Maaga akong pumasok kinabukasan. Hindi na hinintay pa si Paul sa napagusapan naming hintayan dahil pakiramdam ko gumagala ang isip ko. Iniisip ang mga nangyare kagabi. Kagabing pinagsamantalahan na naman ako nila James.
Naupo na lang agad ako pagkarating ko ng room. Nakatulalang nakatingin sa kawalan. Hindi iniinda ang ingay ng paligid dahil sa mga oras na iyon sinasakop ang isip ko ng mga nangyare kagabi. Unti unti ng lumalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang humaharang sa daanan ng paningin ko.
"Cy," Narinig kong tinig ni Paul na papalapit sakin.
Agad ko namang pinunasan ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko at saka masiglang binigyan sya ng ngiti.
"Nandito ka na pala," Sabi nya pagkaupo sa tabi ko.
"Oo, pasensya ka na kung hindi na ko naghintay,"
"Okay lang. Hindi ko naman masyadong dinamdam,"
"Bakit kase kailangan pa nating maghintayan kung pwede namang dumiretso na lang dito sa room?"
"Eh? Ayaw mo ba?"
"Hindi naman pero ayaw ko lang kase na may naghihintay sakin. Pakiramdam ko masyado naman akong importante na sa tingin ko hindi naman."
"Ano? Bakit mo naman naisip 'yan? Tingin mo ba sa sarili mo hindi ka importante."
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nya. Napaisip kung importante ba ako gayong may tinatago ako sa kanyang lihim na ayaw kong malaman nya.
"Cy, hindi mo kailangang mag-alala. Hindi naman ako nagrereklamo kung matagal akong naghihintay. Stop making that kind of face expression. Hindi bagay sa maganda mong mukha." He was saying that in a sincere voice while staring straight into my face.
Naluha naman ako bigla sa sinabi nya. Umiiyak ako kase hindi na dapat ako lumalapit sa kanya dahil may isang bagay na ako mismo maglalagay sa kanya sa kapahamakan. Hindi nya deserve ang masaktan gayong sya lang yung kaisa isang taong nagbibigay sakin ng lakas ng loob na tumagal dito sa maynila at kahit na dala ko pa ang pangako ko sa mga magulang ko, hindi ko pa din maiwasang hindi panghinaan ng loob sa kadahilanang nangyayare sakin ngayon.
"Kakasabi ko lang tapos ngayon umiiyak ka na. May nasabi ba akong masama?" May pag-aalala nyang sabi.
Walang ano pa man ay mabilis ko syang binigyan ng mahigpit na yakap. Yung yakap na gusto kong ibigay sa kanya na sana ay magpo-protekta sa kanya. Kahit anong mangyare hindi ko lalayuan si Paul ng dahil lang sa pagbabanta nila. Kung gawin ko man, ibig lang sabihin nun ay duwag ako. Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya para ilayo ang sarili ko sa mga negatibong naiisip ko.
"Wala kang nasabing masama. Masaya lang ako kase kahit ganito akong kaibigan sayo nagtyatyaga ka pa din."
"Ah! Yon ba. Wala 'yon. Hindi naman ako madamot sa pagiging kaibigan ko sayo." Masayang sabi nya habang hinihimas ang likod ko.
"Wag ka ng umiyak,"
"Magsyota ba kayo?" Sarkastikong tanong ng isa naming kaklase.
Agad na napabitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Nawala sa isip ko na nasa silid na pala ako. I was just carried away.
"A-Ah! H-Hindi," Mariing sabi ko na lang habang palihim na pinupunasan ang luha ko.
"Bakit magkayakap kayo? Tapos umiiyak ka pa? May pinag-awayan ba kayo?" Intriga naman ng isa ko pang kaklase.
"Hindi naman masama kung yakapin nya ako at umiyak sa harapan ko. Magkaibigan naman kami. We're just hearing ourselves out."
"Ganun na ba dapat talaga 'yon? Kailangan ba umabot sa point na ang dalawang lalake nagyayakapan sa harap ng maraming tao."
Napayuko na lang ako. Lagi na lang akong nagdadala ng problema kay Paul. Hindi na lang ako nagsalita.
"Hindi ko kailangan magpaliwanag sa mga sarado ang utak pagdating mga ganitong bagay." Napapitlag naman ako sa narinig ko mula sa kanya.
Napaisip naman ako sa sinabi nya. Maari syang pag-isipan ng masama ng mga kaklase ko at isiping kabilang sya sa mga katulad ko. Dapat pa ba akong lumapit kay Paul ganitong napupuna na ng ibang tao ang ginagawa nyang pagtrato sakin. Para siguro sakin walang kahulugan iyon pero sa ibang tao nag-iiba na ang tingin nila samin.
Ako siguro ang dapat na dumistansya sa mga bagay na maglalagay samin sa sitwasyon na mapapansin kami ng ibang tao gayong magkaibigan lang naman kami.
"Bakla ka ba, Cy?"
"TAMA NA!" Pasigaw na sabi nya sa mga kaklase naming ito na umagaw ng atensyon sa mga taong nanduon din.
Pagtapos umalingawngaw ang bulungan sa loob ng silid na iyon. Napayuko na lang ako sa nangyayare samin ngayon.
"Ayos ka lang ba, Cy?"
Humigit ako ng hangin at humarap sa kanya.
"Ayos lang ako. Pasensya ka na. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Napasama ka pa tuloy".
"Bakit ka nagsosorry?"
"Kase gumawa ako ng bagay na hindi ko naman dapat ginagawa."
"Hindi mo kailangan humingi ng sorry. They deserve to feel sorry more than you. I did not see anything wrong about it."
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko dahil binabalot ng pag-aalala ang puso ko para sa kanya at kasabay nun ang kasiyahan dahil nandyan sya para isalba ako.
Patuloy parin ang bulungan at hindi ko alam kung kami parin ba ang pinaguusapan. Gayunpaman hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng sorry para sa sarili ko at sa ginawa ko.
"What is happening? Why the murmur is all around?" Narinig kong sabi ng prof na kararating lang.
Napalitan naman kaagad ng katahimikan ang maingay na bulungan ng mga kaklase ko.
"Wag mo na lang silang pansinin,"
At sa oras ding iyon, dapat parehas kaming umakto ng tama. Hindi kami dapat masyadong malapit sa isa't isa para ng sa ganun hindi kami pag-isipan ng masama ng ibang tao.
Dumating ang oras ng uwian nang hindi ko napapansin na kung kanina kumain lang kami ng lunch tapos ngayon uwian na.
"Tara, hatid na kita."
"Hindi talaga ako naniniwalang walang namamagitan sa inyong dalawa." Narinig kong sabi na naman ng kaklase kong sya din nagpaumpisa kanina sa usaping ito.
"Hindi na namin problema iyon. Kung maniwala ka man o hindi labas na kami dun. Tara na, Cy." Sabi ni Paul saka iginiya na lang ako palabas ng silid na iyon.
Napasunod na lang ako sa kanya habang hawak hawak ang kamay ko. Hindi ko dapat hinahayaang hawakan nya ang kamay ko katulad na lang nito. Masyado kaming pansinin sa hitsura namin ngayon. Nagmamadaling maglakad habang magkahawak ang mga kamay. Hindi ko alam kung pinagtitinginan na ba kami dahil sa inaakto namin. Napatigil naman ako sa pag-iisip at huminto. Napahinto din si Paul at tumingin sa gawi ko.
"Bakit? May problema ba?"
"Wala naman. Hindi mo naman siguro kailangang hawakan yung kamay ko, Paul."
"Why? Is it because of what they are going to say?"
"Hindi. Mukhang tama naman sila."
"Tama saan? Hindi ko mahanap ang salitang tama sa mga pinagsasabi nila tungkol sayo."
"Hindi naman siguro natin kailangan maging malapit sa isa't isa."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ibig kong sabihin, pwede naman siguro tayong umakto na parang normal na magkaibigan lang. Siguro kaya napagiisipan tayo ng hindi maganda ay dahil sa pagiging malapit natin sa isa't isa katulad na lang nito."
"So, you are agreeing with them?"
"Oo,"
"Pagkatapos kitang ipagtanggol sa kanila tapos ayan pa maririnig ko sayo."
"Hindi ko naman sinabi na ipagtanggol mo ko."
"That's true. You didn't say it. I just happen to have care for you because I feel of being lonely like what you felt and I'm not that stupid to not notice it."
Nabigla naman ako sa mga sinabi nya. Kaya nya ba ginagawa iyon dahil ang tingin nya sakin mag-isa lang ako? Mag-isa nga lang ba ako? Oo, mag-isa lang ako dito sa maynila. Walang kamag-anak o kakilala man lang. Siguro ipagpasalamat ko na lang na nadyan sya para iparamdam sakin na hindi ako nagiisa.
"P-Paul," Tanging nasambit na lang ng bibig ko.
Gusto kong pigilan ang sarili ko sa nagbabadyang pagyakap ko sa kanya pero hindi ko nagawang pigilan. Naiiyak na napayakap ako sa kanya. Ito ang kailangan ko ngayon dahil hindi ko na nakikilala ang sarili ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ko magawang ilabas lahat ng hinanakit ko ngayon dahil natatakot akong malaman ng iba at natatakot ako para kay Paul.
Hindi ko na din napigilan ang sarili sa pag-iyak para ng sa ganuong paraan ay mabawasan ang mga dinaramdam ko. Ayaw ko ding magsabi sa pamilya ko dahil ayaw kong mag-alala sila. Nasaan na ba yung Cypress na kilala kong matapang? Hindi ko na alam kung nasaan. Nawala na sya simula nung araw na mangyare ang pananamantala sakin nila James at hanggang ngayon hindi pa din sya bumabalik sakin.
"Were you really both in a matter stage of dating?" Napasinghap naman ako sa narinig ko.
Agad na bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Paul at hinahanap ang tinig na iyon. Napansin ko ang pagpipigil ni Paul para sa kaklase namin na talagang sinundan pa kami para tanungin lang ng ganung bagay.
"What if kung sabihin ko sayong nagde-date nga kami? Does it bother you? Is it part of your business? I think it is out of your concern. Isn't it?"
Agad na hinila naman ako ni Paul paalis sa lugar na iyon at hindi na hinayaan na mapakinggan pa ang pagsasalita ng kaklase namin. Bigla ko namang naalala yung sinagot nya sa tanong ng kaklase namin.
"Paul,"
"Kung nag-aalala ka tungkol sa sinabi ko. You should better not. Sinabi ko lang 'yon para tigilan na nya tayo."
"Pero mas lalo lang lalaki yung issue sa ginawa."
"If it bothers you then let's show it to them. Nasabi ko na din bakit hindi ko na lang totohanin para mawala na iyang pag-aalala mo sakin."
Nagulat naman ako sa sinabi nya. Napabuntong hininga na lang ako. Nasabi lang naman nya iyon dahil gusto nya lang akong ilayo sa mga taong makakasakit sakin kahit na sa totoo ay pwede din syang masaktan.
"Okay na ako. Pasensya ka na kung masyado akong mahina para protektahan ang sarili ko."
"What are you talking about?"
"Wag ka na magalit. Simula ngayon hindi ko na pakikinggan ang mga sasabihin nila katulad na lang ng gusto mong gawin ko. Salamat sa pag-aalala mo sakin." Masayang sambit ko sa kabila na pwedeng maging dalawa ang kahulugan ng sinabi ko.
"Wag mo sanang isipin na minasama ko yung sinabi mo. It's just makes me realize that I have a good friend like you at ang mga katulad mo ay hindi dapat binabalewala."
"Ikaw din. Isa kang mabuting kaibigan. Salamat din kase nagkakilala tayo."
Masaya na lang kaming naglakad patungo sa dorm ko kahit na may mabigat na sitwasyon ang dumagan samin ngunit nagawa pa din naming lampasan iyon ng may ngiti sa labi. Salamat kay Paul dahil nagiging positibo ang pag-iisp ko sa mga oras na nawawala ako sa sarili. Salamat na din sa pamilya ko kahit na wala sila dito pinapadama pa din nila sakin ang pagmamahal nila at pagpapadama na nandyan lang sila parati para sakin.