhan nya. "Hindi pa nga ako sumasagot. Ayaw ko na agad. Syempre gusto ko." "Wag na nagbago na isip ko." "Ikaw bahala. Nagbago na din isip ko na isasama kita mamaya sa dorm." Pagbibiro ko baka sakaling maalis yung tampo nya. "Sige na isasama na kita. Basta sasama ako sayo mamaya." "Kailangan pa ba kitang takutin para maalis yang tampo mo?" "Nakakainis lang kase. Saan ka ba kase nakatingin nun kaya di mo narinig yung sinabi ko?" "Wag ka na kaseng magtampo." Natatawa tuloy ako kase yung bestfriend ko nagtatampo sakin. Sabagay masakit din naman sa pakiramdam na may kausap ka pero hindi ka pinapansin. Hindi ko naman kase alam na may sinasabi pala sya gayong kila James ako nakatingin nung mga oras na yun. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami ng room. Hindi naman nagtagal ang klase sa hapon at dumating na din ang uwian. "Halika na." Pang-aaya sakin ni Paul na akala mo sya yung naka-dorm sa pupuntahan namin. Bakas sa labi nya ang ngiti. Napapaisip tuloy ako, siguro mababaw lang kaligayahan nya. Isinilid ko na lang ang mga gamit ko at saka isinukbit na lang sa balikat ko. Lumabas na kami ng room saka dumiretso na lang ng dorm. Nagulat naman ako kase wala pa sila James dun. Nagkibit balikat na lang ako baka may klase pa sila. Hindi naman kase kami parehas ng schedule. "Saan kama mo?" Tanong nya. Tinuro ko naman sa kanya at nagpaalam na magpapahinga lang saglit. Hinanda ko na lang muna ang susuotin kong uniform pagpasok mamaya. "Dala mo ba uniform mo?" Tanong ko sa kanya. "Oo," "Akin na. Plantsahin ko na din." "Dyan sa bag. Kunin mo na lang." Hindi naman ako ngreklamo at kinuha na lang. Pagkatapos ay nahiga na lang din ako sa kama ko at nagcellphone. Napatingin naman ako sa gawi ni Paul na natutulog. Mamaya pa naman pasok namin kaya okay lang na magpahinga muna kami. Nag-set ako ng alarm para hindi kami ma-late kung sakaling makatulog kami. Natulog na lang din ako dahil medyo nakakapagod din ang buong maghapon. Agad naman na nagising ako ng tumunog na ang alarm ng cellphone ko. Iminulat ko ang mata ko at nakita kong wala pa din sila James. Gigisingin ko na sana si Paul nang mapansin kong nakayakap na sya sakin. Nagulat naman ako kase hindi ko inaasahan yun. "Paul, gising na." "5 minutes." Sabi nya saka mas lalo pang yumakap sakin. "Anong 5 minutes? Bangon na dyan." "Inaantok pa ako eh." "Bahala ka. Maliligo na ako." Sabi ko saka inalis ang kamay nyang nakayakap sa tyan ko at tumayo na. Nagtungo na ako ng banyo at naligo. Hindi naman ako nagtagal dun at agad na nagbihis. Nainis naman ako bigla paglabas ko kase hindi pa din sya bumabangon para magasikaso. "Paul, ano ba? Bangon na dyan." Bahagya nyang iminulat ang mata't tumingin sa akin akin namang sinalo iyon. Binigyan ko sya ng nakakainis na tingin. Bigla nyang dinutdot ang kanang pisngi gamit ang hintuturo. Napakunot noo naman ako. "Bumangon ka na dyan." Sabi ko pero patuloy pa din sya sa pagdutdot ng pisngi nya. "Bahala ka na nga dyan kung ayaw mong pumasok." Inis na sabi ko saka tinungo na lang ang bag ko. Nabigla naman ako ng yakapin nya ako mula sa likuran ko. Nagtataka na ako sa kanya. Masyado na syang madikit at malapit. Hindi na ito maganda. "Umayos ka nga. Hindi na nakakatuwa." "Wag ka ng magalit." "Hindi naman ako nagagalit. Baka ma-late kase tayo." "Pa-kiss muna ako". Komportable nyang sabi. "Hindi magandang biro, Paul." Sabi ko saka inalis na ang pagkakayakap nya. Bumitiw na naman sya at nagtungo na lang din ng banyo. "Cy, pwede pahiram ako ng tuwalya mo". Sabi nya ng bahagya syang sumilip sa pintuan ng banyo. Inabot ko naman sa kanya iyon ng walang malisya. Tapos na akong magasikaso sa sarili ko nun at handa ng umalis at tanging sya na lang talaga ang hinihintay ko. Tinawagan ko na lang muna sila mama. "Ma, musta na po kayo dyan?" "Okay lang naman kami, bunso. Ikaw?" "Ayos lang po. Mabuti naman ho kung ganun." "Miss ka na nga ng nga pamangkin mo eh. Ito oh." "Miss ko na din po kayong lahat dyan." Hindi naman nagtagal ang usapan namin at nagpaalam na din ako. Natapos na naman si Paul maligo at kasalukuyang nagbibihis na. Hindi naman sa nagmamadali ako baka kase abutan kami ng trapik sa daan although palagi namang traffic sa bawat kalsada ng pilipinas. Lumabas na kami ng dorm pagkatapos saka sinara iyon. Nagtungo na lang kami ng sakayan ng jeep. Hindi naman nagtagal ang byahe at nakadating na din kami sa trabaho namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD