CELL 4

2146 Words
MYOZI'S POV. "Kamusta ang unang araw ng eskwela?" tanong ni lolo, Nakaupo kami ni Harry ngayon sa sementong lamesa ng templo. Nakasanayan na namin ang dumiretso dito paguwi simula noong malaman namin ang kapangyarihan na mayroon kami. "Ayos naman po lolo." tugon ni Harry, "Mabuti naman kung ganoon, natagpuan n'yo ba sila?" agad akong napatingin kay Harry ng itanong iyon ni lolo, hindi namin sila natagpuan ngayong araw. "H-Hindi pa po lolo, siguro ay kinakailangan muna naming galitin ang lahat ng estudyante sa academy bago namin malaman kung sino ang mga kabiak namin." saad ko, nakangiti kaming nilingon ni lolo tsaka s'ya naupo sa harap namin. "Hindi pa sila tumutungtong sa edad na bente, kahit na galitin n'yo sila ay wala kayong mapapala, dahil hindi pa lumalabas ang kapangyarihan na mayroon sila." tugon ni lolo tsaka sumimsim ng tsaa. "Mukhang mas mahihirapan po kaming hanapin sila kung ganoong wala pa silang kapangyarihan." usal ni Harry, paano nga naman namin sila mahahanap kung gano'n? "Kabiak n'yo sila mga apo, ramdam ng magkabiak ang isa't-isa. Hindi kailangang gamitin ang mga mata dahil mararamdaman n'yo sila." saad ni lolo, agad na nangunot ang noo ko, Mararamdaman? dahil sa pagod ay wala na akong maalala buong araw, marami akong naramdaman ngunit hindi ko na maalala. Pwede kayang nakita na namin sila ngayong araw? o kaya naramdaman na namin ang presensya nila? "Kailangan n'yo silang mahanap sa lalong madaling panahon. Bago pa man maganap ang araw ng paghahari ng kadiliman, kumpleto n'yo na ang mga naturang simbolo." dagdag ni lolo habang inililipat ang paningin sa pader kung saan matatagpuan ang nakaukit na malaking bilog sa bato kung saan nakapaloob ang apat na simbolo. Ang hugis puso at club lang ang umiilaw. Ang spade at diamond ay nananatiling walang buhay. "Bakit nga ho pala hindi umiilaw 'yang dalawang simbolo?" tanong ni Harry, "Baka napundi?" tugon ko, sinamaan n'ya ako ng tingin kaya agad akong napatikom, "Dahil hindi pa sumasapit ang ika-dalawampung kaarawan ng dalawang taong nagtataglay ng mga simbolong iyan." paliwanag ni lolo, marahan naman akong napatango. Kung ganoon ay ika-dalawampung kaarawan na nila sa oras na umilaw ang mga simbolong iyan. Sa pamamagitan niyon ay malalaman namin kung sino ang may hawak ng isa sa mga simbolo. Makakaya naman siguro naming alamin kung sino-sino ang may birthday sa mismong araw na umilaw ang isa sa dalawang simbolong natitira. "Ibig sabihin po ba ay kusang iilaw at makukumpleto ang mga simbolo?" tanong ni Harry, "Kalahating pursyento ang liwanag na manggagaling sa mga simbolo sa oras na tumungtong sa ika-dalawampung karawan ang isa sa kanila." saad ni lolo na ipinagtaka ko, paano naman ang kalahating pursyento? "Paano po makukumpleto ang liwanag ng simbolo?" tanong ko, "Sa oras na mailapat ng taong itinalaga ang kamay n'ya sa simbolong pagmamay-ari n'ya, sa pamamagitan niyon ay makukumpleto ang lahat, walang dadanak na dugo kung magagawa n'yong hanapin ang dalawang natitirang tagapag-ligtas bago sumapit ang araw ng tagumpay na paghahari ng kadiliman sa mundo." mahabang paliwanag ni lolo habang naglalakad patungo sa bilog ng apat na simbolo. "At kapag hindi namin sila kaagad nahanap bago ang dark apocalypse, ibig sabihin po ay dadanak ang dugo?" tanong ni Harry, bumuntong-hininga pa muna si lolo bago marahang humarap sa amin, "Maraming buhay ang mawawala." tugon n'ya na ikina-kaba ko. Ngunit hanggang ngayon ay pala-isipan sa akin kung bakit isa ako sa mga napiling maging parte ng LOS CUATRO SALVADORES. "P-Pwede po ba akong magtanong, lolo?" nagdadalawang isip na paghingi ko ng permiso, "Ano iyon, hija?" "Ano ho ba ang basehan nila sa pag-pili ng mga itinalaga?" "Base sa kasamaang nagawa ng mga magulang at ninuno ninyo." diretsong sagot ni lolo, napalunok ako sa sagot n'ya, anong kasamaan ang nagawa ng pamilya ko? "Ano po ang ibig n'yong sabihin?" tanong ni Harry na batid kong hindi rin makapaniwala, marami pa talaga kaming hindi nalalaman. "Myozi Ree Marche, anak ng mga Marche na kilala sa pag-aabogasya, ikaw ang itinalaga dahil sa pagpanig ng mga magulang mo sa kasinungalingan, kesa ipaglaban ang katotohanan." saad n'ya, wala akong naitugon kundi ang pagkurap dahil sa nalaman ko, Simula ng maipanganak ako ay batid ko na ang rangya ng pamumuhay namin. Ni minsan ay hindi ako nabigyan ng atensyon ng mga magulang ko dahil abala sila sa pagaayos ng buhay ng iba. Kaya ni minsan ay hindi ko nalaman na ganoon pala ang ginagawa nila. "Harry Doze Garvez, anak ni Apollo Garvez na kilala sa larangan ng mahika. Ibenenta ng iyong ama ang kan'yang sarili sa kadiliman upang maisagawa ang mga hilig n'ya." saad ni lolo, nilingon ko si Harry na ngayon ay nasa malayo ang tingin, batid kong hindi rin ito makapaniwala sa narinig, Ibig sabihin ay produkto kami ng kasamaan ng mga magulang at ninuno namin. Ang inakala naming normal na pamilya ay nababalot rin pala ng kasamaan. Halos hindi ko mai-pasok sa utak ko ang lahat ng nalaman ko mula kay lolo. "At ang dalawang natitira? ganoon rin ba ang basehan kung bakit isa sila sa mga itinalaga?" tanong ni Harry, naunahan n'ya ako sa tanong na iyon, "Ang itinalaga para sa demonic spade symbol ay ang nagiisang anak ng pamilya na ngayon ay namamayagpag ang pangalan sa halos kalahati ng kontenente ng asya, ngunit sa itinaas ng antas ng kanilang pamumuhay ay hindi nila magawang tumulong sa kapwa." tugon ni lolo, agad akong nabuhayan ng loob sa hint na ibinigay ni lolo. "Lalaki ho?" tanong ko, marahang tumango si lolo tsaka muling humigop ng tsaa. "Ibig sabihin ay madali nalang para sa amin na hanapin ang lalaking nagmamay-ari ng demonic spade symbol." wala sa sariling sambit ni Harry, maging ako ay natuwa, ngunit may isa paring problema, paano naman ang nagmamay-ari ng demonic diamond symbol? "Isa nalang ang problema, ang nagmamay-ari ng dyamanteng simbolo." sambit ko, ng sambitin ko iyon ay natigilan si lolo, hindi ko batid kung ano ang mali sa sinabi ko. "Ang pinaka malakas na simbolo." maikling sambit ni lolo, doon ay agad na lumakas ang kalabog ng dibdib ko, nakakapag-taka ang kakaibang kaba na nararamdaman ko. "Pinaka-malakas? ibig sabihin ay lalaki ang nagmamay-ari ng dyamanteng simbolo?" tanong ni Harry, ilang segundo pa munang nanahimik si lolo, para bang mabubutas na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko, "Ang pinagsama-samang lakas at pwersa ng mga simbolo na nasa inyo ay kalahati lamang ng lakas n'ya, mga apo, mas dapat ninyong katakutan ang lakas n'ya kesa uma-alburotong bulkan. Ang tao sa likod ng dyamanteng simbolo ay walang itinuturing na pamilya, simula ng maipanganak ay hawak na s'ya ng pamilya ng mga dyablo, ulila s'ya simula pagka-bata hanggang sa maging dalaga." dalaga? "Babae?" "May dalaga bang lalaki?" Pambabasag ko sa tanong ni harry, sinamaan n'ya lang ako ng tingin tsaka muling naglipat ng tingin kay lolo. "Isang hindi pang-karaniwang babae ang s'yang itinalaga upang dalhin ang dyamanteng simbolo." tugon ni lolo, nabuhayan ako ng loob, marami na kaming pwedeng pagbasehan upang mahanap ang dalawa pang natitirang itinalaga. Isang hindi pang-karaniwang babae? pano yun? matangkad pa ba s'ya kay Kobi? oh kaya maganda pa kay Liza Soberano? O kaya naman lumilipad o bumubuga ng apoy? paanong pang-karaniwan ba ang tinutukoy ni lolo? Maraming babae sa Underworld Academy, karamihan ay talagang palaban at malakas ang loob, kaya naman siguradong sa dyamanteng simbolo kami mahihirapan. Batid kong mabigat ang responsibilidad na iniatas sa amin ngayon. Marami parin akong hindi maintindihan, kung bakit kabutihan ang hangarin ng lahat kung ganoong dyablo ang sumasakop sa katawan ng mga itinalaga? Kung bakit pupuksain namin ang kadiliman gamit ang dilim? Kung bakit ganito kahirap ang misyon na iniatas sa amin? Hanggang sa paglalakad pauwi ay hindi ko maialis ang isipin sa napag-usapan namin nila lolo. Parang ayaw ko na tuloy umuwi sa bahay. Ngunit wala akong magagawa kundi umuwi, sabagay, wala rin naman akong magulang na aabutan sa bahay, paniguradong abala na naman sila sa pagaayos ng nasirang buhay ng iba. "Buwan ng Agosto ngayon, at sa oktubre na ang acquaintance party." saad ni Harry, napatigil ako sa paglalakad, Malaki ang tyansa na makilala namin sila sa mismong party. "May plano ka ba?" tanong ko, humarap s'ya sa akin tsaka huminga ng malalim, "Wala, masyadong ukopado ng kung ano-ano ang utak ko para makaisip ng plano." tugon n'ya tsaka naglakad papalayo, bagsak ang balikat akong naglakad pasunod sa kanya, maging ako ay walang maisip na plano, lutang ako dahil sa mga sinabi ni lolo. Hoy isa sa mga itinalaga! kayo nalang ang lumapit sa amin please, paano ba kase namin kayo makikilala? huwag n'yo na kaming pahirapan! ~BEEP! BEEP!~ "Zi!" agad na tumakbo papunta sa akin si Harry tsaka ako hinawi paalis sa pwesto ko, "What the f**k pare hindi ka ba nagiingat!?" bulyaw ni Harry sa lalaking nagdadrive ng kotse, muntik na pala akong mahagip ng sasakyan na ngayon ay nasa harap ko. "Ako? nagiingat ako, baka kayo... kayo ang hindi *huk* hindi kayo nagiingat." tugon ng lalaking driver, ng tingnan ko ang lalaking nasa driver seat ay nalaman kong lasing sya, mapula ang gwapo n'yang mukha, magisa lang rin s'ya. "Huwag mo kaming sinisisi, sa susunod wag kang magdadrive ng lasing, stupid!" sigaw ni Harry dito tsaka tumingin sa akin, ocean green na ang mga mata n'ya. Kapag nagagalit kami o nilalamon ng dilim ang katawan namin ay nagbabago ang kulay ng mga mata namin sa kung anong kulay ng simbolo na ipinagkaloob sa aming mga itinalaga. Ang akin ay violet, ang kay Harry ay green, at bagaman hindi ko pa nakikita ay batid kong orange ang kay spade at blue ang kay diamond. "Ano bang gusto mong mangyari!?" sigaw ng lalaki, hinawakan ko ang kamay ni Harry upang pakalmahin s'ya. "Don't drive when you're drunk, Sir. Pasensya na sa abala." paalam ko tsaka hinila papalayo si Harry, hinayaan kong pumasok sa akin ang kalahati ng demonyong tinatago ko para lang mahila ang nagmamatigas paring si Harry. "Bakit mo ako nilayo do'n!?" ako naman ang bimulyawan n'ya, sira ulo to ah? "Eh kung mapatay mo 'yon, ha? anong laban sayo non?" inis na sabi ko habang itinuturo pa ang pinanggalingan namin. "Hindi ko s'ya sasaktan Zi, I wanna drive him home." aniya tsaka naglakad pabalik, may sayad talaga to sa utak. "But you're mad kanina." habol na sabi ko habang sumusunod sa kan'ya, batid kong natigilan s'ya sa sinabi ko. "S-Syempre muntik ka ng masagasaan, dapat ba matuwa ako dahil do'n?" sarkastikong tanong n'ya, napangiwi nalamg ako, pero grabe naman ata ang galit n'ya dahil lumabas ang natatagong kulay ng mga mata n'ya, hays bahala na nga. "Hey, sit here, I'll drive you home." tinapik ni Harry ang passenger's seat, ngunit nanatiling masama ang tingin ng lalaki sa kan'ya, "I can manage pare, iuwi mo na 'yang chick mo." nakangising tugon ng lalaki, pansin ko na naman ang pagpipigil ni Harry, ngayon ko nalang ulit nakita ang ganitong pagpipigil niya. "Are you sure? kilala kita, you're my school mate. I'll be the one to blame if i will not drive you home and may nangyaring masama sayo." saad ni Harry, ngunit bakas parin sa mukha ng lalaki na ayaw n'ya sa offer ni Harry, matigas din ang ulo. "Kagaya ng sinabi mo, you know me *huk* I'm one of the campus crushes, idiot. I can manage and do whatever i want because I am Sionreex Vrel Terrico, got it?" pasadahe nito tsaka kumambyo at pinaharurot ang sasakyan palayo, agad kaming napaiwas ni Harry. "Tsh, lango na s'ya sa alak." singhal ni Harry tsaka nakapamulsang tumayo sa gilid ko. Pamilyar ang pangalan n'ya, I saw it somewhere. Hindi ko matandaan kung saan ngunit alam kong narinig o nabasa ko na ang pangalang iyon. Sobra akong nabibilib sa pangalan n'ya, para bang hindi malaman kung saang bansa nagmula. Pang earth ang apilyido ngunit pang jupiter ang pangalan. "Myozi?" agad akong bumalik sa reyalidad ng tawagin ako ni Harry, agad ko s'yang nilingon, "I'm calling your name for almost fifty times, plano mo bang tumayo dito magdamag?" inis na tanong n'ya. Hindi ko namalayang lumutang ang isip ko, napanguso nalang ako tsaka hinintay s'yang humakbang paalis ngunit nanatili s'yang nakatingin sa akin. "Crush mo ba yon?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong n'ya, kahibangan. "Hindi ah!" "Tsh, then why are you acting like that?" "Like what?" "Lutang ka, parang hindi yata mawala sa isip mo ang imahe nya." aniya tsaka nagsimulang maglakad, natanggalan yata ng tornilyo sa utak 'to, kung ano-anong iniisip. "Hoy nahihibang ka na ba? kaya ako natulala kase parang narinig o nabasa ko na yang pangalan na yan kahapon." habol ko, walang kainte-interes naman s'yang napatango. "Okay." tugon n'ya, kailangan ko yatang hagilapin ang turnilyo na natanggal sa utak n'ya para maikabit ulit. Para naman akong tikling na tatalon-talon papunta sa tabi n'ya tsaka sinabayan s'ya sa paglalakad. Ngunit ang talagang mapang-asar kong kaibigan ay nilakihan ang mga hakbang n'ya dahilan para hindi ko s'ya masabayan sa paglalakad. Palibhasa'y matangkad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD