CHAPTER EIGHT

2599 Words
Natapos naman kaming mananghalian habang sya ay bumalik na sa higaan ko at ako naman hinugasan ang mga pinagkainan namin. Napatingin naman ako sa pagkaing niluto ni James na hindi ko kinain dahil simula ngayon hindi na ako tatanggap pa ng kung ano sa kanila. Inabot ko iyon at binitbit. Nagtungo ako ng pinto para ipakain na lang sa mga galang pusa sa labas. "Saan ka pupunta?" Pigil sakin ni Paul. "Ano sa tingin mo? Sa labas malamang." Pilosopo kong sambit. "Bakit? Anong gagawin mo sa labas?" "Wag ka na ngang maraming tanong." Naiirita kong sabi sa mga tanong nya kaya mabilis na pinihit ko ang doorknob saka lumabas. Humuni naman ako para tawagin ang mga pusa at nagsilapitan naman ang mga iyon. Hinimay himay ko muna ang dalang pagkain at saka hinalo sa sinangag para hindi lang ulam ang kainin nila. Ibinuhos ko na lang sa sahig iyon at pinagmasdan sila. Halatang gutom na gutom ang mga ito. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa naisip ko na walang nagaalaga sa kanila dito sa napakalaking syudad. Kailangang mamuhay ng mag-isa. Pinagmasdan ko lang silang kumain habang pasimpleng hinihimas ang mga balahibo nila. May dumating naman na isang kuting at huli na sya ng dating dahil ubos na. Bigla naman akong naawa ng maghanap sya at napalapit sakin. Ang cute pa naman kaya hindi ako nakatiis. Bumalik ako sa loob para kumuha ng natirang pagkain namin ni Paul. "Ang tagal mo naman," "Pinakain ko pa kase yung mga pusa sa labas. Kawawa naman." Sabi ko saka nagsalin ulit ng kaunting kanin saka ulam at hinalo iyon para sa kuting na nahuli. "Ano na naman iyang ginagawa mo?" "Paul, pwede ba? Manahimik ka na lang dyan. Hayaan mo na lang ako dito, okay?" Naiinis kong sabi sa mga paninita at panenermon nya sakin. Lumabas naman ulit ako at napangiti na lang ako nang makita kong nanduon pa din ang kuting na naghihintay sa labas ng pinto. "Hinintay mo talaga ako ah. Wag ka magalala sayo lang 'to". Kausap ko sa kuting at saka naupo't pinakain na sya. Hindi naman sya agresibo bagkus napakalambing nya pa. Parang gusto ko tuloy syang ampunin. Tinitigan ko lang sya habang kumakain ng mahinahon. Hinimas ko ang balahibo nya at hindi naman sya pumalag. "Perky," Narinig kong tinig ng babae na parang may hinahanap. Napalingon naman ako sa gawi nito na mabilis ko din namang inalis. "Perky!" Nagaalalang tawag nya ulit. Nagtaka naman ako kung sino ang hinahanap nya. "Uhm! Excuse me, may nakita ka.....Perky! what are you eating over there?" Sabi ng babae saka mabilis na hinablot yung pusang pinapakain ko. So, Perky pala ang pangalan ng pusa. Hindi ko alam na may nagmamay-ari pala sa pusang iyon. "Anong pinakain mo sa kanya?" Masungit na turan nya sakin. Tumayo muna ako para sagutin sya. "Pinakain ko lang kase naawa ako," "Hindi mo kailangang maawa sa kanya. May sarili syang pagkain." "Nagugutom kase kaya pinakain ko," "Oh! Gosh, perky baka mamatay ka dahil sa kinain mo. Are you trying to poison my cat?" Sabi nya sa malakas na tinig. Napatikhim naman ako dahil sa akusasyon nya na nilalason ko ang pusa nya. "Hindi ko kayang gawin 'yon. At saka walang lason yung pinapakain ko sa kanya." "You don't have the right to do that. I can feed her by my own." Nainsulto naman ako sa sinabi nya. "Ako na nga itong nagmagandang loob na pakainin yung nagugutom mong pusa, ako pa itong masama." "Edi sana hindi mo hinahayaang makalabas 'yan ng bahay nyo para hindi malason." Galit kong sabil saka pumasok na sa loob at padabog na sinarahan sya ng pinto. Nagtungo na lang ako ng kusina para hugasahan ang platong hawak ko at mabanlawan na ang mamantika kong kamay. "Are you okay?" Tanong sakin ni Paul marahil napapansin nya na hindi maganda ang mood ko. Hindi ko na lang sya pinansin at nagtungo na lang ng banyo. Nabigla naman ako ng tumambad sya sa harapan ko pagkabukas ko ng pinto. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Magbabanyo ka din ba?" "Hindi. Gusto ko lang makasiguro kung okay ka lang," "Okay nga lang ako. Akala ko naman kung anong kailangan mo." Sabi ko saka nilampasan na lang sya at nagtungo ng higaan para makapagpahinga. "Sigurado ka?" "Paul, pinayagan na kitang manatili dito kaya kung pwede lang wag mo na akong kulitin sa mga tanong mo." Natahimik naman sya sa sinabi ko at tumabi na lang sakin na dismayado at hindi maipinta ang nakaguhit na ekspresyon sa mukha. Gusto ko lang din talaga magpahinga dahil sa dinanas ng katawan ko sa nagdaang gabi. Lumipas ang ilang oras at halos alas tres pa lang ng hapon ng mga oras na iyon. Naburyo naman ako dahil wala akong mapagtuunan ng atesyon. Nabaling naman ang paningin ko sa kasama na naglalaro ng kung ano sa cellphone nya. Nanuod na lang ako para di ako mainip. "Gusto mong subukan?" Tanong sakin ni Paul nang mapansin nyang nakatitig ako sa cellphone nya. "Hindi. Nood lang ako." "Okay," Pagsuko nya sa pangungulit sakin. Pinanood ko lang sya habang naglalaro ng kung ano mang laro na iyon sa cellphone nya. Hindi din naman ako nagtagal sa panunuod at mas lalo lang tumindi ang inip na nadarama ko. Napatinuod naman ako nang maalala ko ang oras. Hindi pwedeng abutan kami ni Jame na nandito. Baka lalong tumindi ang galit nun dito kay Paul. "Paul, tara labas tayo." Pang-aaya ko sa kanya kahit busy sya sa paglalaro. "Anong gagawin natin sa labas?" Sambit nya ng hindi ako nililingon. "Basta. Halika na." Pagpupumilit ko. "Wag ka nga. Tirik na tirik ang araw, lalabas ka." "Ano naman?" "Nakikita mo ba yan?" Pagtutukoy nya sa init ng tanghaling tapat sa bintana na nandun na makikita ang labas. Hindi naman sya nagkamali sa puntong iyon at talaga namang tirik na tirik ang araw. Ang sa akin lang naman ay mailayo ko sya dito sa lugar kung saan may taong galit sa kanya. Alam kong hindi totoo ang pakikitungo ni James kanina kay Paul at ramdam ko iyon sa mga tingin palang nya. Napakamot naman ako sa anit ko dahil hindi ko alam kung ano pang pwede kong gawin para lang makaalis na sya dito. Hindi naman sa ayaw ko na nandito sya pero iba na kase ang pakiramdam ko ngayong alam ko ang balak ni James. "Ang init init sa labas. Gagala ka." "Nabuburyo lang kase ako dito." "Pinapapasok ka kase kanina ayaw mo tapos pinapahiram kita ng cellphone ko ayaw mo din. Paanong hindi ka mabuburyo dito?" Panunumbat nyang sabi. Natahimik naman ako sa sinabi nya. Napabuntong hininga na lang ako at piniling ilapat na lang muli ang sarili sa kama ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para ayain ang sarili na matulog dahil wala naman akong magawa. "Sorry, Cy." Narinig kong tinig ni Paul. Nagmulat naman ako ng mata at tumama naman iyon diretso sa mata nya. "Para saan naman?" Kalmado kong sabi. "Pakiramdam ko kase masyado na akong lumalampas sa limitasyon ko. Masyado kitang sinisita at pinagbabawalan." "Anong sinasabi mo?" Wika ko dahil hindi ko maintindihan kung anong isinasatinig nya. "Pasensya ka na talaga," "Hindi kita maintindihan," Naguguluhan kong sabi. "Tulog ka na lang ulit." Sabi nya habang nakasilay ang isang ngiti sa labi. "Okay lang ba sayo na hubadin ko yung uniform ko?". Pagpapaalam nya. Tumango naman ako bilang pagsangayon ko. Hindi ko naman binigyan ng malisya iyon. Inilapag nya ang cellphone nya at inumpisahan ng tanggalin ang pagkakabutones ng polo nya. Inabot ko muna ang cellphone nya para subukang laruin iyon dahil naku-curios din ako. Hindi pa naman kase ako nakakahawak ng ganitong klase ng cellphone. "Hindi ganyan. Itong sa kaliwang pindutan para 'yan gumalaw ka tapos itong nasa kana naman yung tatlong skills ng hero na gamit mo pati na din ang basic attack nya." Sabi nya habang inaalalayan ang dalawa kong kamay. Nakaakbay ang kaliwang kamay nya sakin habang nakahawak sa mga kamay ko. Napatingin naman ako sa gawi nya at nanlaki naman ang mata ko nang makita kong wala syang pangitaas. Agad na inilayo ko ang paningin duon. "Bakit ka naghubad ng damit mo?" Naiilang kong sabi habang nakatingin sa cp nya na hindi ko na nilalaro habang patuloy pa din sya sa pagalalay sa kamay ko. "Akala ko ba okay lang sayo? Nagpaalam ako ah." "Oo, nagpaalam ka pero hindi ko naman sinabi na maghubad ka," "Hindi ka ba komportable na nakahubad ako?" Binitawan ko na ang cellphone nya at tumingin sa mukha nya. "Akala ko kase polo lang yung huhubarin mo," "Wala namang malisya diba? Tutal pareho naman tayong lalaki." Sabi nya na nagpabalik sa wisyo ko. Wala nga namang malisya iyon. Baka kapag nagpatuloy akong mag-inarte baka maghinala na sya at tanungin ako kung bakit. "Wala naman," Sabi ko na lang saka inalis na ang pagkakaakbay nya sakin saka isinauli na sa kanya ang cellphone. Nahiga na lang ako at naguguluhang ipinikit ko na lang ang mga mata. Pinakalma ang sariling pag-iisip dahil pagod na din ako kakaisip mula pa kanina. Hindi ko namamalayan na nakakatulog na pala ako. **** Cypress POV Naalimpungatan naman ako sa malakas at maingay na ringtone ng cellphone ko sa tabi ko. Kinapa ko iyon at pinatay kahit nakapikit pa. Nakaramdam naman ako ng mabigat na bagay na nakayakap sakin habang nakatalikod ako duon. Hindi ko na lang inisip at natulog na lang ulit. Wala pang limang minuto ng mag-ring na naman ang cellphone ko. Hindi ko naman maintindihan kung bakit ang ingay ingay niyon. Iminulat ko ang mga mata at nagulat na lang ako sa oras na nakikita ko duon. Babangon na sana ako nang may mabigat na nakadagan sakin. Nakita ko naman ang kamay ni Paul na nakayakap sakin habang ang mga binti ay nakayakap na din sa mga hita ko. "Paul, gising na." Pangigising ko kay rito ngunit hindi sya gumising. Kinalas ko na lang ang mga bisig nyang nakayakap sakin para makabangon na ngunit hindi pa ako nakakabangon nang higitin nya ulit ako pahiga sa kama at sabah niyakap ng mahigpit. "Ano ba paul? Anong oras na?" Inis kong sabi marahil dahil sa oras na nakita ko kanina. Napatigil na lang ako nang makaramdam ako ng presensya ng tao na nakatayo sa gilid ng kama ko. Nilingon ko naman iyon at nakita ko si James duon. Napatingin ako sa mukha nya at bakas duon ang sobrang galit. "Enjoying?" Iritado nyang sabi dahil na din siguro sa nakikita nyang posisyon namin. Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga at tuluyan ng bumangon. Bigla namang dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Nakita ko na nandun na din yung apat at napatingin sila sakin sa biglang pagbangon ko. Nagawi naman ang tingin ko kay Paul na tulog na tulog pa din at walang pangitaas. Nabahala naman ako baka kung anong isipin nila at baka lalong tumindi ang galit ni James kay Paul. Natataranta naman akong ginising si paul na ayaw magpagising. "Paul!" Mahinang singhal ko sa kanya habang tinatapik sya. "Inaantok pa ako, babe." Sabi nya na lalong nagbigay sakin ng matinding kaba. Nilingon ko naman si James na nakatayo pa din sa gilid ng kama ko at bakas din sa mukha nya ang pagkabigla at pagkainis sa ibang tinawag sakin ni Paul. "Mukhang pagod na pagod 'yan ah. Anong ginawa nyo?" Inis nyang sabi na hindi ko na lang sinagot. "Paul, nandito na sila James. Bumangon ka na dyan." Pabulong kong sabi. Nagmulat naman sya ng mata at nang mapagtanto nya na totoo ang sinabi ko ay agad din syang bumangon. "Paul, right?" Pagtatama ni James habang nakatingin kay Paul. Pinagmasdan ko lang si James dahil baka kung anong gawin nya kay Paul ngayong nakita nyang hindi ito pumasok at ganun din ako. "Opo," "Bakit hindi kayo pumasok?" Nagkatinginan naman kaming dalawa. Nasampal ko na lang ang sariling utak sa katangahan na ginagaw ko na lalong magbibigay ng daan kay James para saktan si Paul. "Magbihis ka na, Paul. Ako ng bahalang magpaliwanag kay James." Utos ko kay Paul na sinunod naman nya. Tumayo na ito at nilapitan ang bag saka kumuha ng isang puting shirt. Nagtungo ng banyo na sinundan naman ng tingin ni James. "At talagang hindi ka pa nakuntento saming lima, Cy!" "Wala kaming ginagawa ni Paul na katulad dyan sa iniisip mo." "Hindi ako tanga para hindi isiping walang nangyare sa inyo buong araw na magkasama lang kayo dito at nakahubad pa sya." "Bahala ka kung anong gusto mong isipin." Sabi ko saka tumayo at nagtungo ng cabinet para makapaghanda na din. Nabigla naman ako nang higitin nya ako at mahigpit na hinawakan sa braso. Sa sobrang diin nun ay hindi ko maiwasang hindi masaktan. Napangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak nya na dulot ng galit nya. "Nasasaktan ako, James." Asik ko. "Tandaan mo ito, Cy. Simula ngayon sa akin ka lang. Walang ibang pwedeng gumamit sayo maliban lang saming lima." Napatigil naman ako at napatingin sa kanya. "Palalampasin ko ito at sa susunod ayaw ko ng makita pa 'yang Paul na sinusundo ka dito dahil hindi ko na pipigilan ang sarili ko na saktan 'yang kupal mong kaibigan." Niluwa naman si Paul ng banyo at tapos ng magbihis. Agad na binitiwan ako ni James. Pinigilan ko naman ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Kumuha na lang ako ng damit saka nagaalangang tinungo ang banyo dahil baka kung ano ang gawin nila kay Paul. Binilisan ko na lang ang pagligo para kung sakaling may gawin sila kay Paul ay masasalo ko at mapipigilan ko sila. Hindi naman ako nagtagal sa loob ng banyo at lumabas na lang din. Hinanap agad ng paningin ko si Paul na kasalukuyang nakaupo sa hapag para sabayan sila James. Sinaluhan ko na din sila at tumabi na lang kay Paul. Nagsalin na lang ako ng pagkain sa plato ko. Hindi ko na masyadong dinamihan dahil hindi naman ako gutom at ang tanging gusto ko lang ay mabantayan ko siya habang nandito pa kami. "Ang konti mo naman kumain." Pabulong na sabi sakin ni Paul. "Huh?" Wala sa wisyong nasambit ko. "Ito. Damihan mo yung kain mo para di ka mapagod agad sa trabaho mamaya." Sabi nya habang sinasalinan ako ng pagkain sa pinggan ko. Napatingin naman ako sa gawi ni James at pati na din sa apat na nagulat sa ginawa ni Paul. Nakita kong nagtangis ang panga ni James kaya agad na inagaw ko kay Paul yung bowl na may lamang kanin. "Ako na," Matipid kong sabi na hinayaan naman nya. "Nag-aalala na ako sayo, Cy. Sa trabaho hindi ka din kumakain. Tingnan mo katawan mo, ang payat payat mo." "Wag mo na akong intindihin. Kumain ka na lang dyan." Pagpapatigil ko sa kanya. Tumingin ako saglit sa gawi ni James at bakas na sa mukha nya ang matinding galit dulot sa ginagawa at sinasabi ni Paul sakin. Agad na nagiwas ako ng tingin. Hindi naman nagtagal ang pagkain at natapos din. Hindi na ako nagpaalam pa sa kanila na aalis ngunit si Paul na ang gumawa at nagpaalam sa mga ito. "Gusto ko pa sana silang makausap kaso wala ng oras." Nakangiting sabi ni Paul. Hindi na lang ako umimik at nanahimik na lang dahil gusto ko munang iwaglit sa isip ko ang hitsura ni James kanina pati na din ang ginawa nila sakin kagabi. "Ayos ka lang?" Tanong sakin ni Paul habang nasa jeep kami. Napansin nya siguro dahil sa sobrang pananahimik ko. "Ah! Oo". "Sure ka? Kanina ka pa kase tahimik mula nung umalis tayo ng dorm nyo." Tumango na lang ako para hindi na sya mangulit pa tungkol sa pananahimik ko. Nakarating din naman kami sa pinapasukan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD