Nasa byahe na kami ni Paul. Hindi muna ako dumiretso ng dorm nung hapong iyon. Papunta kami ngayon sa bahay nila para pagbigyan sya sa kahilingan nya na mag-movie marathon sa kanila para makabawi sa kanya.
Ito ang unang pagkakataon na makakapunta ako sa bahay nila. Medyo kinakabahan dahil hindi ko alam kung magiging welcome ba ako sa bahay nila. Hindi ko malalaman ang sagot hangga't hindi ako nakakarating ng bahay nila.
Hindi naman nagtagal ang byahe at nakarating din naman kami sa isang subdivision na binabaan namin kung saan nakatirik ang bahay nila. Pinapasok naman kami ng guard ng walang tanong tanong. Nagulat pa nga ako nang batiin sya ng guard.
Namangha naman ako sa lugar dahil halos lahat ng bahay na nakatayo duon ay puros magaganda at malalaki. Ibig bang sabihin nito na maganda at konkreto din ang bahay nila Paul. Napaisip naman ako sa isiping iyon. Hindi kaya mayaman sila dahil dito nya ako dinala.
"Nandito na pala tayo," Sabi nya saka pinindot ang door bell ng bahay na hinintuan namin.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa pagkamangha dahil sa nakikita ko.
"B-Bahay nyo to?"
"Mukha ba akong nagsisinungaling?" Masaya nyang tugon.
Hindi ko na nagawa pang tugunan ang sinabi nya dahil sa pagkamangha ko. Isang three storey building at may dalawang kotse. Namamata ko din na may garden sila sa loob at isang malaking swimming pool. Hindi na din ako magtataka kung bakit sa pribadong paaralan sya nag-aaral.
"Tara, pasok ka." Pang-aaya nya sakin.
Kahit kinakabahan, may halong excitement din akong naramdaman. Mayaman pala sila Paul. Hindi halata iyon sa kanya marahil ay hindi ko nakikita sa ugali nya ang mapagmataas at pangmamaliit sa ibang tao. Kaya pala binati sya ng guwardya kanina dahil isa sya sa mga mayayamang nakatira dito.
"Where's mom and dad?" Tanong nya sa maid na nagbukas ng gate.
"Umalis po sila kasama ang Grand Parents nyo." Sagot naman ng matadang katulong.
"Ah! Si Cy pala, kaklase ko. Manang pwede ba ako mag-request ng snack para saming dalawa, please?" Mabait na pakikitungo nya sa matanda.
Napangiti naman ako dahil hindi nya tinatratong parang ibang tao ang katulong nila.
"Hello po," Bati ko na lamang sa katulong.
Hindi ko alam kung welcome ba ako dito dahil pakiramdam ko masyado akong mababa para makapasok sa ganitong uri ng tahanan.
"Bakit may mga sugat kayo, sir?" Puna ng maid sa mga sugat ni Paul.
"Wag nyo na po akong alalahanin. Ayos lang po ako. Ako na lang po magpapaliwanag kila mom and dad kapag nagtanong sila."
Nagtungo na kami ng main door ng bahay para pumasok. Napatingin naman ako sa tiles sa sahig. Masyado iyong malinis para ipasok ang sapatos ko. Kung sya ay ayos lang na ipasok ang sapatos pero hindi ibig sabihin nun na ayos lang din ang sakin. Kaya marahang hinubad ko na lang ang suot na sapatos saka inilagay iyon sa gilid, yung hindi matatapakan.
"Oh! Bakit hinubad mo pa yung sapatos mo?" Pagtatanong ng maid sakin.
"Nakakahiya po kase. Baka madumihan ko pa po yung tiles."
"Mabait na bata. Ano ka ba? Ayos lang iyon. Ano pang silbi naming mga katulong kung hindi namin lilinisin kung sakaling madumihan man yung tiles."
Hindi na ako nakapagsalita dahil nahihiya talaga ako pero mas pinili kong hindi na lang magsapatos at hayaang nakamedyas na lang ang mga paa ko.
"Feel at home, Cy." Sabi ni Paul saka umakyat na sa taas samantalang ako naman ay naiwan sa sala.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay. Napakalaki nuon at ubod ng ganda. Parang mamahalin pa ang mga muwebles at ang mga marmol na nakadisplay sa bawat paligid ng bahay. Natatakot tuloy ako na baka makabasag ako o humawak man lang.
"Kataka taka dahil ngayon lang ulit nagdala ng kaibigan dito si Sir Paul sa bahay nila at ikaw pa lang 'yon. You must be special." Saad ng matanda nang makalapit ito sa akin.
"Hindi naman po siguro ganun 'yon. Wala naman pong espesyal sa akin. Isa lang naman po akong simpleng estudyante." Pagdedepensa ko sa sarili upang hindi ako matawag na espesyal.
"Malay natin pero siya lang ang nakakaalam. Sige na. Sundan mo na sya sa taas at ipaghahanda ko pa kayo ng snack na nais ng mabait kong amo." Sabi nya saka nagtungo na ng kusina.
Dahan dahan naman akong naglakad dahil baka may masira ako, mahirap na. Wala akong pambayad kung sakali. Tinungo ko na ang hagdan at inihakbang duon ang mga paa ko. Kahit hagdan nagingintab sa sobrang linis nuon. Natatakot tuloy akong tapakan. Nakarating naman ako sa ikalawang palapag.
Namangha ulit ako dahil may malaking terrace duon at makikita mo ang kabuuan ng paligid na nakapalibot sa subdivision. Inilibot ko pa ang paningin sa labas ng terrace at ubod ng ganda ang aking natatanaw.
Nakapikit na sinalubong ko na lang ang hangin na sumasampal sa balat ko ngayon. Ito ang isang lugar na makapagbibigay sa isang tao ng kakuntentuhan sa oras na gusto nyang magpahinga at maglipas ng oras.
"Sino ka?" Narinig kong tinig ng isang malalim na boses ng lalaki.
Napatindig naman ako sa terrace na kinatatayuan ko ngayon. Napalunok na lang ako ng malalaking butil ng sariling kong laway.
"Who are you?" Pagtatanong nito ulit ngunit nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko kase alam ang isasagot ko gayong wala pa si Paul dito.
"Do you hear me? I am talking to you." Malumanay na sabi nya na magpapatikom talaga sa iyo sa pagsasalita.
Kinabahan naman akong bigla at hindi malaman ang gagawin sa mga sandaling iyon. Naramdaman ko naman ang presensya nya nang biglang sumulpot ito sa gilid ko upang sipatin kung sino ba ako.
"Hindi mo man lang ba ako sasagutin?"
Humarap naman ako sa lalaking kanina pa ako tinatanong. Napaiwas naman kaagad ako ng tingin nang makita kong wala siyang suot na pangitaas at tanging manipis na boxer shorts lang ang natatanging saplot.
"Oh! You must be?"
"Kaklase po ako ni Paul. Sorry po kung napahinto ako dito. Nagandahan lang po kase ako kaya tumigil lang po ako saglit." Tuloy tuloy na sabi ko dahil sa sobrang kaba na nadarama ko.
"Hey! Calm down. I am not going to bite you. By the way, I am Ford. Paul's eldest brother." Sabi nya sabay lahad sakin ng kanyang kamay.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko ng sandaling iyon kaya nakipagkamay na lang ako. Akala ko kase magagalit sya sakin pero nagkamali pala ako sa akala ko.
"And you are?"
"Cypress po. Tawagin nyo na lang po akong Cy." Nahihiya kong sabi.
"Ah! Cy. You have a weird name huh." Medyo natatawa nyang sabi.
"Oo nga po eh!" Natatawa ko ding turan sa kanya.
"Madalas din ako dito sa terrace,"
Nawala na ang kaba na nararamdaman ko mula pa kanina nang makawala na ako sa maling akala ko.
"Kumain ka na ba? Ipaghahanda ko si manang. Hindi ka man lang inasikaso ni Paul."
"Hindi po. Ang totoo nga po nyan papunta na po ako sa kwarto nya kaso lang napahinto lang po talaga ako dito." Sabi ko saka nagtungo na sa pintong nakabukas duon.
"That's my room," Nakangiting sabi ni Kuya Ford.
"Ah! Sorry po." Nahihiya kong sabi.
Nagtungo naman ako sa kabilang pinto baka ito na 'yon pero pinigilan na ako ni Kuya Ford.
"Seems you have trouble in finding my brothers room." Napahiya naman ako ng kaunti sa sinabi nyang iyon.
"Sorry po ulit. Hindi nya po kase ako sinabihan kung saan yung kwarto nya."
"That's our parents room. Yung kwarto ni Paul nasa taas pa. Sa third floor. Anyway, you don't have to say sorry. Mukhang first time mo pa lang pumunta dito kaya siguro hindi mo alam."
"Oo nga po," Sabi ko habang hindi makatingin sa kanya dahil sa kahihiyang ginawa ko tapos muntik pa akong makapasok sa kwarto nya.
"Sa tingin ko naghihintay na 'yon sayo ngayon. Puntahan mo na sya."
"Salamat po." Sabi ko na lang saka nilisan na ang ikalawang palapag at umakyat na sa ikatlong palapag.
Isang pinto lang ang nakita ko sa palapag na iyon at isang malawak na hallway na patungo sa panibagong terrace na naman. Napangiti na lang ako sa ganda ng bahay nila at sa lawak nun.
Ibig sabihin sya lang ang nagiisang nakasilid dito sa ikatlong palapag. Kung susukatin malawak ang kwarto ni Paul. Maswerte sila dahil nagtiyaga ang mga magulang nila para mabigyan sila ng ganitong klaseng buhay.
Hindi naman sa minamaliit ko ang buhay namin sa probinsya. Masaya din naman ako kahit hindi kami nakakangat sa buhay, basta ang mahalaga magkakasama kami. Hindi ko din kailanman ikakahiya ang buhay na meron kami. Kaya nga ako nandito para magpursiging makatapos upang maiangat ko sa kahirapan ang pamilya ko.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga naisip saka tinungo na lang ang pinto. Kumatok muna ako bago nya sabihing pumasok ako.
"Bukas yan," Narinig kong bigkas niya mula sa loob.
Pagkasabi nya nun ay pinihit ko na ang siradura saka binuksan ang pinto. Tumambad naman sa paningin ko ang hubad na pangitaas ni Paul. Tanging pants lang ang natitirang suot nya.
"Bakit ang tagal mo naman?"
"Sorry, lalabas muna ako kung nagbibihis ka pa."
"Hindi mo kailangang mailang. Ganito talaga ako sa bahay kapag umuuwi ako o kapag walang pasok." Sabi nya habang naghahanap ng kung ano sa estanteng nanduon.
Nasapo ko naman ang sariling noo. Hindi ako dapat umaakto ng ganito baka maghinala na sya sa pagkatao ko. Oo, bakla ako pero hindi ko ugali ang makakita ng mga hubad na katawan ng lalaki at saka isa pa hindi ako yung tipong sabik na sabik sa kapirasong laman ng isang lalaki. Kahit bakla ako na hindi pa alam ni Paul, hindi ko naman itatago iyon sa kanya. Sasabihin ko din naman sa kanya pero hindi pa ito ang tamang oras para dun.
Kaysa mag-isip pa ako, ang araw na ito ay nakalaan para sa kanya dahil na din sa kahilingan nya at sa kagustuhan kong makabawi sa kanya.
"Anong gusto mong panoorin, Cy?" Sabi nya saka itinapon ang mga cd disk sa kama.
"Anong ginagawa mo dyan, Cy?" Puna nya sakin na nakatayo pa din sa likod ng pinto.
"Ayos ka lang ba, Cy?" Sabi nya habang papalapit sa kinatatayuan ko.
Kitang kita tuloy ng mga mata ko ang kabuuan ng katawan nya. Napalunok na lang ako ng sariling laway. Ipinikit ko ng bahagya ang mga mata para pakalmahin ang sarili ko.
"May problema ba?"
"W-Wala naman. Wag mo na lang akong pansinin. Siguro hindi lang ako sanay na magpunta sa ibang bahay." Pagpapaliwanag ko na lamang.
"Ano ka ba? Hindi ka na naman iba sakin. Tutal nandito ka na naman ipapakilala na din kita sa family ko."
Anong ibig nyang sabihin na ipapakilala nya ako sa family nya? Bura. Bura. Pagbubura ko sa mga naiisip ko. Nandito ako para samahan sya mag-movie marathon at wala ng iba pang kahulugan iyon. Wag ka masyadong mag-isip ng kung ano ano. Pagbibilin ko sa sarili.
"Tara dito, Cy. Tulungan mo kong maghanap ng panunuodin natin."
Binura ko na lang sa isipan ko ang mga bagay na pumipigil sakin ngayon at mas mabuting magsaya na lang akong araw na ito dahil kahit pansamantala makakaiwas ako kila James.
Inilapag ko muna ang bag ko saka marahan na sumampa sa ibabaw ng kanyang kama para maghanap ng magandang palabas na panunuorin namin. Hindi pa naman ako pamilyar sa mga bagong palabas ngayon dahil simula ng magpunta ako ng maynila, nakalimutan ko ng manuod ng TV.
"Ano bang kalimitang pinapanood mo, Cy?" Pagtatanong nya sakin habang iniisa isa ang mga mamahaling bala na nanduon.
"Hindi naman kase ako masyadong nanunuod pero mahilig ako sa mga horror movies."
"Kung ganun. Sa horror movie na lang tayo mamili. Itabi na lang natin 'tong mga action films na bala." Sabi nya na ginawa ko naman.
Nang maihiwalay namin ang mga horror movie ay pinagsama sama namin iyon.
"Ang dami nito ah. Mahilig ka sigurong manuod ng mga bala no."
"Hindi lang ako mahilig. Hobby ko na din siguro." Sabi nya na lang na sabay naming tinawanan.
Habang namimili ako ng magandang panunuorin hindi ko namalayan na kamay na pala nya ang nahawakan ko na hawak ang isang bala na sana ay kukunin ko din. Napatingin naman ako sa kanya at ganun din sya sakin. Napagtanto ko naman kaagad kaya mabilis na napabitaw ako.
"I'll leave the decision to you. Ano bang gusto mo?"
"Hindi ko din alam. Mas maganda sigurong ikaw na lang magdesisyon. Promise, hindi ako aangal."
"Sa totoo lang, nakakasawa na din itong panoorin. What if, sa netflix na lang tayo manood."
Hindi naman ako pamilyar sa sinasabi nyang netflix pero siguro may maganda din duong palabas.
Tinulungan ko syang ibalik ng maayos ang mga balang itinapon nya sa kama sa lagayan nito.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkailang sa tuwing tumatama ang balat nya sa balat ko. Kaya ako na lang ang pasimpleng lumalayo para hindi nya mahalatang naiilang ako.
"Ano bang magandang palabas ngayon sa netflix?" Sabi nya habang nakatapat sa malaking flat screen na tv habang binibrowse iyon.
Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa nakatalikod na Paul sakin. Kahit wala pa kami sa hustong gulang pansin ko na ang hubog ng kanyang katawan. Ang papausbong na dibdib at pati na din ang apat na abs na meron na sya pati na din ang maninipis at mukhang bagong sibol na buhok nya sa kilikili. Naipilig ko na lang ang sariling ulo dahil sa mga naiisip ko.
"Um! Paul, okay lang naman sakin kahit ano panoorin natin. Hindi naman ako mapili. Kung ano lang yung meron 'yon na lang."
"Nanunuod ka ba ng romance?"
"Medyo,"
"Wala din akong mapili eh. What about anime?"
"Yun na lang," Nasabi ko na lang para hindi na sya magabala pa.
Naupo na lang ako sa paanan ng kama na nakatapat sa tv. Nagumpisa na naman ang palabas. May english subtitle naman kaya naiintindihan ko naman.
"Bababa lang ako para kunin yung snacks natin." Pagpapaalam nya.
"Sige,"
Hindi naman ako na-bored sa pinapanood ko. Ngayon lang din naman ako nakapanuod ng anime kaya hindi na rin masama na sumubok ng bago.
Hindi naman sya nagtagal at nakabalik din dala dala ang mga snack nang pagbuksan ko sya ng pinto. Tutulungan ko pa sana sya kaso hindi na nya ako hinayaan pa kaya ako na lang din ang nagsara ng pinto.
"Kain muna tayo. Pinaghanda pala tayo ni kuya ng tanghalian."
"Ah! Pansin ko nga."
"Nagkakilala na kayo ni kuya?" May pagtataka nyang sabi.
"Oo, kanina lang. Naligaw kase ako kanina para hanapin sana itong kwarto mo. Nagkataon naman na napahinto ako sa terrace sa second floor kaya ayun nakita nya ako at tinuro kung saan yung kwarto mo."
"Pasensya ka na, hindi ko nasabi agad."
"Itigil na nga natin yung paghingi ng sorry sa isa't isa. Magkaibigan naman tayo kaya walang problema."
"Okay. Let's eat." Aya nya saka inabot sakin ang kutsara at tinidor.
"Dapat sa baba na lang tayo kumain. Nakakahiya naman."
"Wag ka ng mahiya. Masanay ka na kase ganito talaga ako kapag nasa bahay."
Mabilis lang naman natapos ang pagkain namin at nagpresenta na din akong tumulong na ibaba ang mga hugasin dahil hindi kasya sa tray. Ako na nagbitbit ng pitsel at ng dalawang babasaging baso. Inalalayan ko talaga baka mabasag. Iyon na nga lang ang bitbit ko pababayaan ko pa.
Nagtungo kami ng kusina at napahinto naman ako nang makita ko ang sa tingin ko ay grandparents at parents ni Paul. Bigla naman akong sinakluban ng kakaibang hiya at kaba.
"Mom! Dad!" Gulat din na sabi ni Paul.
Kinuha naman sa akin ng maid ang dala kong pitsel at dalawang baso. Aksidenteng dumulas sa kamay ko ang isang baso dahilan para mahulog iyon sa sahig at mabasag. Nataranta naman ako kaya dali dali akong naupo para pulutin ang mga piraso nun. Lumapit naman sakin si Paul.
Natatarantang pinulot ko na lang ang mga bubog. Nakakahiya ang ginawa ko.
"Aray!" Biglang asik ko nang hindi ko napansin ang isang malaking bubog kaya nahiwa ang palad ko.
Nagulat naman ako nang makita ko ang dugong dumadaloy duon. Lalo akong nakaramdam ng hiya.
"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong ni Paul. "You're hands is bleeding."
"Ayos lang ako. Pupulutin ko lang ito," Wika ko saka aktong pupulutin pa ang ibang bubog ngunit pinigilan na nya ako.
"Hayaan mo na 'yan sa mga maid. Excuse us."
"Pero?" Hindi na ako nakaangal nang dalhin nya ako sa banyo malapit sa kusina at hinugasan ang kamay ko.
"Aray!" Asik ko nang mabasa iyon ng malamig ng tubig.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'yon. Nasugatan ka pa tuloy."
"Kailangan kase ako yung nakabasag."
"Hindi mo naman sinasadya iyon." Sabi nya habang pinapadugo ang palad ko. Sinisigurong walang bubog na maiiwan dun.
"A-Ayos na ako. Maliit lang naman ito." Sabi ko na lang sa kanya.
Iginiya nya ako papuntang kusina. Napayuko na lang ako nang mapansin kong nakatingin sila sakin. Labis akong nahihiya sa ginawa ko.
"Manang, pakuha nga po ng first aid kit." Utos niya sa maid at agad naman nitong iniabot sa kanya.
"Ako na, Paul." Pigil ko sa kanya kase pakiramdam ko nakatingin na samin ang mga magulang at grandparents nya.
"Let me do this. Hindi mo din naman magagamot 'yan eh."
Hinayaan ko na lang sya na gawin iyon. Nilinis nya iyon sa pamamagitan ng betadine pagkatapos ay nilagyan ng bulak at binalot ng gauge ang palad kong nasugatan.
"Salamat," Tanging nasambit ko na lamang.
"Are you done?" Narinig kong tinig ng isang lalaki na sa tingin ko ay daddy ni Paul
"Yes, mom, dad, sorry kung hindi ko po agad kayo nabati. Pati na din po kayo lolo at lola."
"Ayos lang 'yon. Paupuin mo yang kasama mo at ikaw umakyat ka sa taas at magbihis." Paguutos ng dad nya sa kanya.
"H-Hello po," Nahihiyang bati ko sa kanila saka nagmano sa dalawang matanda na hinayaan naman nila.
"Maupo ka na," Sabi naman ng mommy ni Paul.
Naupo na lang ako sa bakanteng upuna na nanduon. Dumating din naman si Paul na nakabihis na at saka tumabi na sakin.
"Hindi na ba masakit?" May pag-aalalang sabi ni Paul.
Nailang naman ako dahil hindi sya dapat umakto ng ganyan sa harap ng pamilya nya.
"Would you mind to let us know who you were with, Paul?"
"Sorry, dad. Si Cy pala. Classmate ko po."
Nanatili lang akong nakayuko dahil hindi ko kayang iharap ang sarili ko sa kanila gayong nandito naman ako.
"Tungkol pala sa nabasag mo,"
"Aaminin ko po. Kasalanan ko po. Pasensya na po kayo. Papalitan ko na lang po." Tuloy tuloy kong sabi dahil sa sobrang kaba.
"Relax! Its okay. You don't have to do that. We know, you didn't mean it." Masayang sambit ng mommy ni Paul.
"So, you must be the classmate of our apo?"
Nakangiti ko namang tinugon ang grandparents ni Paul.
"I am so glad that you finally brought a friend here. Its been a long time. Paul." Masayang asik ng mommy nya.
"Mom!" Asik naman ni Paul.
"He never bring any of his friends ever since. Masaya akong makilala ka, Cy."
"Ako din po,"
"Then what brings you here anyway? I never thought that Paul would bring someone like you who treated like special."
"I see it too, honey."
"What do you mean special?" Asik naman ni Paul.
"We saw how really concern you are to your friend while you disinfect his hand." Sabat naman ng lola nya.
"Ginawa ko lang naman po 'yon kase pumayag sya na sumama dito. Bisita ko po sya at dapat ko lang po syang asikasuhin."
"Pumayag ba talaga sya o ikaw ang nang-aya sa kanya dito?" Mapangasar naman na sabi ng mommy nya.
"Ang totoo nga po nyan sumama po talaga ako dito sa kanya kase hiniling nya po."
"See. I knew it." Sabi ng mommy nya na para bang nagwagi sa tinayaan nyang bet.
"Anyways, how did you get that wounds on your face?" Tanong naman ng dad nya.
Nagkatinginan naman kaming bigla sa tanong na iyon ng daddy nya.
"Oh! My gosh! Let mee see it, my dear." Nag-aalalang sabi ng lola nya saka lumapit sa kanya.
"Ayos lang po ako, La. Nagkagulo lang po kase sa labas ng school habang pauwi na kami. Nadamay lang kami sa pagkakagulo ng mga tao."
"Kamusta ka na anak? May masakit pa ba sayo?"
"Wala na po. Wag na po kayong mag-alala. Ayos lang naman po ako."
"What about Cy? Ayos ka lang din ba? Wala bang masakit sayo?"
"Wala naman po. Ang totoo nga po nyan sinubukan po akong ilayo ni Paul sa gulo kaya siguro sya lang po yung nagtamo ng mga sugat." Pagsisinungaling ko na may katotohanan din naman.
"I am just worried sick." Sabi naman ni Paul.
"Mabuti naman at ayan lang ang natamo ninyo. Ano palang gagawin nyo ngayon?" Tanong naman ng dad nya.
"Magmo-movie marathon po, dad."
"Sige. Sabihan ko na lang si manang na hatidan kayo ng snack mamaya."
"I already told manang. No need to worry."
"If that's the case, would you mind some pizza? I'll call for order."
"If you insist, dad. It must be grateful to have some pizza."
"Ikaw, Cy. Anong gusto mo?"
"Ayun na lang din po."
"Okay,"
"May we excuse us, everyone?" Pagpapaalam ni Paul.
"Sure," Pagpayag naman ng dad nya.
"Pagpasensyahan mo na yung parents ko kung maraming tinanong sayo."
"Okay lang 'yon." Sabi ko na lang nang may biglang sumagi sa isip ko habang naglalakad kami paakyat ng hagdan.
"Matanong ko lang, tungkol pala sa sinabi ng mommy mo,"
"What about it?"
"Totoo bang ako pa lang yung kaibigan na unang dinala mo dito sa bahay nyo?"
"Yes, you heard them right."
"Pwede ko bang malaman kung bakit pero kung ayaw mong pagusapan okay lang sakin." Pagdidistansya ko sa usapan.
"Small things are not allowed to this house." Natatawa nyang sabi.
Pumasok na lang kami ng kwarto nya nang marating na namin ang ikatlong palapag. Nakita kong hinubad nya ulit ang suot na damit kaya agad naman akong umiwas ng tingin.
"Tapos na pala yung pinapanood natin."
"Actually, hindi pa nga natin napapanood tapos na." Saad naman nya.
"May nagustuhan pala ako sa mga bala mo. Pwede ko bang hanapin ulit?"
"Sure. I'm just gonna lay down myself."
"Wag mo nga ako englishin, Paul. Hindi ako sanay."
"Hindi ko din kase maiwasan lalo na't kakatapos lang tayo kausapin ng mga parents ko."
"Pansin ko nga. Hindi siguro ako makakatagal dito sa inyo kahit isang oras lang. Panigurado nagdudugo na ang ilong ko nun."
"That's not true. Sana kanina palang nagdugo na yang ilong mo."
"Oo nga naman. Isa lang ibig sabihin nun, nakakaintindi ako ng english." Natatawa kong sabi.
Nahanap ko na naman ang bala na gusto kong panuodin kaya nagpatulong na lang ako sa kanya na isalpak iyon sa dvd player. Naupo na lang ako sa paanan ng kama habang hinihintay ang palabas.
"Dito ka, Cy. Tabihan mo ko."
Nilingon ko naman ang kinaruruonan. Hindi ako magiging komportable kung tatabi ako sa kanya ng ganyan.
"Dito na lang ako. Masyado ng malayo sa tv kung dyan pa ako pupuwesto." Pagdadahilan ko na lang kahit na ang totoo kita naman kahit duon pa ako maupo sa tabi nya.
"Okay. Ako na lang tatabi sayo." Sabi nya saka tinabihan na lang ako.
Hindi ko na lang pinansin at itinuon na lang ang pansin sa pinapanood kong kasisimula pa lang.
Napatingin naman ako sa gawi ni Paul na idinapa ang sarili habang nakatukod ang mga siko sa kama para iangat ng bahagya ang sarili. Inayos ko ang pagkakasuot ng salamin ko saka ibinalik ang paningin sa pinapanuod.
Nakarinig naman ako ng mahihinang katok sa pinto at napatingin naman kaming dalawa duon.
"Ako na," Suhestyon ko.
Tumayo ako saka lumapit sa pinto para pagbuksan ang kumakatok. Nakita ko si manang na may dala dalang isang box ng pizza.
"Pinapaabot po ni sir,"
"Salamat po,"
"Ito pa po," Sabi nya sabay abot sakin ng dalawang malalaking milk tea.
"Salamat po ulit sa paghatid nito."
"Sige. Sa baba lang ako kung may kailangan po kayo."
"Manang," Tawag ko sa kanya bago sya tuluyang makababa.
"Bakit po?"
"May papakiusap lang po sana ako,"
"Ano po 'yon?"
"Kung maaari lang po sana wag nyo na pong lagyan ng po kapag kinakausap nyo po ako. Nakakahiya naman po sa inyo. Mas nakakatanda po kayo sakin."
"Ayos lang sakin 'yon. Isang paraan na din po ng paggalang sa mga bisita ng mga amo ko." May ngiti sa labi nyang paliwanag.
"Sige po. Salamat po ulit sa paghahatid nito." Sabi ko na lang saka hinayaan na syang umalis.
Pumasok na ako sa loob saka marahan na sinara ang pinto. Napahinto naman akong bigla sa nakita kong postura ni Paul.
Nakahiga habang ang ulo ay nakapataong sa isang kamay na para bang naghihintay sa asawa nya na samahan sya nito sa kama. Ipinilig ko naman ang ulo sa mga naisip.
"Bakit? May problema ba?"
"Wala naman," Sabi ko na lang saka dinala na sa higaan ang mga bitbit kong inabot ni manang.
Aaminin kong bumilis ang t***k ng puso ko sa nakita kong posisyon nyang iyon. Pakiramdam ko nag-iinit ang dalawa kong pisngi sa nakita kong iyon. Ang hot nya sa posisyong iyon. Ginising ko naman ang sarili ko sa mga bagay na tumatakbo ngayon sa isip ko.
"Dad, always know what's my favorite." Sabi nya saka masayang binuksan ang box ng pizza.
Inabot ko na din sa kanya ang isang large milk tea.
Inilapag ko muna sa sahig yung milk tea ko saka naupo na sa tabi niya na kumakain na ng pizza. Kumuha na din ako ng isang slice ng pizza.
Nakadalawa lang akong slice sumuko na ako kaya hinayaan kong sya na lang ang umubos ng natitirang anim na slice. Mukhang kaya naman nyang ubusin. Sabi nga nya, favorite nya kaya imposibleng hindi.
Iniupo ko na lang ang sarili sa ibabaw ng kama na naka-indian seat habang hinihigop ang milk tea na hawak ko.
"Argh! Busog na ako. Hindi ko na kaya." Asik nya.
Natatawang napatingin naman ako sa kanya saka sa natitirang dalawang slice.
"Hindi mo na kaya pero nakaapat ka na."
"Wala naman ng ibang uubos nito kundi ako na lang. Ayaw mo na kase eh."
"Wala namang may sabi na ubusin mo agad. Pwede mo namang kainin mamaya. Wag mong pilitin kung hindi mo kaya at saka bumangon ka nga dyan. Masama ang kumain ng nakahiga." Sabi ko na lang sa kanya na parang hindi pa makapaniwala.
"Hindi mo sinabi agad." Sabi nya saka mabilis na bumangon at naupo ng kagaya sakin.
"Akala ko naman kase alam mo. Sabagay rich kid ka kaya hindi na ako magtataka kung paano mo malalaman." Pang-aasar ko sa kanya.
"Wag mo ngang sabihin yan."
"Totoo naman ah." Natatawa kong sabi.
"Oo nga pero hindi kase ako sanay. Ayaw kong sinasabihan ako ng ganyang bagay." Malungkot na sabi nya.
"Okay," Sabi ko sabay humigop na lang sa milk tea na hawak ko.
Itinuon ko na lang ulit ang sarili sa palabas. Maganda naman yung napili kong bala pero hindi man lang ako makaramdam ng kahit anong kilabot.
"Pwede pahigop?" Nagulat naman ako sa sinabi nyang iyon kaya nagawi naman ang paningin ko sa kanya.
"Meron ka ah"
"Ubos na eh"
"Asan? Ang bilis naman."
"Oo nga. Ubos na." Sabi nya saka pinakita sakin ang wala ng laman na plastick cup.
"Ahhhh!" Nakanganga nyang usal habang hinihintay na pahigupin ko sya ng milk tea ko.
Bigla na namang nag-init ang dalawa kong pisngi. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Bakit ako nakakaramdam ng kakaiba. Napalunok na lang ako ng sarili kong laway.
"Gamitin mo yung straw mo," Sabi ko at aktong huhugutin na ang straw sa cup ko.
"Okay na yang straw mo,"
"Sayo na lang. Ikaw na umubos." Sabi ko na lang para makaiwas na ako sa pagpapacute nya.
Hindi dapat sya umaakto ng ganun, ako tuloy itong nahihirapang pigilan ang temptasyong namumuo sa loob ko. Alam naman nyang parehas kaming lalake. Hindi din sya dapat umaakto ng ganun na para bang kasintahan nya ang kasama nya.
Masaya naman nyang kinuha sakin ang kalahati ko pang milk tea saka ininom iyon. Itinuon ko na lang ang sarili sa pinapanuod.
Lumipas ang oras na hindi ko napapansin na matatapos na pala yung pinapanood namin na hindi naman pinanuod ni Paul. Sabagay napanuod na naman nya kaya siguro hindi na sya nanuod at tumutok na lang sa nilalaro nya sa cellphone. Ako na lang nagpatay ng sindi ng tv pati na din ng dvd player.
"Tapos na?" Nagtatakang tanong ni Paul.
"Oo. Hindi naman nakakatakot." Sabi ko na lang.
"Hindi ko napansin yun ah."
"Hindi mo naman talaga mapapansin kase busy ka sa cellphone mo."
"Hindi mo naman ako pinapagalitan nyan?"
Tumayo na lang ako saka lumapit sa bag ko para kunin ang cellphone ko kung may text ba sila mama sakin. Napatingin na din ako sa oras at alas kuwatro na pala ng hapon. Pakiramdam ko napagod ako sa nangyare ngayong araw.
"Uuwi ka na?" Sabi ni Paul.
Napalingon naman ako sa kanya.
"Hindi mo naman ako papayagang umuwi kase maaga pa."
"Buti alam mo."
"Talagang hindi mo ako papauwiin ah." Natatawang sambit ko.
"Hindi naman sa ayaw ko. Maaga pa naman at saka wala ka din namang gagawin sa dorm nyo pagkauwi mo."
"Meron kaya."
"Ano naman 'yon?"
"Matutulog. Gusto ko na kayang matulog."
"Kung gusto mong matulog pwede ka naman matulog dito sa kama ko. Hindi naman kita pinagbabawalan."
Hindi na ako umangal saka isinandal na lang ang sarili sa headboard at ipinikit ang mga mata. Napadilat naman ako nang ipaamoy sakin ni Paul ang paa nya. Napatingin naman ako sa kanya na tinatawanan ako. Opposite kami ng posisyon. Nakaulo sya sa paanan.
"Tingin mo ba makakatulog ako kapag ginagawa mo 'yon." Wala sa mood kong sabi kase pakiramdam ko inaantok na talaga ako.
"Hindi," Sabi nya saka bumangon sa pagkakahiga at humarap sakin habang ang kanang kamay ay nakatukod sa kaliwag gilid ko.