Naglalakad na kami ngayon sa gilid ng kalsada dahil nakiusap sya na wag muna kaming umuwi kahit na pasado ala una na ng madaling araw. Gusto ko din naman dahil ayaw ko pa din namang umuwi.
"Paul, tungkol pala sa pinagusapan natin kanina sa dorm,"
"Alin dun?"
"Na sa school mo na lang ako hintayin."
"Ano ka ba? Kung iniisip mo na naghihintay ako ng matagal sayo. Ayos lang sakin 'yon. Gusto ko din naman 'yon kase alam mo ba true love waits." Sabay pilyong ngumiti.
"Seryoso ako. Wag mo kong binibiro."
"Seryoso na ka na nyan sa tingin mo?" Natatawa nyang sabi.
"Hindi nakakatuwa."
"Wag ka masyadong seryoso sa buhay. Bahala ka tatanda ka na lang malungkot ng hindi mo namamalayan."
"May oras kase sa pagsisiya at pagseseryoso."
"Tama ka naman dyan. Siguro oras na din para makipagseryosohan ako sayo." Sabi nya habang nginingitian ako ng nakakaloko.
"Oh! Sya, sige umuwi na lang tayo."
"Uy! Teka, wag muna."
"Anong wag muna? Anong oras na? May pasok pa tayo bukas." Sermon ko sa kanya.
"Alam ko naman 'yon pero kase hindi pa ako inaantok at saka wala pa akong ganang umuwi ng bahay."
"Kung ikaw hindi, paano naman ako?"
Magsasalita na sana sya ng biglang nag-ring ang cellphone nya. Hinugot naman nya iyon sa loob ng kanyang bulsa. Hindi ko na lang pinansin at naglakad na lang habang kasabay nya.
"Hello, mom."
"I'm on my way home, mom."
"Nandito ako ngayon sa bahay ng kaklase ko. Kakatapos lang namin gumawa ng presentation para bukas." Napatigil naman ako sa paglalakd nang marinig ko iyon mula sa kanya.
Nagtataka kung bakit nasabi nya iyon sa mama nya at talagang nagsinungaling pa sya. Napatingin naman ako sa gawi nya nang mapagtanto ko na hindi alam ng magulang nya na nagtatrabaho sya.
Binaba naman nya iyon nang matapos ang tawag saka pilyong nginitian ako.
"Hindi alam ng mga magulang mo na nagtatrabaho ka?" Tanong ko agad sa kanya.
"Hindi na nila kailangan malaman."
"Pero bakit kailangan mong magsinungaling sa kanila? Sa tingin ko naga-aalala na 'yon sayo kung bakit hindi ka pa umuuwi kase hindi naman ito yung tamang oras na uwi ng isang estudyante."
"Uuwi din naman ako. Hindi naman ako babae para hindi makauwi mag-isa."
"Okay, sabi mo eh." Nasabi ko na lang dahil pagod na din ako.
Napagpasyihan namin na umuwi na lang kaya naghintay na lang kami ng jeep na pwede naming sakyan pauwi.
"Sige na, mauna ka na." Sabi ni Paul.
Sumakay na lang ako ng jeep dahil magkaiba naman ang landas namin pauwi. Hindi pa man ako nakakarating sa dorm ngunit naguumpisa ng dumagundong ang dibdib ko dahil sa isiping baka mangyare na naman ang nangyare kagabi.
Hindi naman nagtagal ang byahe at nakarating din naman ako. Nagaalinlangan tuloy ako kung papasok pa ba ako gayong ayaw ko ng bumalik sa loob nun dahil sa masamang alaalang naranasan ko dun.
"Kanina pa kita hinihintay," Narinig kong tinig ni James kaya agad na napatingin ako sa gawi nito na nakatayo sa baba ng hagdan.
Nabato naman ako sa aking kinatatayuan. Iniisip kung tutuloy pa ako o hindi na. Naglilikot ang mga mata ko kung tatakbo na lang ba ako para makatakas.
"Wag mo ng balaking takasan ako. Hindi mangyayare iyang iniisip mo pero yung iniisip ko hindi mo pwedeng takasan."
"J-James," May halong takot kong sabi.
"Alam mo, let's make a deal here. The choices is only between yes or yes." Sabi nya habang lumalapit sa kinatatayuan ko.
Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko sa mga oras na iyon na para bang dinadaganan ako ng isang malaking bato sa nararamdaman ko.
"Hindi ko sasaktan yung kaibigan mo kung magiging s*x slave kita pero kung ayaw mo, ibig sabihin nun wala kang pakialam kay Paul." Sabi nya pagkatapos ay idinampi saglit ang labi nya sa labi ko.
Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko. It leaves me no choice.
"So, would it be a yes or yes?"
"James, parang awa mo na wag mo gawin sakin 'to." Humihikbi kong sabi dahil hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko at sa mga sinasabi nya.
"Tara na sa taas. Naghihintay na sila sayo." Sabi nya saka iginiya na ako paakyat.
Wala akong magawa kahit gusto kong tumutol kaya hindi ko na napigilan ang sarili sa pag-iyak dahil sa gingawa nya sakin ngayon. Hindi ko lubos maisip na hahantong ako sa ganito. Ganito ba talaga buhay sa maynila. Kung alam ko lang, sana hindi na ako tumuloy.
"And one thing I want to make sure, walang ibang makakaalam nito miski si Paul. Wag mo na din pagaksayahan ng oras kung sakaling magsumbong ka." Pagbabanta nya.