SIONREEX VREL'S POV.
"Balita ko lasing ka daw kagabi tol." tinapik ako ni Luiwen sa balikat tsaka naupo sa tabi ko.
Kaunti palang rin ang estudyante dito sa room. Mabuti ng kaunti lang ang makaalam, masyado akong gwapo para lang masabihang isang dakilang lasinggero.
"Yeah, siguro." walang gana kong sagot.
"Ano bang dahilan at naglasing ka na naman Sion?" ngumunguyang tanong ni Ishvar.
"Trip ko lang." tugon ko.
"Hindi ka maglalasing ng ganon kung trip lang, kilala ka namin." maintrigang tanong ni Tres.
"Eh kung bagohin natin yung tanong, gawin nating... Sino ang dahilan at bakit ka naglasing kagabi?" maaksyon pang tanong ni Luiwen, agad ko s'yang binato ng kinusot kong papel.
"Pag-aaral n'yo atupagin n'yo kung ayaw ninyong makakuha ng singko." singhal ko tsaka nilakasan ang volume ng headphones ko.
Napa buntong-hininga na lamang ako tsaka nagpatuloy sa pakikinig ngunit maya-maya ay tinanggal ko rin ang headphones ko. Totoong naglasing ako kagabi, at totoo ring hindi 'ano' ang akmang tanong kundi 'sino'. I have Winzey, my girlfriend for almost 2 years. Isang buwan bago bumalik ang klase ay naging malamig na s'ya sa akin.
I can't understand her anymore, getting angry for such small stupid things tapos hindi ako kakausapin ng isang linggo, ramdam kong may mali sa aming dalawa ngunit mas pinili kong manahimik, gago ako pero ayaw ko s'yang mawala sakin, I love her, damn.
"Acquiantance party will be held on August 30, mas pinaaga, there will be a lot of activities on the month of september and october." bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang anunsyong iyon.
Tsaka ko lang nalaman na halos kalahating oras na pala akong nakatulala. Napaayos ako ng pagkakaupo tsaka nakinig sa teacher.
"Ano po bang theme ng party natin, Maam?" tanong isa sa mga kaklase ko.
"It will be a semi cosplay event, you will wear your desired costumes for that day." tugon ng teacher, namangha ang lahat, ang iba ay halos napatayo pa sa sobrang pagka-excite.
Cosplay? the heck? hindi ba kami magmumukhang timang do'n? at tsaka paano namin makikilala ang isa't-isa kung ganoong naka costume ang lahat?
*SCHOOL BELL*
"What the shet, cosplay? ano namang susuotin ko?" palakad-lakad na sambit ni Tres sa harap naming tatlo nina Luiwen at Ishvar,
Maya-maya pa ay biglang tumunog ang phone ni Ishvar, tumayo s'ya para kunin ito tsaka sinagot.
"Hello? yes nandito sa Gym... No, walang ibang tao dito bukod sakin, pero may kasama akong tatlong unggoy... sige, I'll wait, mm bye." aniya tsaka pinatay ang phone, Sira ulo.
"Gagong to, eh kung unggoyin ka kaya namin d'yan? Sino 'yon?" tanong ni Tres, natatawang bumalik sa pagkakaupo si Ishvar.
"Kinakapatid ko, may pinapabigay daw si ninong kay daddy." tugon ni Ishvar dahilan para dali-daling magkumahog papalapit si Tres, palibhasa'y patay na patay.
"S-Si Sxylene?" tanong nito, natatawang napailing nalang si Ishvar.
"Alam mo ikaw tol taksil ka rin eh, siguro kaya ayaw mo ko ireto kay Sxylene kase dumadamoves ka don?" tanong ni Tres, minsan talaga ay pupwede mong pagdudahan na nagdodroga to.
"Simula pagkabata magkapatid na turingan ni Sxylene at Ishvar, umayos ka nga." suway ko tsaka sumandal sa kasunod na bench sa likod ko.
"At isa pa, kahit na ireto ka ni Ishvar kay Sxy, hindi ka parin papatulan non hahaha!" pangaasar ni Luiwen na sinakyan rin namin.
"Wala kayong kwentang utol, wag lang talaga kayong magkakagusto sa babaeng hindi kayo gusto, tatawanan ko talaga kayo." banta n'ya tsaka nahiga sa bench, napatingala nalang ako, how are you now bubby?
Hindi ko maiwasang isipin si Winzey. Ilang araw na kaming hindi nakakapag-usap ng maayos. Ang parati n'yang dahilan ay marami s'yang ginagawa, ngunit taliwas iyon sa palagi kong nakikita, palagi lang naman s'yang may katawag sa phone, kung minsan ay nakikipagusap lang sa mga kaibigan n'ya. Mahal mo pa ba ako?
"Kamusta kayo ni Win, tol? ikaw parin ba ang WINner sa puso n'ya? oh baka WINnasak ka na ngayon kaya nakatulala ka d'yan?" napailing nalang ako dahil sa tanong ni Luiwen,
"Corny mo, syempre ako parin ang winner sa puso n'ya." ako parin ba talaga?
"Naks naman! ganyan dapat ang fighting spirit! kahit alam mong hindi na ikaw, ipaglaban mo parin, fighting!" pangaasar ni Luiwen, inambaan ko s'ya ng hampas kaya agad s'yang umalis sa tabi ko.
"Eto tol, payong kaibigan, mag move-on ka na ngayon palang." seryosong sambit ni Ishvar, "Sigurado akong ginagawa ka nalang pampalipas oras non." dagdag n'ya, agad akong napasinghal,
"Hindi n'ya ako ginagawang pampalipas oras, dahil wala naman talaga s'yang oras sakin." singhal ko, batid kong nagkatinginan silang tatlo ngunit ipinag-sawalang bahala ko nalang.
"Ishvar!" bigla ay umalingawngaw ang tinig na iyon ng isang babae,
"Hey Sxy!" biglang tugon ni Ishvar, ng tingnan ko kung sino ay nalaman kong si Sxylene iyon,
"How are you, long time no see!" magiliw na bati ni Sxylene sa kinakapatid, natanaw ko naman si Tres na ngayon ay nakanguso na habang masama ang tingin sa dalawa.
"Yeah, it's been a long time, by the way, mga kaibigan ko nga pala." inilahad ni Ishvar ang kamay upang ipakilala kami, "Hey idiots, introduce yourselves." aniya,
Itinaas ko lang ang kamay ko tsaka bahagyang ngumiti, "Sionreex Vrel, you can call me Vrel." sambit ko, nginitian rin ako ni Sxy tsaka s'ya naglipat ng tingin kay Luiwen.
"How about you?"
"Ahm hi, I'm Sanjie Luiwen, Luiwen for short." nakangiting pakilala ni Luiwen.
"And you are?" tanong ni Sxylene na ngayon ay nakay Tres na ang paningin, para namang naestatwa si Tres sa kinauupoan, kadiri ma-inlove 'to, namumula pa pisngi.
"Ah Sxylene, si Tres nga pala, alaga naming unggoy." pangaasar ni Luiwen, inambaan lang s'ya ng sipa ni Tres tsaka tumingin kay Sxym
"I'm Tresylie Rem, babe for short." kampanteng aniya habang inilalahad pa ang kamay.
"Hi Rem." pakikipag-kamay ni Sxy, tahimik kaming natawa.
"Aww busted." pangaasar ni Tres sa sarili.
"Sabi sayo di ka papatulan ni Sxy eh." Panggagatong ni Luiwen.
"Hahaha tsaka na kita bubustedin kapag nanligaw ka na." natatawang saad ni Sxylenem
Bakit pa manliligaw kung alam na n'yang mabubusted s'ya? aishhh.
"Mauna na ko Engineer Ishvar Raigem Zoran, and to all of you, see you when i see you." paalam sa amin ni Sxylene.
"You too, Attorny Sxylene Murado, see you around." paalam rin ni Ishvar, ngumiti nalang kami habang papalabas si Sxylene sa gym.
"Ang ganda talaga n'ya sheeeeet!" nauulol na sigaw ni Tres, "Dapat ko yatang pasalamatan ang nanay n'ya dahil pinanganak n'ya ang pinaka-magandang binibini sa mga mata ko." nahihibang na dagdag n'ya.
"Baliw ka na." natatawang anas ko.
"Wala bang kambal si Sxylene? para meron rin ako." nakangusong tanong ni Luiwen.
"Sxylene have a twin, pero hindi sila identical." tugon ni Ishvar, "And nawala ang kambal n'yang 'yon, dalawa ang ipinanganak ni tita pero isa nalang ang naabutan sa nursery, ang sabi ay nasa morgue na ang isa, peronhindi naniniwala si Tita, alam n'yang buhay ang kambal ni Sxy." saad ni Ishvar, talamak parin pala talaga ang pagnanakaw ng bata?
"Hindi parin nahahanap?" tanong ni Tres,
"Walang kahit na anong clue sina tita at ninong, buhay naman daw ang bata nang ipinanganak, basta ang naabutan nila ay bangkay nalang sa morgue, alam daw nilang set up lang 'yon." paliwanag ni Ishvar, nagpatuloy lang ako sa pakikinig,
"Eh sa CCTV? baka makita kung anong nangyari." tanong ni Luiwen.
"Kasagsagan ng first apocalypse ang taon na 'yon, maraming sirang gamit noon, kasama na ang cctv ng ospital kaya walang ebidensya." si Ishvar,
"Kawawa naman, hindi ba talaga nalaman kung nasaan?" wala sa sariling tanong ni tres,
"Nasubokan na nilang magpahula dahil iyon nalang daw ang natitirang pag-asa, noong una ay tumutol ang mommy ni Sxy pero pumayag nalang rin, base sa hula, buhay daw ang bata, at hindi nga talaga ito kamukha ni Sxy, ewan ko." mahabang saad ni Ishvar, totoo ba ang mga hula?
"Ano may plano pa ba kayong mag-aral? anong oras na oh, malelate na tayo." dinuro pa ni Tres ang sariling relo, "Arat na!" anyaya n'ya, wala gana pa muna akong napatayo.
"Pre si Winzey!" awtomatiko akong natigilan sa sigaw ni Ishvar, tsaka ko sya nilingon, doon ay nakita ko si winzey habang naglalakad papasok ng astrodome, "May try out nga pala ang basket ball girls ngayon." dagdag ni Ishvar.
Oo nga pala, natural na narito sila dahil sya ang cheer leader ng cheering squad nila.
"Hi bubby." bati ko sa kan'ya ng makalapit kami,
"Hi bubby, I miss you." aniya ngunit hindi ko makita ang sinseredad, dinig ko na ang nagtatalbugang bola, nagsisimula na ang try out.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kan'ya,
"Bubby, kailangan ako ngayon eh, maybe next time? okay?" aniya, bagsak ang balikat nalang akong ngumiti, "Aray!" biglang daing ni Winzey ng malakas na natamaan ang ulo n'ya ng bola na galing sa kung sino man ang nagpatalbog, mas kinabahan ako nang hindi na s'ya nagmulat matapos matumba.
"Bubby! hey??" tawag ko, wala s'yang malay habang nasa sahig, malakas ang pagkakatama ng bola, "Where did that f*****g ball came from!?" galit na tanong ko sa lahat ng naglalaro, "Answer me!!" sigaw ko.
Agad kong naibaling ang paningin sa pamilyar na babaeng may hawak ng bola na tumama sa ulo ni Winzey.
"Sayo galing 'yang bolang 'yan??" tanong ko, s'ya yung babaeng manhid na nakita ko noong kumanta ako at bumato sa akin ng papel, "Disabled ka ba??" tanong ko, hindi s'ya nagsasalita.
"Tol, tama na 'yan, nadala na sa clinic si Winzey, come on." awat sa akin ni Tres ngunit hindi ako sumunod,
"Bulag ka ba!?" dagdag na tanong ko, hindi parin s'ya nagsalita, "Kapag may nangyaring masama kay winzey, malalagot ka sakin! mark my words." sambit ko tsaka umatras at tumakbo palayo para pumunta sa clinic.
Ng makarating ako sa labas ng clinic ay nakita kong nakahiga si Winzey sa kama. Natanaw ko naman sina Luiwen, Tres at Ishvar na papunta sa direksyon ko.
"Hey, is she okay?" tanong ni Luiwen,
"I hope so, yari talaga sakin 'yong babaeng 'yon." galit na tugon ko,
"Hayaan mo na 'yon tol, aksidente ang nangyari."
"Then f**k that accident! ang layo namin sa kanya tapos natamaan ng bola si Winzey!? ano 'yon nag teleport yung bola!?"
"Kalma tol, magiging maayos si Winzey."
Pilit kong ikinalma ang sarili ko tsaka muling sinilip ang loob ng clinic. Sa ganitong ngayon lang kami nagkita at ngayon ko lang s'ya nakitang nawalan ng malay at naisugod sa clinic ay labis na ang kaba ko. Gagong babae 'yon.
"Vrel." agad akong napalingon ng may tumawag sa akin.
"Mr. Delgado." tugon ko, s'ya ang adviser at coach ng basketball girls.
"Here is Miss Decan, s'ya ang nakatama ng bola kay Miss Henarez." sambit ni coach, bigla ay nilamon ako ng kahihiyan.
"Eh yung babaeng pipe? s'ya ang may hawak ng bola." giit ko, umaasang hindi ako mapapahiya sa pambibintang ko kanina.
"Yeah, kinuha n'ya yung bola dahil inutos ko, I'm sorry for what happened." sambit ni Sir.
"I-I'm sorry Vrel, hindi ko sinasadya." paghingi ng paumanhin ng babae, tumango lang ako sa kanila.
"Pasensya na ulit, babalik na kami doon, paki update nalang ako sa lagay ni Miss Henarez." dagdag ni Mr. Delgado bago umalis.
"Oh bili na kayo d'yan! PAHIYA sampong piso lang!" pangaasar ni Luiwen, agad ko naman s'yang binatukan.
"Assuming ka tol, di ka naman inaano nung babae eh." gatong pa ni Ishvar.
"Malay ko ba." tugon ko nalang.
"Sana all napahiya." sambit ni Tres, sinamaan ko lang sila ng tingin.
"Bakit kaya di nagsasalita 'yon? nagtataka lang ako mga 99.9%" tanong ni Luiwen.
"Baka nakalock yung panga." natatawang tugon ni Ishvar.
"Baka abnormal" gatong ko tsaka sinulayapan ko muna si Winzey sa loob tsaka naglakad, "late na tayo tara na."
"Uy nakokonsensya!"
"Shut up, Tresylie!"
"Fine, Sionreex!"
Ano kayang tono ng boses nung babaeng 'yon?