CHAPTER FOURTEEN POINT ONE

518 Words
Bigla namang bumilis yung t***k ng puso ko habang nakatingin sa mga mata nya. Masyado syang malapit sakin at wala na akong maatrasan kung sakali. Walang nagsasalita samin habang seryosong nakatingin sa isa't isang mata. Hindi ko alam pero may biglang kakaiba akong nararamdaman sa mga oras na iyon. Nabalik lang kami sa wisyo nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko naman kung sino yung tumatawag. Nakita kong nakarehistro duon ang pangalan ni James. "Hindi mo ba sasagutin?" "Hindi naman mahalagang tawag." Sabi ko saka pinatay na lang ang pagkakasindi ng cellphone ko. Umalis naman sya sa harapan ko at bumalik sa pagkakahiga. "Kung gusto mo matulog. Matulog ka na, hindi na kita iistorbohin." Nahiga na lang ako at tumitig sa kisame. Bakit kapag masaya ka ang bilis ng oras pero kapag malungkot at nagiisa ka pakiramdam mo ang bagal bagal ng oras. Kaya mas mabuting sulitin ko na lang yung mga ganitong pagkakataon para ng sa ganun hindi ko pagsisihan sa huli. "Paul," Tawag ko sa kanya. "Hmm?" Tugon naman nya. Bumangon ako sa pagkakahiga ko at isinandal ulit ang sarili sa head board. "Bakit ka pa nagpa-part time kung mayaman naman kayo?" "Yon ba. Wala lang. Gusto ko lang. Hindi porket mayaman kami aasa na lang ako sa yaman namin at uupo na lang." "Napansin ko din na may kotse naman kayo. Bakit nagko-commute ka pa? Hindi ba hassle 'yon?" "May kotse kami pero ayaw kong magpahatid sundo. By next year naman kukuha na ako ng student license para pwede na akong magmaneho." "Ginagawa mo ba 'yon dahil sakin kase sinusundo at hinahatid mo ko?" Pagtatanong ko sa kanya. Bumangon sya at humarap ulit sakin. "Aaminin ko sayo, gusto kong ginagawa ko iyon at yung sa part time job ko para talaga sayo 'yon. Sumama lang ako para mabantayan kita kase sa room pansin kong hindi mo masabi kung ano yung nararamdaman mo sa tuwing may nambubully sayo at baka ganun din sa pinapasukan nating part time. Lahat ng iyon gusto kong gawin kaya hinihiling ko na wag mo sana akong pagbawalan." Bakas sa mga mata nya ang labis na sinseridad habang sinasabi nya ang mga salitang iyon sa harap ko. "Hindi mo naman kailangan gawin 'yon. Hindi mo ko kailangan bantayan sa lahat ng oras. Hindi naman ako importanteng tao para gawin mo 'yon. Kuntento na ako sa kung anong pagkakaibigan ang binibigay mo sakin." "Naiintindihan ko pero hindi naman kailangan maging importante ang isang tao para tratuhin ng maganda." Tanging nasambit na lang nya saka nahiga ulit. "Salamat," "Wala 'yon." Hindi naman sa ayaw ko pero may mga bagay talaga minsan na hanggang dun lang. Mga bagay na binibigyan ng limitasyon. Katulad na lang ng ginagawa nya para sakin alam kong hindi dapat pero hinahayaan ko dahil wala namang masama, wag lang lalampas sa limitasyon ng pagkakaibigan namin. Hindi ko naman minamasama iyon bagkus natutuwa pa ako na may kaibigan akong katulad niya. Natulog na lang ako ng hapon na iyon. Gigising na lang ako bago ang oras para sa pagpasok namin mamaya dahil uuwi pa ako ng dorm para maligo at magbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD