Ala una na ng madaling araw nang mag-out kami ni Paul at halos parehas na pagod. Naghiwalay na ang direksyon namin nang sumakay na kami. Pinara ko na lang ang jeep na patungo sa direksyon ko.
Habang naghihintay sa gitna ng daan lulan ng jeep na sinasakyan ko, hindi ko naman mapigilan ang sariling mata na hindi makatulog. Hindi naman ako nagtagal sa byahe at nakarating na din sa dorm na tinutuluyan ko.
Nagulat ako pagpasok ko dahil nagkalat sa sala ang mga bote ng beer. Nakita kong mga nakahilata na yung lima. Napakunot noo naman ako kase paano nila naipuslit ang mga alak gayong bawal iyon dito. Ngayon ko lang din sila nakitang nalasing.
Nagkibit balikat na lang ako saka nagtungo ng banyo para makapagpalit ng damit. Nang mabihisan ang sarili ay nagtungo na ako ng sala para ligpitin ang mga kinalat nila. Nilinis ko na lang iyon dahil alam kong hindi na nila magagawa iyon.
Nang matapos nagtungo na lang ako ng kusina para kumain dahil medyo nagugutom din ako. Nagluto na lang ako ng instant noodles para malipasan lang ang gutom ko.
Umupo na lang ako sa upuan ng lamesa sa kusina. Binabantayan ang pagkulo ng tubig. Napahikab na lang ako sa paghihintay ko na kumulo. Tumayo ako para isalin na ang noodles na pakukuluan ko.
"Ang bango mo talaga, Cy." Nagulat ako ng biglang may yumakap mula sa likuran ko at nagsalita. Si James.
Bigla naman akong nairita sa pagyakap nyang iyon dahil hindi lang basta yakap ang ginagawa nya hinihimas nya pati ang tiyan ko na nagpaalarma sakin. Inilapag ko na ang kaldero nang maisalin ko ang laman niyon.
"J-James". Bigkas ko sa pangalan nya pagkakalas ko sa pagkakayakap nya sakin.
"Bakit gising ka pa?" Tanong nya sa kabila ng pagkalasing.
"Kakauwi ko lang galing trabaho. Gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" Natataranta kong sabi kase di ako sanay na may lasing akong kasama.
"Wag ka ng mag-abala. Matutulog na din naman ako pagkatapos kong magbanyo."
"Okay," Sagot ko na lang saka dinala na ang mangkok patungong lamesa.
Naupo na lang ako sa upuan sa lamesa. Lumabas naman ng banyo si James at bakas sa kilos nya ang pagkahilo na dulot ng alak.
"Gusto mo?" Pang-aalok ko sa kanya.
"No, thanks." Sabi nya saka bumalik na lang sa pagkakahiga.
Itinuon ko na lang ang sarili sa pagubos ng noodles na hinain ko para sa sarili. Nang maubos hinugasan ko na lang saka naghilamos at nagsipilyo.
Tinungo ko na ang kama ko at saka nahiga. Nagmuni muni muna ako dahil hindi pa naman ako dinadapuan ng antok.
"Cy?" Narinig kong tawag sakin ni James sa kanan ko.
"Hmm?" Malibis na tugon ko.
"Wala lang,"
Hindi ko na lang pinansin baka nanaginip lang. Itinuon ko na lang ang paningin sa kisame at nilibang ang sarili.
"Cy, gising ka pa?" Nagulat naman ako kase akala ko tulog na sya.
"Oo, bakit?" Sabi ko nang lingunin ko ito.
"Pwede ba favor?"
"Ano 'yon?"
"Pwede ba pahilot ako ng likod ko? Ang sakit kase." Inaantok nyang sabi.
"Okay lang," Sabi ko na lang dahil di rin naman ako makatulog.
Bumangon ako saka lumapit sa kama nya. Inabot naman nya sakin ang lotion para gawing pamahid.
"Wala kang ointment?"
"Ayaw ko nun. Mabaho 'yon."
Hindi na ako nagtanong pa kung bakit ayaw nya at saka nagsalin na lang ng lotion sa kamay ko at marahang ipinahid iyon sa kanyang likod.
"Ugh! 'Yan. Ang sarap." Sabi nya habang hinihilot ng kamay ko ang likod nya.
"Uhm! James, diba bawal magdala ng alak dito?"
"Hindi naman nakikita eh,"
"Nag-aalala lang kase ako baka mahuli kayo."
"Hindi 'yan unless kung magsusumbong ka." Natatawa nyang sabi.
"Hindi ah!" Sabi ko na lang saka pinagpatuloy na lang ang paghilot.
"Ang sarap mong maghilot,"
"Natuto lang kay papa,"
"Marunong ka din ba magmasahe ng uten?"
Nabigla naman ako sa sinabi nyang iyon at saglit na napatigil.
"H-huh?" Gulat kong sambit sa sinabi nya.
"Biro lang. Sige, tulog ka na. Salamat." Sabi nya.
Hindi ko na lang pinansin at saka bumalik na lang sa kama ko at natulog na lang din.