CHAPTER SEVEN

2571 Words
Narinig ko na ang alarm ng cellphone ko pero hindi ko magawang patayin iyon habang tulalang nakatitig lang sa kisame, iniisip ang nangyare na kanina lang lumipas. Naguumpisa na namang pumatak ang mga luha sa mata ko at niyakap ang sarili. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman ko ang presensya ni James sa gilid ng kama ko at pinatay ang umaalingangaw sa ingay kong cellphone. "Gising ka na pala. Bat ayaw mo pang bumangon?" Mahinahon nyang sabi na para bang wala lang sa kanya yung nangyare. Hindi ko sya sinagot bagkus tinalikuran ko na lang sya at ibinaling ang paningin sa ibang bahagi ng silid. Masakit ang buong katawan ko dahil sa dinanas ko sa pananamantala nila sa kahinaan ko. Naiyak na naman ako nang maalala ko na naman ang ginawa nila sakin. Hindi ko pinakita sa kanya na umiiyak ako dahil ayaw kong magmukhang mahina pagkatapos ng nangyare. "Hindi ka ba papasok?" Tanong nya. "Wag mo kong kausapin," Walang gana kong sabi. "Kung iniisip mo yung nangyare satin kagabi, normal na lang 'yon sa panahon ngayon." Naramdaman ko ang pagupo nya sa gilid ng kama ko na nagpabahala sakin kaya mabilis na lumayo ako sa kanya. Ngumisi lang sya at binigyan ako ng nakakatakot na tingin. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya baka may kung ano na naman syang binabalak sakin. "I know you like what happen earlier. So, why bothered so much?" Mayabang nyang sabi. "Wala sa kagustuhan ko ang nangyare. Mga hayop kayo". "Oh! Come on, stop blaming yourself and don't deny the fact that you tasted each one of us for free." "Umalis ka na," Sabi ko habang pinipigilan ang sariling umiyak at sa nagbabadyang galit dito sa loob ko. Nilisan naman nya ako at hindi na kinulit pa pero bago sya umalis ay may sinabi pa sya. "Maghanda ka mamayang gabi, Cy." Sabi nya habang malademonyong nakatingin sakin. Duon na bumagsak ang mga luha ko pagkaalis nya. Bumangon na ako kahit na sobrang sakit ng buong katawan ko lalo na ang pang-upo ko. Nabigla naman ako sa natuyong dugo sa bedsheet ko na nagmula sakin. Hindi ko lubos maisip na made-devirginize ako sa unang pagkakataon at sa marahas na paraan ko pa naranasan. Naiiyak akong bumangon upang ibihis sakin ang mga damit kong inihagis lang sa sahig ni James bago nya, nila ako halayin. Halos hindi ako makapaglakad ng maayos dahil sa sakit na nararanasan ngayon ng lagusan ko. Nang makapagbihis ay binitbit ko na ang bedsheet na may bahid ng dugo saka dinala patungong banyo. Hindi ko na pinansin ang mga pagbati nila sakin nang umagang iyon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at minabuting labhan na ang parteng naduguan ko. Pakiramdam ko magkakasakit pa ako sa lagay ng pangangatawan ko. Nagtagal muna ako sandali sa banyo upang paglabas ko sana ay wala na sila. Lumabas na ako ng banyo at sa ikinabigla ko nang makita ko si Paul na nandito sa loob ng dorm. Bigla ko namang naalala ang sinabi ni James sakin tungkol sa gagawin nya kay Paul. Nabahala naman ako ngunit hindi ko pinahalata iyon. "A-Anong ginagawa mo dito?" May halong takot kong sabi. "Pinapasok ko na lang muna. Sabi ko kase kagigising mo lang baka mainip sya sa labas." Sabi ni James. Pinukulan ko sya ng masamag tingin na hindi naman nya iniwasan bagkus binigyan pa ako ng isang malaswang kindat. Mabilis naman akong lumapit kay Paul at inilayo sya sa gawi nila James. "Ano bang ginagawa mo dito, Paul?" Mariin at may inis na pabulong kong sabi sa kanya. "Ikaw? Anong ginagawa mo? Hindi ka pa nakabihis. Anong oras na?" Pagalit ding sabi nya sakin. "Sa susunod magsasabi ka kung pupunta ka." "Bakit ba? Ano bang problema? Hindi ka ba masaya na makita ako?" "Hindi sa lahat ng oras masaya ako," Inis na sabi ko saka tinalukaran na sya at bumalik sa kama ko. Gusto ko syang ilayo kila James ngayong alam ko kung anong kaya nyang gawin at kung ano ang binabalak nya tapos ngayon makikita ko sya na nandito malapit sa taong gustong manakit sa kanya. Wala man syang alam pero hindi ko hahayaan na malapatan ng kamay ni James ang balat ni paul. "Pumasok ka na,"! "Hindi ka papasok?" Mahina nyang sabi dahil ayaw rin siguro nya marinig nila na nagtatalo kami. "Umalis ka na," Inis na sabi ko dahil hindi ko alam kung saan ko ba ilulugar ang inis na nadarama ko. Ayaw kong mainis sa kanya dahil di naman nya kasalanan kung pumunta sya dito pero sa isiping mapapahamak sya dahil sa mga binitiwang salita ni James ay hindi na ako makakampante kaya ngayon palang kailangan na nyang umalis. "Aalis ako kung maliligo ka na at magbibihis para makapasok na tayo." Hindi ko alam kung bakit kami nagtatalo gayong magkaibigan lang naman kami pero wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi galit at takot. "Aalis na kami, Cy. Kumain ka na lang. Isabay mo na lang din yang kaklase mo." Sabi ni James. Umalis naman sila at napanatag naman ang kalooban ko. Agad ko namang niyakap ng ubod ng higpit si Paul dahil akala ko may mangyayare ng masama sa kanya gayong nandito sya. Hindi ko alam pero bigla na lang akong naiyak sa isiping hindi sya sinaktan nila James. "Sa susunod sa school na lang tayo maghintayan. Wag mo na akong sunduin." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko. "Teka, umiiyak ka ba?" Sabi nya at ikinalas ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko naman maikakaila sa kanya ang mga luha sa mata ko kaya hindi na ako nagsinungaling. Napatango na lang ako. "Oh! Bakit ka naman umiiyak?" May halong pagkayamot na sabi nya. "Wala. Nangungulila lang siguro ako sa mga magulang ko." Pagsisinungaling ko. Nakita kong lumambot naman ang anyo nya sa dahilan ko. Pinahid ko na lang ang mga luhang lumandas sa pisngi ko saka binigyan sya ng ngiti. "Kalalaking tao umiiyak," "Bakit ikaw hindi ka umiiyak?" "Hindi," "Sinungaling!" "Oo na. Maligo ka na at anong oras na." Pagpapaalala nya na may pasok pa kami ngayon. Ngunit wala akong gana dahil sa pagod at masakit ang katawan ko. "Hindi muna ako papasok. Ipaalam mo na lang muna ako sa mga prof natin." "Bakit hindi ka papasok? Anong idadahilan ko?". "Sabihin mo na hindi maganda ang pakiramdam ko na may sakit ako". Pagbibigay ko ng dahilan kahit na totoo naman. "Wala kang sakit. Hindi mo ko maloloko kaya bumangon ka na dyan." "Mayroon kung alam mo lang," Bulong ko sa isip ko. "Sige na pumasok ka na baka malate ka pa." Pagpupursigi ko sa kanya. "Hindi ka talaga papasok? Mamaya sa trabaho, hindi ka din papasok?" Napaisip naman ako sa sinabi nya. Hindi ko rin magagawang pumasok sa trabaho dahil sa masama talaga ang lagay ng pangangatawan ko ngayon. "Tatawag lang ako sa store para ipaalam na hindi ako papasok." Kukunin ko na sana ang cellphone ko na nakapatong sa drawer malapit sa kama ko ay agad naman nya iyong inagaw sakin. "Wala kang dapat itawag dahil sabay tayong papasok mamaya." "Akin na 'yang cellphone ko." "Papasok tayo mamaya. Huwag kang makulit, Cy." May paguutos nyang sabi. "Ikaw bahala pero ako, hindi ako papasok." "Ikaw, kung pumapasok ka na lang hindi yung nandito ka pa." Pagalit nya sakin. "Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko ngang hindi ako papasok diba?" Inis ko ng sabi dahil ayaw nyang makinig sakin at pinipilit pa ang kagustuhan nya na pumasok din ako. Napabuntong hininga sya at marahan na tumingin sa ibang direksyon. "Mukhang hindi na din kita mapipilit pa kaya hindi na lang din ako papasok." Sabi nya sabay binigyan ako ng nakakalokong ngiti. "Ano?" "Kailangan ko pa bang ulitin?" "Wag mong hintaying magalit ako sayo. Masama ang pakiramdam ko ngayon at wag mo ng dagdagan pa." "Ganun na ba ako kabigat para hindi ko isama sa mga iniisip mo? Besides hindi naman ako kailangang idagdag sa sama ng nararamdaman mo." Nakangiti nyang sabi na hindi man lang nabahidan ng pagaalinlangan sa inis kong hitsura. "Bahala ka sa buhay mo. Magpapahinga na ako. Kapag lumabas ka paki-lock na lang ng pinto." Sabi ko saka nahiga na lang at hindi na sya nilingon pa. Naramdaman ko naman ang pagalis nya at narinig ang pagpihit ng pinto at pagsara nun. Hindi na ako nagabala pang lingunin iyon dahil alam kong gagawin naman nya ang nais ko. Nakapikit na ako nun nang biglang may lumundag at mabilis na yumakap sakin. Napamulat naman ako at tiningnan kung sino iyon. "Paul?" Gulat kong sabi dahil akala ko umalis na sya. "I told you na hindi na din ako papasok." Nakangisi nyang sabi habang nakatitig sa mga mata kong nakatingin sa kanya. "Alam ko. Bakit nandito ka pa?" Inis na sabi ko saka kinalas ang kamay nyang nakayakap sakin ngunit mabilis nyang ipinulupot ulit iyon sa katawan ko. Napakunot noo naman ako sa inaakto nya ngayon. "Wala din naman akong gagawin sa bahay at malamang papagalitan lang ako ng parents ko kapag nakita nila akong umuwi. Kaya dito na lang ako sasamahan ka habang nagpapagaling ka." "Ewan ko sayo. Ang kulit mo." Pagsuko ko na lang dahil hindi ko na kaya pang makipagtalo pa sa kanya gayong pagod at kulang pa ako sa tulog. Napansin ko naman na masyado na syang madikit sakin at hindi ko na gusto dahil hindi magandang tignan iyon. "Kung pwede lang, wag mo nga akong yakapin." Mariin kong sabi habang marahan kong inaalis ang kamay nyang kanina pa nakapulupot sakin. "Pati ba naman pagyakap sayo, pinagdadamot mo na." "Hindi ako madamot. Hindi lang ako komportable at hindi bagay satin 'yang ginagawa mong pagyakap." "Wala namang malisya yung pagyakap ko unless na lang kung may ibang tumatakbo dyan sa isip mo." Nakakaloko nyang sabi. Agad na dumapo ang kamay ko sa ulo nya para batukan sya. "Aray!" Daing nya. "Ang dumi ng isip mo," "Bakit ba ang sungit mo?" "Hindi kase ako natutuwa na nandito ka," "Ang sakit naman nun," pag-arte nya na nasasaktan sa binitawan kong salita. "Nagka-cutting class ka kase sa ginagawa mo," "Ano naman? Hindi naman ikaw yung nag-cutting ah, ako." Napahinto naman ako sa sinabi nya. Oo nga naman sya naman nga kase itong nag-skip ng class pero bakit ako yung galit na galit. Natahimik naman ako at hindi na muli pang nagsalita. "Pwede bang ako naman yung magalit?" May halong inis na sabi nya. Nilingon ko naman sya at mababakas sa mukha nya ang pagkadisgusto at pagkainis. "Bakit ka naman magagalit?" "Hindi ko kase gusto na nagsusuot ka ng maikling short katulad na lang ng suot mong short ngayon." Nagusot naman ang noo ko sa sinabi nya. Ano naman sa kanya kung maikli yung suot kong short na sa tingin ko ay hindi naman maikli. "Ano namang problema sa suot ko at saka nasa loob lang naman ako ng dorm kaya walang problema kung magsuot ako ng ganito." "Kahit na. Mga lalake kaya yung kasama mo." "Bakit? Hindi ba ako lalake." "Hindi ka mukhang lalake kaya nga nainis ako kanina nang makita kitang lumabas ng banyo na ganyan ang suot mo." Hindi naman agad ako nakapagsalita sa sinabi nyang iyon na hindi ako mukhang lalake. "Anong ibig mong sabihin?" "Wala. Kalimutan mo na lang. Magpahinga ka na. May gamot ba kayo dito?" "Wala. Gulo mo." Sabi ko na lang saka hindi na sya pinansin pa. Lumipas ang ilang oras na hindi namin napapansin na magtatanghali na pala. Bumangon naman ako at napatingin sa gawi ni Paul na kasalukuyang natutulog. Napahinto naman ako at pinagmasdan muna sya. Natawa naman ako dahil ngayon ko lang sya natitigan ng matagal sa tagal na ng pagkakaibigan namin dahil hindi ko sya magawang titigan ng matagal baka kung anong isipin nya. Ngayon ko lang napansin na may angking kakisigan pala sya at hindi iyon maitatanggi ng matangos nyang ilong, manipis ngunit maitim na kilay. Nadako naman ang paningin ko sa mga labi nya. Mapula iyon at hindi iyon ganuon kalapad. Sakto lang at talagang bumabagay iyon sa gwapo nyang mukha. Sa tagal ko na ngang nakakasama ang kaibigan kong ito ay ngayon ko lang nalaman at nasaksihan ng sarili kong mga mata ang gwapo nyang mukha. Napailing na lang akong bigla nang mapansin kong napapatagal na ang ginagawa kong pagtitig sa kanya at sa isiping nagugwapuhan ako sa kanya. Hindi maaari ito. Tuluyan na akong bumangon ng higaan at nagtungo ng kusina para magluto ng tanghalian kahit na late lunch na. Hindi ko naman alam ang lulutuin dahil hindi ko naman alam kung anong klaseng pagkain ang kinakain nya sa bahay nila at baka kapag nagluto ako ay hindi nya kainin. "Bahala na," Sambit ko na lang saka nagluto na lang ng pwedeng kainin. Napansin ko naman sa mesa ang nilutong agahan ni James. Napangiwi naman ako dahil ayaw kong kainin iyon. Alam kong masasayang pero labag sa kalooban ko na kainin iyon lalo na't galing iyon sa mararahas nyang kamay. "Hmm! Bango naman ng niluluto mo." Narinig kong tinig ni Paul. Napalingon naman ako sa gawi nya. Binigyan naman nya ako ng masiglang ngiti bago sya tuluyang lumapit sakin. "Nakain ka ba nito?" Pagtatanong ko. "Bacon? Of course," Nakangiti nyang tugon. "Pasensya ka na. Hindi ko kase alam kung anong kinakain mo sa inyo kaya ito na lang niluto ko." "Hey, it's fine. Kahit ano pang lutuin mo kakainin ko. Pati nga ikaw pwede kong kainin." "Bibig mo," Puna ko sa kanya na wala na namang preno. "Nagbibiro lang. Gutom na ako." "Saglit lang 'to. Maupo ka na." "Sa susunod ako naman magluluto para sayo kapag nakapunta ka na sa bahay. Mas masarap pa sa niluluto mo at sayo." "Tss!" Usal ko na lang sa sinabi nya na para bang natikman na nya ako. Kahit papaano gumagaan naman ang pakiramdam ko dahil nandito si Paul. Siguro kung wala sya kanina pa ako umiiyak at walang balak na kumain. Nakakahiya naman kase sa kanya kung hindi ko sya papakainin. Kung hindi lang sya nagpumilit na manatili dito at samahan ako wala sana akong balak kumain. Ibababad ko lang siguro ang sarili ko sa pagiyak pero pasalamat na din ako dahil kahit papaano nalilimutan ko sandali ang problema ko. Problemang dinulot sakin nila James. Napapikit na lang ako nang maalala ko na naman ang nangyare kanina para pigilan ang nagbabadyang luha na gustong kumawala sa mga mata ko. Umupo na lang din ako pagkasalin ko ng niluluto sa plato. "Kain na," Aya ko. "Higa ka na," "Huh?" "Sabi mo kakainin na," "Hindi ako pagkain," Pinagsilbihan na lang namin ang mga sarili namin nang tahimik at walang kumikibo. Bigla ko namang naalala si Sir Regie na tatawagan ko pala ito at ipaalam na hindi ako makakapasok dahil masama pa rin ang pakiramdam ko. "Saan ka pupunta?" Puna ni Paul sakin ngunit mabilis na kinuha ko ang cellphone ko saka bumalik sa mesa. "Anong ginagawa mo?" Puna ulit nya sakin habang hawak hawak ko ang cellphone. "Tatawagan ko si sir," "Anong tatawagan? Hindi ba't sinabi ko na sabay tayong papasok." Naiinis na ako sa ginagawa nyang pagdodomina sakin. "Pinal na ang desisyon ko na hindi ako papasok," "Sige nga, anong gagawin mo dito maghapon?" Hindi ko agad nasagot ang tanong nya na iyon dahil napaisip din ako sa sinabi nya. Ano nga bang gagawin ko dito? Iiyak. "Sabay tayong papasok mamaya." Mariin nyang tinig. Hindi na lang ako nagsalita dahil alam kong hindi ako mananalo sa kanya kaya inilapag ko na lang sa mesa ang cellphone at kumain na lang ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD