Nagising ako ng maaga dahil wala naman akong pasok sa araw na ito. Hindi na ako mabibigla kung bakit nakahilata pa din sila. Tulog pa din sila. Bumangon na lang ako saka nagtungo ng banyo.
Lumabas na ako ng banyo matapos kong maghilamos at magsipilyo. Naisipan kong magluto na lang ng agahan para samin. Nagtungo ako ng kusina at naghanap sa ref kung anong pwedeng lutuin kaso wala na pala kaming stock.
Naisipan kong mamalengke na lang para ng sa gayon makabawi naman ako sa pakikihati ko sa kanila. Nagbihis muna ako saka dinala ang wallet at cellphone.
Hindi na ako nagpaalam sa kanila na mamimili ako. Sumakay na lang ako ng jeep at nagtungo sa grocery store. Hindi naman kalayuan iyon dito kaya madali lang akong nakapunta. Nang makarating ay pumasok na lang ako saka nagtingin tingin ng pwedeng ipang-stock ng isang buwan para samin.
Medyo marami kaya sa plastick ko na lang pinalagay kase di kakayanin ng paper bag. Nagtungo na din ako ng remittance center para magpadala kila mama. Pumara na lang ako ng taxi para mabilis dala dala ang limang malalaking supot. Inilagay naman iyon ng driver sa compartment. Sa likod ako naupo.
Minaneho na nya iyon ng banayad at wala naman akong magawa kaya pinagmasdan ko na lang kung paano sya magmaneho.
Hindi naman nagtagal ang byahe at nakarating na din ang sinasakyan kong taxi sa dorm. Tinulungan nya pa nga akong ihatid ang lahat ng iyon hanggang sa pinto ng dorm ko.
"Salamat po," Sabi ko saka binayaran na lang ito.
"Sobra ito,"
"Okay lang po. Sinobrahan ko po talaga para sa magandang serbisyo nyo sakin." May ngiti sa labi kong sabi.
"Salamat din," Nahihiyang sabi nito. "Dito na ako". Paalam na nya.
Napangiti naman ako kase may mga tao paring mapagkumbaba sa panahon ngayon. Binuksan ko na lang ang pinto saka pumasok sa loob.
"Saan ka galing?" Bungad na tanong sakin ni James na nakatapis lang ng tuwalya. Tulog pa yung apat.
"Namili lang ako," Maikling sagot ko saka tinungo ang kusina at nilapag sa mesa ang pinamili.
"Bakit?" Sabi nya habang nakasunod sakin.
"Wala na kase tayong stock,"
"Hindi mo naman kailangan gawin 'yan eh!"
"Okay lang,"
"Sa susunod magsasabi ka," Inis na sabi nya saka nagtungo na lang ng banyo.
Napaismid naman ako at napaisip kung anong problema sa ginawa ko. Hindi ko na lang pinansin baka may hangover pa.
Inayos ko na lang ang mga pinamili sa cabinet na nandun at yung iba sa ref. Nakita kong bumangon si Jared at nakahawak sa sentido.
"Gising ka na pala," Nakangiti kong sabi pero dinaanan lang ako.
Napakunot noo na lang ako. Baka ganun talaga kapag may hangover. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalagay ng pinamili ko sa lagayan nun. Inihanda ko na din ang lulutuin ko para sa agahan namin.
"Ako na dyan". Sabi ni James na kakatapos lang maligo at tanging boxer shorts lang ang suot.
Sanay na naman ako sa kanila na ganun kapag nandito lang sa dorm. Hindi naman sila yung makalat. Pasalamat pa nga ako kase masisipag silang maglinis at pinapanatili nilang maayos ang dorm.
"Ayos lang. Gusto ko din namang magluto." Kumpiyansa kong sabi.
"Sige na. Ako na."
Wala na naman akong nagawa at sinunod ko na lang ang sinabi nya dahil na nga din na mas matanda sya, sila sakin. Nakakatawa kase sa pangalan ko sila tinatawag imbes na kuya.
"Tulungan na lang kita," Sabi ko kase wala talaga akong magawa.
Ayaw ko pa naman na wala akong ginagawa dahil pakiramdam ko nagiging pabigat ako.
"Pakihiwa mo na lang 'yang sibuyas at bawang." Sabi nya na sinunod ko naman.
Kasalukuyang niluluto na nya ang bacon at itlog. Natapos naman ako sa paghihiwa at pinagmasdan na lang sya.
"Baby Cy?" Narinig kong tawag sakin ni Joshua kaya nilingon ko ito.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko baby kase ikaw bunso namin dito eh!" May ngiti sa labi nyang sabi.
Gising na pala sila. Nakahiga pa si Joven habang nagse-cellphone samantalang si Jonathan naman ay nakaharap sa laptop.
"Ah!" Pagsangayon ko na lang.
"Gusto mo timpla kita kape?" Pag-aalok ko.
"Sure, why not. Not to sweet nor strong. Just mild, baby."
Naintindihan ko naman kahit english iyon. Hindi naman ako ignorante pagdating sa english language hindi bale na lang kung mabilis. Ipinagtimpla ko na lang sya base sa sinabi nya.
"Hmm! Bango. Nagugutom na ako." Narinig kong sambit ni Joven na naupo na sa lamesa.
"Ito na pala yung kape mo." Sabi ko pagkaabot ko kay Joshua.
"Aww! Sya lang," Kunwaring pagtatampo ni Joven.
"Tara na, Jonathan. Kain na." Tawag dito ni James. Tumayo na naman ito at lumapit na sa lamesa.
"Baby Cy ako din timpla mo." Sabi ni Jared.
Pinagtimpla ko na lang si Joven at Jared ng kape. Nagulat naman ako nang biglang pisilin ni Jonathan yung pisngi ng pwet ko. Napatingin naman ako sa gawi nya na kumukuha din ng baso para magtimpla ng kape. Kinindatan nya ako kaya umiwas na lang ako saka binitbit ang tinimpla kong kape sa mesa.
"Salamat, Baby Cy." Sabi ni Joven.
"Wag mo nga syang tawaging ganyan," Suway sa kanya ni James.
"Okay, sorry dude."
"Ang sakit ng ulo ko." Asik ni Jared saka humigop sa kape na timpla ko.
"Saan Jared? Sa baba? Hindi ka ba naka-score kagabi?" Natatawang asar na sabi ni Joshua.
"Gago. Hindi." Depensa nya sa sarili.
Naupo na lang din ako sa tabi ni Jonathan. Saka hinainan ang sarili ng pagkain. Tahimik naman kaming kumakain at walang may balak sirain iyon. Tanging ingay lang ng pinggan at kubyertos ang maririnig.
"Wala ba kayong pasok, Cy?" Tanong sakin ni Jared.
"W-Wala. Rest day ko din ngayon sa work. Bakit?"
"Wala naman natanong ko lang,"
"Kayo hindi kayo pumasok kase mga lasing. May okasyon ba kagabi?" Tanong ko na lang.
"Wala naman. Nagkayayaan lang." Sabat naman ni Joven.
"Pasensya ka na pala sa kalat namin kagabi." Sabi ni Joshua.
"Wala 'yon at saka isa pa hindi na naman ako bago dito kaya dapat lang na gawin ko 'yon."
"What about sama ka sakin sa gym?" Pang-aaya sakin ni Jonathan.
"Hindi ako naggi-gym,"
"Pansin ko nga. Ang payat mo nga eh tapos ang lambot pa ng muscles mo." Nabato naman ako baka kase mapansin nila na may iba sa katawan ko. Mabilis naman akong nakapag-isip ng idadahilan.
"Ah! Darating tayo dyan." May galak kong sabi pero sa loob loob ko kinakabahan ako at sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
Natapos na sila James kumain at kami na lang ni Jonathan ang natitira sa mesa. Hindi ko alam kung mabagal ba akong kumain o sadyang mabilis lang silang kumain. Sinulyapan ko naman si Jonathan na busy lang sa cellphone na hawak kahit tapos na syang kumain.
Nagsalin na lang ulit ako ng sinangag sa pinggan ko dahil masarap din talaga magluto si James. Napaparami ako ng kain kapag silang dalawa ni Jonathan ang nagluluto. Syempre ganun din kapag si mama ang nagluluto. Nami-miss ko na nga sila eh.
Nagulat naman ako nang maramdaman ko ang kamay ni Jonathan sa hita ko at pinisil pisil iyon. Napatingin naman ako sa kamay nya pagkatapos sa kanya.
"Ang lambot talaga. Samahan mo ko mag-gym patigasin natin 'yan." Napalunok na lang ako ng malalaking butil ng laway ko dahil sa pagkabigla.
Akala ko kung anong gagawin nya. Hindi pa din nya inaalis ang kamay nya dun at patuloy pa din sa pagpisil dun. Hindi naman ako mapakalali dahil medyo madiin ang pagkakapisil nya. Hindi ko tuloy makain ng maayos ang pagkain ko.
"Ayos ka lang?" Napatingin naman ako sa gawi ni Jonathan nang magtanong sya.
"O-Oo," Sabi ko na lang pero sa loob loob ko natataranta na ako sa ginagawa nyang pagpisil.
Hindi ko naman sya pinagisipan ng masama kaya hinayaan ko na lang. Tinapos ko na lang ang pagkain ko't tumayo niligpit na din ang pinagkainan nila saka dinala sa lababo. Hindi ako mapakali para kaseng may iba sa pagpisil ni Jonathan. Ipinilig ko na lang ang sariling ulo para burahin kung ano mang gustong tumakbo sa isip ko.
Tahimik na hinugasan ko na lang ang mga pinggan. Nilingon ko naman si Jonathan at busy pa din ito sa hawak na cellphone. Nakakapanibago kase yung kinikilos nya tapos hindi ko din maisip kung bakit nya ako kinindatan kanina. Nagkibit balikat na lang ako baka trip nya lang o di kaya gawain nya lang.
Natapos na naman akong maghugas at saka nagpunas na lang sa hand towel na nandun. Nabigla naman ako pagkalingon ko nang bumungad sa harap ko si Jonathan at nakatingin sakin.
"Oh! Bakit? May kailangan ka?". Tanong ko na lang saka umurong ng kaunti dahil masyado kaming malapit sa isa't isa at para di rin sya makahalata.
"Wala naman," Sabi nya saka tinalikuran na lang ako at bumalik sa kama nya.
Nakita kong nakahiga na silang lahat sa kanya kanyang kama at busy sa kakakalikot sa cellphone.
Narinig kong nag-ring ang cellphone ko kaya agad na lumapit ako sa kama ko at kinuha iyon sa ilalim ng unan ko. Nakita ko naman ang pangalan ni Paul duon.
"Sino 'yan?" Tanong ni James.
"Si Paul. Classmate ko. Sagutin ko lang,"
Nagtataka naman ako bakit kailangan nya pang alamin kung sino ang tumatawag sakin. Hindi ko na lang pinansin saka lumabas na lang ng dorm. Nakakahiya kase baka maingayan sila sakin.
"Oh! Paul, napatawag ka."
"Tara, gala tayo."
"Anong gala? May pasok ka diba?"
"Oo, hindi ako pumasok,"
"Ano? Hindi ka pumasok. Bakit?"
"Para makagala tayo,"
"Hindi ka pumasok kase gusto mong gumala. Hala! Hindi pwede 'yan."
"Minsan lang naman eh. Nakakapagod din kaya,"
"Eh mamaya sa trabaho? Hindi ka din papasok?"
"Hindi, kase nga lalabas ako," Sabi nya sabay tawa.
"Bahala ka,"
"Sunduin kita mamaya dyan".
"Pumayag na ba ako?"
"Sige na. Minsan lang naman eh,"
"Oh! Sya. Sige maliligo pa ako. Hintayin mo na lang ako kapag dumating ka."
"Ang totoo nga nyan nandito na ako eh."
"Huh?" Sabi ko saka nagpalinga linga at nakita ko naman sya may hagdan paakyat sa dorm namin.
"Hindi ka talaga pumasok ah" Sabi ko saka binaba na ang tawag at hinintay syang makalapit sa gawi ko.
Lumapit naman sya sa kinatatayuan ko na may bakas ng ngiti sa labi.
"Loko ka, maa-awol ka nyan." Sabi ko pagkalapit nya.
"Paano kung sabihin ko sayong parehas na tayo ng rest day?"
"Ano?"
"Nakiusap lang naman ako kay Sir Regie na gawing parehas ang rest day natin."
"At pumayag naman sya?"
"Oo"
"Bakit?"
"Hala! Parang ayaw mo yata na nandito ako ah. Hindi ka ba natutuwa na makakagala tayo." May halong tampo na sabi nya.
"Kalimutan mo na lang. Hintayin mo na lang ako dito."
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"
"Hindi ako sigurado eh. Baka magalit sakin yung mga dormmates ko."
"Ah! Sige. Hintayin na lang kita. Bilisan mo ah." Sabi nya saka pumasok na ako sa loob.
"Kailangan ba talagang sa labas mo pa kakausapin iyang tumatawag sayo?" Inis na bungad sakin ni James.
Hindi naman ako nakasagot dahil wala naman akong nakikitang mali sa ginawa ko. Napakunot noo na lang ako sa inaaakto nya. Nakayukong nilagpasan ko na lang sya saka tinungo ang cabinet ko para kumuha ng masusuot.
"Saan ka pupunta?" Sabi ni James na nakasunod pala sakin.
"Gagala lang."
"Hindi pwede!" Sabi nya na nagpatigil sakin sa pagkuha ng damit ko.
"Huh?"
"A-Ah! Wala. Kalimutan mo na lang." Sabi nya saka nilayasan na ako.
Nagtatanong ang isip na tinungo ko na lang ang banyo saka mabilis na pinaliguan ang sarili dahil baka mainip si Paul sa labas.
Nang matapos ay nagbihis na lang ako at inayos ang sarili. Kinuha ko na lang ang cellphone at nagdala na din ako ng wallet para incase.
"Wag ka magpapagabi." Bilin sakin ni James.
Tumango na lang ako bilang pagsagot.
"Ingat ka, Baby Cy." Pahabol na sabi ni Joven.
Nagtataka na talaga ako sa inaakto nilang lahat ngayon. Ang weird. Parang may mali. Hindi ko na lang pinansin at lumabas na ng dorm. Sinalubong naman ako ng nakangiting si Paul.
"Basang basa pa buhok mo."
"Hayaan mo 'yan. Matutuyo din 'yan mamaya. Tara na." Sabi ko saka nauna ng maglakad.
"Teka lang" Pigil nya saka humarap sakin.
Nakita kong dinukot nya ang sariling towel sa bulsa. Nabahala naman ako sa gagawin nya. Nabigla ako ng ipunas nya iyon sa basa kong buhok. Nakakapagtaka naman ang araw na ito.
"A-Ako na."
"Tapos na." Kukuhanin ko pa lang sa kanya pero napunasan na nya.
"B-Bakit mo ginawa 'yon?" May halong inis na sabi ko.
"Wala lang. Bestfriend mo ko kaya kung may hindi maayos o hindi magandang tingnan sayo aayusin ko."
"Kahit na," Naiilang kong sabi.
"Ewan ko sayo. Kung umakto ka para kang babae. Lika na nga." Sabi nya saka inakbayan ako.
Sanay na naman ako sa pagakbay nya sa akin. Minsan nga kapag ako ang aakbay sa kanya ay tatawanan lang nya ako kase hindi ko abot ang balikat nya dahil mas matangkad sya sakin. Hindi ko naman minasama iyon.
Sumakay na lang kami ng jeep at hinayaan ko na lang sya kung saan nya balak pumunta. Hindi naman ako handa sa lakad naming ito. Biglaan lang.
"Saan mo gustong pumunta?".
"Ikaw bahala,"
"Wala ka ng binigay na matinong sagot." Natatawa nyang sabi.
"Malay ko ba kung saan mo gusto pumunta. Kung saan ka dun na din ako".
"Seryoso ka? Paano kung gusto ko pumunta sa biyaheng langit? Sasama ka pa din ba?"
"Syempre hindi. Magisa ka." Mariing tanggi ko na tinawanan nya lang.
"What if mag-ek na lang tayo?"
"Sabi ko nga ikaw bahala."
Bumaba na lang kami sa sakayan ng bus papuntang Laguna. Hindi naman kami bigo dahil nakasakay agad kami. Naupo kami sa bandang gitna. Nauna syang umupo malapit sa bintana.
"Palit tayo," Sabi ko.
"Ayaw ko nga,"
"Okay," Sabi ko.
Napatingin naman ako sa kalinya naming upuan at bakante pa iyon kaya agad naman akong lumipat.
"Bumalik ka nga dito," Pabulong na sabi ni Paul pero hindi ko na lang pinansin.
Wala naman syang nagawa at lumipat sya sa kinauupuan ko na muntik ng maunahan.
"Gara mo," Sabi nya na tinawanan ko lang ng mahina at inasar asar sya.
Hindi naman kami nagtagal sa byahe at nakarating din ng Enchanted Kingdom. First time kong makakapunta sa lugar na iyon na ngayon ko lang din makikita at mararanasan sa tanang buhay ko.
"Wag ka ng gumastos. Ako ng bahala sayo."
"Ano?" Singhal ko sa kanya.
Bago pa ako makaangal nakapagbayad na sya para saming dalawa. Mula pa pala kanina nya ako nililibre at wala pa ako ni mismong kusing na nilalabas.
"Baka maubos na 'yang pera mo. Sisihin mo pa ako."
"Wag ka ng umangal. Alam kong gusto mo din ng libre."
"Loko loko" Sabi ko sabay kutos sa kanya. Nagulat naman ako sa nagawa ko.
"Hala! Sorry!" Natatarantang sabi ko.
"Hindi na uso sorry ngayon." Seryosong nyang sabi.
"Seryoso ka?"
"Biro lang,"
Sinubukan naman namin ang lahat ng rides na nandun at halos masuka suka ako sa ibang rides dahil na nga rin sa bago pa nga ako dito sa maynila.
"Wait lang," Pigil ko sa kanya pagkahinto ko dahil pakiramdam ko nasusuka pa din ako kahit pa sumuka na ako pagkatapos naming sumakay ng vikings.
Tinawanan lang nya ako habang nasa ganun akong sitwasyon. Hindi pa ako sanay sa mga ganitong pasyalan. Laking probinsya kase ako. Pasensya na.
"Ayos ka na?" Natatawang sabi nya.
"O ——." Hindi ko na nasagot ang tanong nya nang maramdaman kong masususka ulit ako at kahit walang nalabas sa bibig ko pero ang sakit nun sa sikmura.
Hinimas himas naman nya ang likod ko. Pakiramdam ko nahihilo pa din ako. Hindi ko maiayos ang sariling paningin.
"Upo muna tayo," Suhestyon nya saka naupo sa malapit na bench samin.
"Sorry, hindi ko alam na may fear of heights ka pala."
"Hindi, okay lang." Sabi ko habang pinapakalma ang sarili at binabalik sa tamang wisyo ang utak.
"Ano isa pa?" Napatingin naman ako sa gawi nya.
"Biro lang hehe,"
"Gusto ko pa sana kaso baka masuka lang ulit ako. Sorry."
"Sige. Wag na tayo mag-rides. Tara sa haunted house."
Hindi naman ako tumanggi kaya sumama na lang ako sa sinasabi nyang haunted house. Pumasok kami sa loob kasama ng mga iilang tao na nanduon din.
"Tara," Sabi nya sabay higit sa kamay ko papasok sa loob.
Napatingin naman ako sa kamay ko na nakahawak din sa kamay nya. Napakunot noo naman ako kase hindi naman nya kailangan hawakan iyon. Hinigit ko na lang yung kamay ko na nagpatigil sa kanya sa paglalakad saka nilingon ako.
"Bakit? Wala pa nga, natatakot ka na agad. Wag ka magalala nandito naman ako eh," Sabay pilyong ngumiti at hinawakan ulit ang kamay ko.
"Hindi mo naman kailangan hawakan yung kamay ko, diba?"
"Kailangan,"
"Huh? Bakit naman? Required ba?"
"Kailangan kase baka mawala ka. Di na kita mahanap. Mahirap na."
"Anong pinagsasabi mo?"
"Sorry nga din pala,"
Bigla naman akong naguluhan sa mga sinasabi nya. Hindi ma-proseso ng utak ko.
"Sorry para saan naman?"
"Sorry kase mas matangkad ako sayo kaya I lead the way." Napasimangot naman ako sa sinabi nya.
"Tsss!! Matangkad ka lang pero hindi ako duwag." Sabi ko saka hinigit ang kamay ko at nauna ng maglakad papasok.
Hindi naman pala nakakatakot yung mga estatuwang de makina na nakadisplay dito sa loob. Hindi ko alam kung bakit nagsisisigaw yung mga kasama namin. Naglakad na lang ako na parang wala lang sakin dahil nga hindi naman nakakatakot. Siguro makakalabas na lang ako dito ng walang bakas ng takot sa aking mukha.
Napatigil na lang ako sa paglalakad nang mapansin kong wala si Paul sa tabi ko kaya nilingon ko ang dinaanan namin. Napakunot noo naman ako dahil hindi sya nakikita ng mga mata ko.
"Paul?" Sambit ko habang binabaybay pabalik ang dinaanan namin.
"Paul?" Tawag ko ulit pero walang nagpapakitang Paul sa akin.
"Paul, hindi magandang biro." Sabi ko habang naguumpisa ng mamuo ang takot sa dibdib ko dahil ako na lang ang nandito sa loob.
Hindi ko na din naririnig ang mga sigawan ng mga nakasabay namin. Nabahala naman ako kase wala talaga si Paul. Madilim pati kaya di ko maaninag ang ibang parte ng haunted house na iyon.
"Bahala ka. Lalabas na ako." Sabi ko na lang saka naglakad na lang patungong labasan kaso hindi ko naman makita ang exit sign.
Napatigil na lang ako sa paglalakad nang mamatay ang sindi ng mga dim lights na nanduon. Nabahala naman ako dahil wala akong makita o ni maaninag. Nagumpisa na namang tumubo ang kaba sa dibdib ko.
"Hala!" Mahinang usal ko sa sarili.
Humigit ako ng isang malalim na hininga at inisip na baka nag-brown out lang. Nangapa na lang ako sa dilim kahit na wala akong makita. Hindi ko din makita kung nasaan ang liwanag ng exit.
Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng mga yabag ng paa sa di kalayuan. Napalunok naman ako ng malalaking butil ng laway ko. Narinig kong tumakbo iyon kaya tumakbo na din ako. Hindi ko man alam kung sino iyon pero kailangan kong makalabas agad dito.
Nagpupumiglas naman ako nang mahigit nya ang braso ko kaya agad na kinurot ko iyon ng madiin para mabitawan nya ako. Nakatakbo naman ulit ako at nagtago sa sulok na hinahabol ang hininga at pinipigilang hindi magawa ng ingay ang bawat paghinga ko.
Naaninag ko sya na huminto sa tapat ng tinataguan ko. Bigla naman akong nakaramdam ng inis kaya sinunggaban ko agad ito saka inundayan ng suntok sa mukha.
"Hindi mo ko matatakot." Matapang na sabi ko.
Bigla namang nagliwanag ulit kaya pagkakataon ko na para makita kung sino itong nilalang na nakalupasay sa sahig.
"P-Paul?" Gulantang kong sabi.
"Ang sakit nun ah." Nakangiti nyang sabi habang nakatingin sakin.
"Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo 'yon?"
"Trip ko lang,"
Tumayo na lang ako saka inalok ang kamay para alalayan sya makatayo.
"Sorry. Hindi ko sinasadya."
"Alam ko. Kasalanan ko din naman. Sarap mo kaseng asarin eh"
Lumabas na kami ng haunted house na iyon at duon ko lang napansin ang dugo sa gilid ng labi nya. Nakonsensya naman ako kase ako ang may dahilan kung bakit sya nagkaganun. Malay ko ba na sya pala yun.
Naupo na lang kami ulit sa bench na nandun at halos maggagabi na din. Napatingin naman ako sa gawi nya at sa labi nyang pumutok.
"Masakit ba pagkakasuntok ko sayo?"
"Angas nga eh"
"Umayos ka nga. Tinatanong ka eh"
"Honestly, medyo masakit." Asik nya.
"Hindi kita masasapak kung hindi mo ginawa 'yon. Nakokonsensya tuloy ako sa nagawa ko. Saan ka ba kase nagpunta?"
"Igo-good time sana kita kaso parang ako pa yata ang na-good time mo."
"May dugo ka sa labi mo,"
"Sino ba kase may gawa nyan? Pakisabi nga halikan nya kamo."
Naningkit naman ang mga mata ko sa pagkakasabi nya niyon.
"Biro lang. Tara kain na tayo. Nagugutom na ako eh."
"Wag mong sabihin libre mo na naman."
"Oo." Panatag nyang sabi.
"Hindi na. Ako na magbabayad sa kakainin ko."
"Wag na. Sinasabi ko sayo na hindi mo kakayanin,"
"Huh?"
"Mahal yung pagkain na kakainin mo,"
"Tingin mo hindi ko kayang bilhin,"
"Oo,"
"Talaga?"
"Kaya mo ba akong bayaran ng malaki para makain mo?"
"Loko!" Sabi ko sabay binatukan sya.
Napakamot naman sya sa parteng binatukan ko. Akala ko pa naman kung anong pagkain ang tinutukoy nya, iyon pala ay ang sarili nya.
Nagtungo na lang kami sa kakainan namin. Nung nandun na kami kumain na lang kami. Nagutom din ako dahil sa pagod na dinanas namin. Nang matapos kumain nagpahinga muna saglit at saka nagikot ikot baka may pwedeng bilhin na souvenir.
Bumili na lang kami at saka sumakay na ng bus pauwing maynila. Naupo ulit ako malapit sa bintana. Hindi ko namamalayan na nakakatulog na pala ako sa byahe.
Nagising na lang ako nang may sunod sunod na kumalabit sakin. Bumungad naman sa paningin ko ang mukha ni Paul. Napahikab na lang ako saka tumayo na at sumunod na sa kanya pababa.
"Umuwi ka na din." Sabi ko.
"Hindi. Hatid muna kita."
"Wag na."