CHAPTER THIRTEEN

4201 Words
Nandito na ako ngayon sa hintayan namin ni Paul. Hinintay ko na lang sya dahil nagsabi sya sakin na may bibilhin lang daw sya. Hindi naman ako nag-alala dahil maaga pa naman. "Sino hinihintay mo dito, Cy?" Napatingin naman ako sa nagsalita. "Ikaw lang pala, Lexus." Sabi ko nang lingunin ko ang kaklase kasama ang mga kaibigan. "Mamaya pala yung group session natin. Wag mo kakalimutan." Pagpapaalala sakin ni Lexus. Kagrupo ko pala sila sa group session namin sa isang subject. Hindi na ako nakaangal pa nang isama nila ako sa grupo nila. Hindi naman sa ayaw ko, nabigla lang ako kase ang buong akala ko hindi ako belong sa section namin dahil sa sobrang tahimik ko. Idagdag pa ang salamin na nasa mata ko. Napangiti naman ako dahil mali ang nakatatak sa isipan kong hindi ako kabilang sa section namin. "Oo, hindi ko kakalimutan". Nakangiting sambit ko na lang bago sila tuluyang umalis. "Cy," Narinig ko namang tawag ni Paul sa pangalan ko. Hinagilap naman sya agad ng apat kong mata. Napangiti naman ako sa tumatakbong Paul palapit sa kinatatayuan ko. "Oh! Para sayo." Pagaabot nya sakin ng binili nya na kung ano. "Ano 'to?" Sabi ko habang sinisipat ang hawak kong bote. "Soya. Maganda 'yang agahan sa umaga para hindi ka sikmurain." "Salamat," Sabi ko na lang. "Tara na," Pang-aaya nya sakin na magtungo na ng silid. "Bakit mo pala kausap sila Lexus?" Biglang tanong ni Paul na nagpalingon sakin. "Don't get me wrong. Tinatanong ko lang naman pero kung ayaw mong sagutin okay lang." Sabi nya na para bang may nasabi syang mali. "Ayos ka lang? Parang iba naman ako sayo nyan. Sinabihan lang nila ako tungkol sa group session namin mamayang uwian." "Tutuloy ka?" "Oo," Diretso kong sagot. "Sigurado ka na ba sa grupo nila?" "Ang totoo nga nyan hindi ko din alam," "Bakit sumama ka sa kanila?" "Hindi ko din alam pero siguro maganda na din 'yon para makilala ko din sila. Simula kase ng mag-aral ako dito hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap ni isa man lang sa mga kaklase natin. Tanging ikaw lang ang namumukod tangi." "Well, I think I am special. That is why." "Loko! Sadyang makapal lang talaga mukha mo at feeling close nung araw na yun." "Eh?" May pagkadismaya nyang sabi. "Biro lang," Masayang sambit ko saka ginulo ang buhok nya. Binuksan ko na lang ang hawak na boteng hawak at ininom iyon. Nakarating din naman kami sa silid namin at naupo na lang sa kanya kanya naming upuan. "Cy," Masayang sambit ni Vanessa sa pangalan ko pagkaupo ko sa tabi nya. "Bakit?" Masaya ko ring tugon. "Pansin ko lang na araw araw na kayong sabay pumasok at umuwi ni Paul. May something ba talaga sa inyong dalawa?" "Samin? Wala ah. Magkaibigan lang kami. At saka kaya kami sabay umuuwi kase sabay din kaming papasok sa part time namin." Pagpapaliwang ko. "Ah! Buti ka pa. So, walang kayo?" "Wala," Naiilang na sagot ko sa kanya. "Paanong magkakaroon ng kami? Parehas kaming lalaki." Mariin kong pagtanggi. "We all know that there is something on you kaya hindi mo maiaalis sa akin ang hindi ka pagdudahan." Hindi ko naman aakalain na ayun ang itatanong nya sa akin. Nakakabigla din para saming dalawa na hindi naman masyadong close o sadyang ayaw ko lang makihalubilo dahil natatakot din akong ma-reject pero habang nakatingin ako sa kanya, wala namang masama kung makikipagkaibigan ako sa kanya at saka matagal na din naman kaming seatmate kaya walang problema. "Kung ganun, may chance pala na maging kami. Pwede mo ba akong ilakad sa kanya?" Kinikilig nyang sabi. "Ah! Eh! Hindi ko alam eh. Itatanong ko muna kung ayos lang sa kanya." Natataranta kong sabi. "Wag mo ng itanong. Diretsuhin mo na lang sya para hindi na sya magalinlangan pa. Tingin ko bagay talaga kaming dalawa." Sabi nya na tila ba nangangarap. "Hindi ko din alam kung matutulungan kita. Wala din kase akong alam sa mga ganyang bagay at saka isa pa hindi maganda sa isang babae ang unang magpakita ng motibo sa isang lalake." "What are you talking about?" Iritado nyang sabi. "Ang ibig kong sabihin, hayaan mong ang isang lalake ang magbigay sayo ng atensyon at motibo at umamin na may gusto sya sa iyo." "You are so mean. Ang dami mo agad sinabi. You think, we girls can't say out loud are feelings and what we feel to someone we like. Ano? Maghihintay na lang kami na magsabi sila ng nararamdaman nila para samin. Besides, wala din namang masama na umamin kami sa crush namin ah. Ang sabihin mo ayaw mo lang akong tulungan kase ayaw mong maunahan ka ng iba kay Paul at ang tanging gusto mo lang ay sayo lang mapunta ang oras at atensyon nya." Pasigaw na sabi nya na umagaw ng atensyon ng buong klase. "H-Hindi yan ang ibig kong sabihin. Ang sa——," "Wag ka ng magsalita. Ramdam kong labag sa kalooban mo ang tulungan ako." Galit na sabi nya. "Anong nangyayare dito?" May pag-aalalang sabi ni Paul pagkalapit nito samin. "Si Cy kase sinabihan akong malandi. Humihingi lang naman ako ng advice sa kanya kung paano ko sasabihin sa crush ko yung nararamdaman ko". Pagsisinungaling nya at umakto na para bang nasasaktan sa pamimintang nya sakin na wala namang katotohanan. Pekeng umiyak din sya sa harap ni Paul para gawing kapani-paniwala ang sinabi nya. Nabigla naman ako sa inakto nyang iyon. Hindi ko na nagawa pang magsalita kaya itinikom ko na lang ang sariling bibig. Umalingawngaw naman ang bulungan sa loob ng silid na iyon. Hindi ko na nagawa pang magsalita at ipagtanggol ang sarili ko. Iniyuko ko na lang ang sariling ulo. Nakita ko naman sa maliit na bahagi ng paningin ko ang pagpapatahan ni Paul kay Vanessa. Bigla naman akong nakaramdam ng inis na para bang mas pinapaniwalaan pa nya yung sinabi ni Vanessa kaysa konsultahin ako para alamin kung may katotohanan ba ang mga sinabi ni Vanessa. Napabuntong hininga na lang ako. "Cy?" Pagtawag sakin ni Paul. "Bakit?" "Ayos ka lang ba?" Sabi nya habang bakas sa mukha ang pag-aalala. "Oo naman. Hindi mo kailangan mag-alala." Dumating na ang prof namin at bumalik na si Paul sa kanyang upuan samantalang si Vanessa naman ay inilayo pa ng kaunti ang upuan sakin. Napalingon naman ako sa kabilang banda ko at ganun din ang ginawa nito, inilayo nya din ng kaunti sa akin ang kanyang upuan. Pakiramdam ko tuloy ang sama ng tingin sakin ng mga kaklase ko. Hindi ko lang alam kay Paul kung ganun din ang nararamdaman nya. Humigit na lang ako ng malalim na hininga saka itinuon na lang ang atensyon sa harap. Hindi ko lubos akalain na may ganuon palang paguugali si Vanessa. Tama nga ang sabi nila looks can be decieving unless you don't look inside of it. Natapos naman ang buong klase para sa araw na iyon. Inaayos ko na ang gamit ko nun nang biglang maramdaman ko ang presensya ni Paul sa tabi ko. "Sabay na tayo," "Hindi ako makakasabay sayo. May group session pa kami nila Lexus." Pagtanggi ko sa pang-aaya nya. "Wag mong sabihing tutuloy ka?" May halong pagpigil na sabi nya. "Oo. Obligado din ako na sumama sa kanila dahil para din sa grupo namin iyon." "Wag ka ng sumama sa kanila. Hindi maganda ang nararamdaman ko sa kanila." "Bakit naman hindi? Uunahin ko pa ba yang nararamdaman mo kaysa sa group session namin." May inis kong sabi dahil hindi ko pa din nakakalimutan ang ginawa nya kanina. "Pakiramdam ko kase may binabalak sila sayong hindi maganda. Please, wag ka na tumuloy." "Ano ba Paul? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo. Kaklase natin sila. Wag mo nga silang siraan sakin. Wag mo nga akong bigyan ng dahilan para hindi sila kaibiganin." Sabi ko saka marahas na isinukbit ang bag sa balikat ko. Hindi ko na hinayaan pa na pigilan nya ako. Yung una hindi nya ako tinanong tungkol sa sinabi ni Vanessa kung pinagsalitaan ko ba ito ng hindi maganda tapos sisiraan pa nya sila Lexus sakin. Para saan? Kaysa isipin ko pa ay hinanap ko na lang ang mga kagrupo na kanina pa pala naghihintay sakin sa student center. "Mukhang hindi yata maganda mood mo ngayon, Cy." Bungad ni Lexus. "Malamang. Sino ba gaganda ang mood kapag sinigawan ka ng babae sa harap ng maraming tao? Nakakahiya kaya 'yon." Sabat naman ni Ezekiel. Napabuntong hininga na lang ako dahil marahil tama din sila sa sinabi nila. "Ano? Tara na?" Pang-aaya na ni Lucas samin na tumuloy na. Napansin kong nagkatinginan silang apat pero hindi ko na lang binigyan ng pansin iyon at saka nagumpisa na lang maglakad kasunod nila. ***** Paul's POV Pinagmasdan ko na lang ang mabilis na paglalakad ni Cy habang palabas ng silid. May hindi talaga maganda sa grupo na kinabibilangan ngayon ni Cy. Hindi ako kampante na hayaan na lang syang sumama sa apat na iyon. Hindi din ako mapakali sa isiping sumama sya sa mga iyon ng hindi man lang nya lubusang kilala ang mga ito. Hindi naman sa sinisiraan ko sila kay Cy, hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanila. Hindi ako komportable at panatag na makasama nya ang apat na iyon gayong marami namang pwedeng isali sa grupo nila at bakit si Cy pa, na malayo ang agwat ng kinauupauan nila. Duon pa lang napaisip na kaagad ako ng hindi maganda. Kaya mabilis na sinundan ko sila. Hindi muna ako uuwi ngayon dahil babantayan ko si Cy mula sa apat na lalaking iyon. Kahit isiping lalaki din si Cy at kaya nyang ipagtanggol ang sarili kung sakaling may hindi man mangyareng maganda sa pagitan nila at kung sakaling may gawin man ang mga ito sa kanya. Nag-aalala lang ako dahil sa sitwasyon nya ngayon, mukhang hindi sya makakalaban dahil mas malaki at mas matangkad ang apat na iyon kaysa sa kanya. "Bakit ba ako nakakaisip ng ganito? Bakit ko ba sila pinagiisipan ng masama?" Panenermon ko sa sarili. Hindi na ako nagdalawang isip pa na hindi sila sundan at ituon lang ang mga mata ko sa kanya. Nakasunod lang ako sa kanila nang mapansin kong iba na ang pinupuntahan nila. Masyado ng malayo iyon sa dorm nya. Hindi na maganda itong nararamdaman ko. Gusto ko na lang hilahin si Cy at ilayo na sa kanila pero may pumipigil sakin na baka mali lang itong iniisip ko at ayaw ko ding magalit sa akin si Cy. Titingnan ko lang kung saan sila pupunta at kung makumpirma ko mang wala silang gagawing masama kay Cy ay duon na ako titigil at aalis. Napatigil naman ako sa paglalakad nang huminto sila na para bang may pinaguusapan. Napansin kong nagbulungan yung dalawa sa kanila at saka nagpatuloy na ulit sa paglalakad. "Saan ba tayo pupunta?" Narinig kong pagtatanong ni Cy. "Basta sumunod ka lang." Narinig ko namang sabi ni Lexus. Lalo namang tumindi ang paghihinala ko sa nakikita kong kakaibang kinikilos nila sa paligid ni Cy. Bigla naman akong nakaramdam ng takot at pangamba sa maaring gawin nila. Napahinto ulit sila sa paglalakad kaya napahinto din ako sa paglalakad at nagtago sa malapit na poste. "May sumusunod ba satin?" Narinig kong tanong ni Lexus sa mga kasama. "Wala naman. Wag mo na lang pansinin." Sambit naman ni Jacob. Sumilip akong muli at nakita kong nagpatuloy ulit sila sa paglalakad at nagpatuloy na lang din ako sa pagsunod sa kanila kahit na muntik na nila akong mahuli na sumusunod sa kanila. ***** Cypress POV Nakasunod lang ako sa kanila habang naglalakad patungo sa kung saan. Nagtataka lang ako kase parang kanina pa kami naglalakad at pansin ko rin na panay ang bulungan nila Lucas at Ezekiel. Samantalang si Jacob at Lexus busy sa mga cellphone nila. Hindi ko na lang pinansin baka malayo lang ang bahay ng kung kanino man kaming bahay patungo. Habang tumatagal kami sa paglalakad hindi ko naman maiwasang hindi makaramdam na ako ng kakaiba dito sa mga kasama ko. Napapatanong na rin ako sa isip ko kung bakit parang ang layo na namin ngunit wala pa din kaming napupuntahang bahay ng isa sa kanila. "Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko ng bigla dahil nagtataka na talaga ako. Napahinto naman sila sa paglalakad sa bigla kong pagtatanong. Nagulat naman ako ng biglang tumawa si Lexus. "Wala ka ba talagang idea kung saan tayo pupunta?" "Sabi nyo gagawin natin 'yung group session natin." Sagot ko naman sa sinabi nya. "Tama ka naman dyan pero alam mo ba kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng group session, Cy?" Sabi ni Lexus na parang may iba syang pinapahiwatig. "Sumama ka samin at malalaman mo mamaya kapag nanduon na tayo." Sabi nya saka naglakad na lang ulit. Sumunod lang ako sa kanila hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang abandonadong bahay na may nakalagay na no tresspassing. "Nandito na tayo," "P-Papasok tayo dyan?" May pagtataka kong tanong. "Oo," "Hindi ba bawal? Baka mahuli tayo." May paaalinlangan kong sabi. "Hindi naman tayo mahuhuli kung di tayo magiingay, diba? Hindi bale na lang kung malakas kang umungol. Tara na. Wag ng maraming tanong." May paguutos na sabi ni Lexus. Hindi ko na lamang pinansin ang kanyang sinabi kaya nang huli napilitan na lang akong pumasok sa loob ng bahay na iyon. Bakante na iyon at wala na ni isang gamit. Nagkalat din ang mga vandal sa dingding. Madilim at madumi ang buong paligid. Nagtaka naman ako kung bakit dito pa namin gagawin yung group session. "Dun tayo sa taas." Pang-aaya naman ni Jacob na bakas sa mukha ang excitement. Pinauna nila akong maglakad paakyat ng hagdan habang nagdadalawang isip kung tutuloy pa ba ako o hindi. Tumambad naman sakin ang malinis na ikalawang palapag. Maliwanag duon dala na din ng mga malalaking bintanang nakabukas. Maganda ang paligid. May kama sa gitna na parang hindi na ginagamit. May sofa din sa gilid nun. "Welcome to our hide out." Masayang pangiimbita sakin ni Lexus. "Madalas ba kayo dito?" Pagtatanong ko. Napawi naman kaagad ang masamang bagay na tumatakbo sa isip ko. Baka nagkakamali lang ako sa mga iniisip ko kanina. Hindi naman siguro sila gagawa ng masama sakin bagkus pinatuloy pa nga nila ako sa hide out nila. Naupo na lang ako sa sofa na nanduon. Napatingin naman ako sa gawi ng bintana nang biglang magdilim. Hinawi ni Jacob ang kurtina na nanduon pati na din sa ibang bintana na lalong nagpadilim sa paligid. Wala akong maaninag kahit sila hindi ko maaninag. Hindi ko din sila marinig. "Lexus, anong nangyayare?" May pagtataka kong sabi. Nabigla naman ako nang bigla nilang tanggalin ang suot kong salamin dahilan para mas lalong hindi ko makita at maaninag ang paligid. "Akin na yung salamin ko. Wala akong makita." Bigla naman akong kinabahan sa kakaibang kinikilos nila. "Hindi mo ba talaga alam ang meaning ng group session, Cy?" Malamig na tinig ni Lexus. Narinig ko ang mga yabag nya na palapit sa akin. Naaninag ko naman sya kahit na malabo pa ang paningin ko. Kinapa ko sya para alalayan ang sariling tumayo ngunit hindi pa ako nakakatayo nang padabog nya akong ibalik sa pagkakaupo. Kinabahan naman ako sa inakto nyang iyon. Bigla namang bumalik sa isip ko ang mga naisip ko kanina. Tama ba ang mga hinala ko? "Suotin mo," Pag-aabot sakin ni Lexus ng salamin ko. Tumambad naman saking paningin ang mga hubad nilang pangitaas at bahagyang nakabukas pa ang butones ng mga pantalon nila. "A-Anong ibig sabihin nito?" Kinakabahan kong sabi. "I know you know the meaning of this." Asik nya pa. "Lexus, ang dami mo pang sinasabi. Pwede bang umpisahan na natin?" "Tanungin muna natin si Cy kung handa na ba sya." Sabi nya sabay binigyan ako ng nakakalokong ngiti. "Lexus, uuwi na ako." Sabi ko saka aktong tatayo na ngunit ibinagsak nya ulit ako. "Hindi pa nga tayo tapos sa gagawin natin uuwi ka na agad." Nakaramdam na ako ng takot nang mga sandalig iyon dahil hindi ito ang inaasahan kong group session na gagawin namin. Lumuhod sya sa harapan ko at hinawakan ang dalawa kong hita saka hinimas iyon. Nanginig naman ang buo kong katawan sa ginagawa nya. "Cy, sandali lang tayo pagkatapos nun tapos na." Napayuko na lang ako habang hindi maigalaw ang sarili dahil sa sobrang kaba at takot ko. Hindi ko alam kung maiiyak na naman ba ako. "Wag ka ng umiyak. Alam naman namin na ganito talaga ang mga gawain ng katulad mo. Pinapangako namin na magugustuhan mo din ito." Sabi nya sabay hinawakan ang butones ng suot kong uniform. Agad ko namang hinawakan ang dalawa nyang kamay upang pigilan sya sa nais nyang gawin. "Lexus, wag mong gawin sakin 'to, please?" Pagmamakaawa ko sa balak nilang gawin sakin ngunit tinawanan lang nila ako. "Nandito ka na at hindi ka na pwedeng umatras. Ang mga sumasama samin ng walang pagaalinlangan ay kagustuhan nila iyon at isa ka na dun, Cy." Sabi nya saka biglang dinilaan ang kaliwang tainga ko. Napapahigpit na ang pagkakahawak ko sa kamay nya nang isa isa na nyang tanggalin ang pagkakabutones ng suot kong polo. Bigla kong naalala si Paul at yung sinabi nya kanina. Patawarin mo ako Paul kung hindi ako nakinig sayo. Lalo akong naiyak nang maalala ko ang mga sinabi nya at ang pag-aalalang nakarehistro sa mukha nya kanina habang pinipigilan ako. Hindi ako nakinig sa kanya at sa instincts ko. Napaiyak na lang ako sa kinalalagyan ko ngayon na kasalanan ko din naman. Hindi ko muna sinisigurado kung kanino ako sumasama. "Lexus!" Narinig kong galit na tinig ni Paul. "Oh! Paul, sasali ka din ba samin?" Sabi ni Ezikiel. "Bitawan mo si Cy," May pag-uutos nyang sabi. "At bakit ko naman gagawin 'yon?" "Wag ka ng mangialam dito, bro." Asik naman ni Jacob. "Kagustuhan din ito ni Cy na sumama samin at alam din nya kung anong gagawin namin kaya wala ka ng pakialam dun." Sabi naman ni Ezikiel. "Sinasabi ko na nga ba na may binabalak kayong masama kay Cy eh!" "Labas ka na dun kung ano mang gagawin namin ni Cy." Dugtong pa ni Lexus. Napaisip naman ako. Sinundan ba kami ni Paul? Kung ganun binabantayan nya pala ako mula pa kanina. Lalo akong naluha sa isiping hindi ako nakinig sa kanya tapos ngayon nandito pa sya para tulungan ako sa mga kaklase naming pagsasamantalahan ako. "Bakla si Cy, Paul? Kaya kung ano mang gagawin namin gugustuhin nya iyon." Inis na sabi ni Lexus dahil sa naudlot nyang balak. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Lexus. Baka sa sinabi nyang iyon ay pabayaan na lang ako dito si Paul. Nawalan na ako ng pag-asa pang makaalis dito. Nanlumo na lang ako dahil sa sinabi ni Lexus. "Sige na, Paul. Umalis ka na." Pagpapaalis ko na sa kanya dahil ayaw ko nang madamay pa sya. "See? Gusto nya din 'to, Paul." "Hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama." "Kung gusto mo ding sumali, sabihin mo na lang. Tumatagal lang eh!" Pagrereklamo ni Lucas. "Hindi ako kagaya nyo. Kaya pwede bang pakawalan nyo na lang si Cy." "Tingin mo ba ganun na lang kami kadaling pigilan, Paul." Sabi ni Lexus saka tumayo. Natakot naman akong bigla sa maaaring mangyayare. Baka madamay pa siya sa katangahang ako ang gumawa. "Dyan ka lang," May pagbabantang sabi sakin ni Lexus. "Anong gagawin mo?" Kinakabahang sabi ko kay Lexus. "Tuturuan ko lang naman ng leksyon ang isang ito na matuto sanang wag mangialam ng labas naman sa pakialam nya." Nangyare nga ang hindi ko inaasahan. Pinagtulungan nila si Paul habang pinipigilan naman ako ni Jacob na umawat. Nakikita ng apat kong mata kung paano nila pagtulungang bugbugin si Paul habang pilit din nyang ginagantihan ang mga ito para sakin. Nararamdaman ko kung gaano kasakit ang bawat pagsuntok nila kay Paul. "Tama na, Lexus. Umalis ka na lang, Paul." Pagmamakaawa ko sa kanila dahil hindi na sya makalaban. Nakarinig naman ako ng pito mula sa labas at dun mabilis na nagsitakbuhan yung apat. Natatarantang nilapitan ko naman si Paul para konsultahin. "Paul, ayos ka lang ba?" Natataranta kong sabi. "Anong klaseng tanong yan, Cy? Tingin mo ba ayos lang ako sa lagay na 'to". May ngiti sa labi nyang sabi. "Siraulo ka. Nagagawa mo pa talagang ngumiti." "Hindi naman kase masakit yung mga suntok nila," Pagbibiro nya. "Sorry, Paul." Sabi ko habang inalalayan syang makasandal sa dingding at saka mabilis syang niyakap. Bigla ko namang naalala yung sinabi ni James. Naiyak na lang ako lalo dahil hindi lang ito ang sasapitin nya kung magpapatuloy pa din ako sa paglapit sa kanya. "Patawarin mo ko, Paul." Sabi ko pagkakalas ko sa pagkakayakap ko sa kanya. "Ayos lang 'yon. Wala kang kasalanan." "Hindi. Hayaan mo kong humingi ng sorry. Hindi ka masasaktan kung hindi dahil sakin. Dapat naking na lang ako sayo." "Wala ka din namang alam kaya hindi din kita masisisi kung bakit sumama ka sa kanila." Sabi nya habang hinihimas ang aking baba. "Kung hindi ako dumating baka kung ano ng nangyare sayo. Sinasabi ko na nga bang tama ang hinala ko sa apat na 'yon eh!" "Bakit kase sumunod ka pa dito eh?" Paninisi ko sa kanya na may halong pag-aalala. "Anong nangyare dito?" Pagtatanong ng mga tanod na kakaayat lang. "Kaya mo bang tumayo?" Pangongonsulta ko kay Paul. "Oo, hindi naman ako napuruhan." May pagmamalaki nyang sabi. "Manong, pakitulungan nyo nga po akong alalayan ang kaibigan ko." Pakikisuyo ko sa tanod. Isinakay nila kami sa motor nila saka dinala sa malapit na center para gamutin ang mga galos at sugat na natamo ni Paul. "Mabuti na lang at hindi malala ang natamo mong galos, Hijo." Naghintay na lang ako habang ginagamot ng medic ang mga sugat at galos nya. Napatingin naman ako sa kanya nang may tila ba sinesenyas sya sa akin. Hindi ko naman makuha iyon kaya napakunot noo na lang ako. "Wag kang malikot, Hijo." Suway sa kanya ng medic. "Sorry po," Natawa na lang ako nang mapagalitan sya. Hindi naman nagtagal ang paggamot sa mga sugat nya at natapos din iyon. Pinaalalahan na lang kami ng baranggay na umiwas sa gulo. Nagpasalamat na lang din kami sa naglinis ng sugat nya at ganun na din sa mga tanod dahil kung hindi sila dumating mas malala pa ang aabutin ni Paul at kung magkataon matutuloy pa ang balak nila sakin. "Saglit lang," Pagpapatigil nya sakin sa paglalakad. Nagulat ako nang pagkabitin nya ang mga butones na tinanggal kanina ni Lexus. "A-Ako na," Pagili ko sa kamay nyang nakahawak na sa butones ng uniform ko. "Kanina pa kita sinesenyasan pero hindi mo ko nage-gets." "Ah! Sorry. Hayaan mong ako na magkabit." "Tapos na." "Salamat." Sabi ko saka nagpatuloy na sa paglalakad. "Musta na pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo? Sabihin mo lang habang nandito pa tayo." "Wala ng masakit sakin. Masaya na ako dahil walang nangyareng masama sayo." Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nya dahil kahit sya na yung nasaktan mas inisip nya pa ako. "Pasensya ka na kung nadamay ka pa. Ako pa ang nagdala sayo sa gulo. Hayaan mong bumawi ako sayo pero hindi ibig sabihin nun pinapatawad na kita." Sabi ko nang maalala ko yung ginawa nya kanina. "Ipinagtanggol na nga kita may kasalanan pa din pala ako. Tungkol ba saan?". "Ang bilis mo naman makalimot". "Tungkol ba 'yan kanina kay Vanessa?" "Oo. Akala ko hindi mo mahuhulaan eh!" "Hindi naman ako naniniwala sa sinabi nya. Alam ko namang hindi mo masasabi 'yon kaya inintindi ko na lang sya para hindi na lumaki yung gulo kase kapag nakialam pa ako mas lalong magwawala yung babaeng 'yon." Napahinto naman ako sa paglalakad at napabuntong hininga. Bakit hindi ko naisip 'yon? Mas inuna ko pa yung pride ko kaysa kausapin sya kung bakit nya nagawa 'yon pero heto sya ngayon nagpapaliwanag sa akin na sa tingin ko hindi naman nararapat para sa katulad kong mabagal ang paggana ng utak sa mga sitwasyong nariyan na. "Ayos lang 'yon. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo. Hindi naman sa lahat ng oras kailangan mong mamalimos ng atensyon sa iba. Hindi ka nabuhay para magustuhan ng lahat. Kung ayaw nila sayo, hayaan mo sila. Hindi mo deserve ang humiling ng isang bagay na ayaw ibigay sayo." Agad na napalingon ako sa kanya. Bakit ang lawak ng pang-unawa nya sa mga ganitong bagay samantalang ako hindi umaabot sa ganuong klaseng lebel ang pagintindi at pagkaunawa ko. Pinagmasdan ko na lang ang maaliwalas nyang mukha kahit pa na may galos iyon na sinapit nya mula sa kamay nila Lexus. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya para sa sarili. "Sabi mo nga gusto mong makabawi sakin. Kung ganun gusto ko samahan mo kong mag-movie marathon ngayong hapon sa bahay." May ngiti nyang sabi. "Okay," Tugon ko na lang kase kahit nasaktan sya mas inintindi nya parin ako. Masama na ba akong kaibigan? Kaya sa sobrang inis ko sa sarili ko ay mabilis na napayakap na lang ako sa kanya. Hindi ko na pinansin kung may makakita man samin. Gusto ko lang magpasalamat sa kanya sa pamamagitan ng mga yakap ko. "Salamat, Paul." "Okay na ako. Tara na sa bahay". Masayang sambit ng bibig nya. Bumitiw na lang ako sa pagkakayakap ko sa kanya saka pinahid ang mga luhang saglit na namutawi sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD