So far, masasabi kong fulfilling ang booth namin. Nawala ang pagod namin sa nagdaang tatlong araw dahil sa positive review ng costumers namin. Nag-reflect 'yon sa kinita ng booth. Ang revenue na nakuha kasi ay lumagpas pa sa in-e-expect namin. Umabot ito ng five thousand pesos in just three days! Dahil doon, mas lalo kaming ginanahang mag-trabaho.
Ilang araw na rin na hindi kami nagkakasama ng mga kaibigan ko. Busy kasi silang lahat sa kanya-kanyang ganap sa buhay. Nagkikita lang kami sa tuwing pumpunta sila dito sa booth.
Si Cygny ay pumupunta dito before mag-lunch kasama ang ibang student officers. Sina Magne at Vaeden naman ay pumupunta dito tuwing lunch. Si Ben 10 naman ay hindi na uli bumalik pa dito. Sa aming lahat, siya talaga ang pinakabusy.
Samantala, kagagaling lang dito kanina ni Marco at kasama niya si Ma'amshie. Wala kasi siyang laro today kaya free day niya daw para mag-gala.
Kwento niya sakin, habang nag-gagala daw siya, napagalitan daw siya ni Ma'amshie dahil sa results ng kanyang exams. Knowing Ma'amshie, alam niyang wala nang parents si Marco kaya sobrang tinutukan niya talaga ang kaibigan ko. Para daw hindi na siya pagalitan ni Ma'amshie, niyaya na lang daw niya itong kumain dito sa booth namin.
Nang matapos na silang kumain, gusto pa nga ni Marco na mag-stay dito sa booth kaso tinaboy ko siya. I told him that the last thing I want to deal with today is him bitching me for the whole day. Pinilit ko na lang siya na sumama na lang sa iba naming kaibigan.
But the truth is . . . ayoko lang talagang mas mapalapit pa sa kanya. Ayoko muna siyang makasama. Para tantanan na ako ng kirot sa puso ko sa tuwing nakikita kong magkasama sila ni Cygny.
Kasi alam ko, ang toxic at ang irrational na ng nararamdaman ko.
I just want to forget my feelings towards him.
That's all.
Napaganda pa nga na sumaktong may event sa school nang isang linggo. May panahon ako para makapag-move on . . . kahit wala namang kami.
Ang tanga lang.
Ngayon ay two thirty na ng hapon kaya't nagsimula na kaming mag-sara ng booth.
Si Harper ay nagpasya nang umuwi dahil masama daw ang pakiramdam niya. Sina Veronico at Rafael naman ay may kanya-kanyang lakad daw na pupuntahan. Samantalang sina Cath at Steph ay pupunta sa seminar na nirequire ng subject na mayroon sila. Pinipilit pa nga nila akong sumama sa kanila pero humindi ako, tiyak naman kasi na aantukin lang ako doon.
I'm now walking on the crowded school ground with my white shoes and jumper denim skirt. Tinernohan ko iyon ng cream pink t-shirt ko.
It was really crowded here. The loud noise becomes a lonely song for someone like me who's not used to being alone. I suddenly feel the people to eye at me. Bagay na lagi kong nararamdaman kahit na hindi naman talaga sila nakatingin sa akin. Hindi kasi ako sanay nang mag-isa lang lagi. I find comfort in camaraderie while on the other hand, I find awkwardness on being alone.
Umupo na lang ako sa bench na kung saan, may dalawang lalaking nakaupo. I get my phone then start typing a message on our Group Chat.
I hit the send button.
You
Saan kayo? I'm free, gala tayo.
I place my cell phone on my lap as I look around. Suddenly, I hear the guys beside me talking. "Dude, ang sarap niya. Ang swerte mo talaga! Next time, ako naman ang iisa diyan."
I faced them with my knitted brows. Disgusting. These guys are the real epitome of men are trash.
Naramdaman din siguro nilang nakatingin ako sa kanila kaya umiwas ako ng tingin. On the corner of my eyes, I can see them look at me as if they know me.
"Margot, right?"
I blink and then turn my gaze on them again. Paano niya nalaman ang pangalan ko? I stare at the guy beside me then something familiar caught my attention.
"Ka-teammate namin si Marco, I am the Captain Ball of our team. Lagi ka niyang na-ku-kwento sa amin, eh." He added while smiling.
I nod. Natatandaan ko na, siya 'yung nakabangga sa akin noong practice game nila. Halos matumba nga ako n'on, mabuti na lang at naalalayan ako ni Ben 10.
"Ako nga pala si Lucan and this is Paige." He points his index finger to the guy sitting on his other side.
Ngumiti ako nang tipid. "Nice meeting you."
They smile at me but for some reason, it makes me shiver. It's as if their smile are too creepy for me to look at. 'Yung ngiti na nakakakilabot tignan. 'Yung tipong nakakatakot.
"Do you have any plans today?" Lucan asked with his creepy smile on.
Natataranta, itinango ko ang ulo ko. "Yes, I have."
Then I found myself standing up. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, gusto kong lumayo sa kanila. Nakakatakot sila. Their smile are different, it's a sly smile. Parang may pinaplano silang masama.
Nang makatayo na ako ay mabilis na akong nagpaalam sa kanila. Pero bago ako tumalikod ay sumulyap muna ako doon sa phone ni Lucan. My mouth goes slack mentally when the picture of that girl looks like familiar.
Si Cygny ba 'yon?
I shook my head.
No.
It can never be her.
Kinakain naman ba ako ng selos ko sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Marco?
I really hate that I f*****g becoming toxic and problematic these past few days.
Tumalikod na ako at mabilis na lumayo sa kanila. Hindi ko na ininda pa ang ilang beses na pagtawag nila sa pangalan ko.
Nakalayo na ako sa kanila nang biglang mag-vibrate ang cell phone ko. Agad ko itong chineck.
It was a message from Magne.
She sent me a picture of her frowning face and Vaeden with a wacky face on her back. Parang nagpo-photobomb si Vaeden.
Magne
Nasaan ka na, girl? Sawang sawa na ako sa kasama ko. Para bang nag-a-alaga ako ng bata. Jusko.
Tumawa ako nang bahagya, inaasar na naman siguro ni Vaeden si Magne. Alam na alam niya kasi kung paano iniisin itong si Magne, eh.
You
At the Center Ground. Sasama na lang ako sa inyo.
Maya maya ay napansin kong nag-seen na sina Marco at Diyes.
Magne
Typing . . .
Diyes
Puntahan na lang kita, Margot.
Marco
Malapit lang ako sa 'yo. Sa akin ka na lang sumama.
Vaeden
Woah, sabay pa talaga? Is this what you call "love triangle"?
You
Shut up, Vaeden.
Diyes
Sige. Ikaw na lang, Marco. Medyo malayo kasi ako sa Center Ground. Nandito pa ako sa fourth floor ng Engineering Building.
Marco
Sure, pare.
Magne
Jusko, ganito na lang. Tutal free naman kayong lahat, ba't di na lang tayo mag-sama-sama? Gala tayo!
Diyes
Agree.
Marco
Good idea!
Vaeden
Ang talino mo doon, Magne. May utak ka pala?
I was about to type my message when Vaeden sent a video. Lulan ng video na iyon silang dalawa ni Magne. Hinahampas siya ng best friend ko habang siya naman ay tawa lang nang tawa.
Siraulo talaga ang isang 'to. Napailing na lang ako.
Cygny
Hindi ako makakasama sa inyo, guys. I'm busy preparing the venue for the Battle of the Bands. Nood kayo later dito sa oval, ah! Bye! ?
Sobrang sama ko bang kaibigan kung dahil sa message ni Cygny ay sumaya ako? Kasi atleast, hindi magiging doble ang sakit sa puso ko mamaya? Hindi na naman ako patagong masasaktan kapag naging sweet silang dalawa ni Marco sa mismong harap ko?
Inilagay ko na lang ang cellphone ko sa pink mini backpack ko. Bumuntong hininga ako at saka naupo sa bench na malapit sa inuupuan ko.
Ang toxic kong kaibigan.
We're all bored, we're all so tired of everything.
We wait for trains that just aren't coming.
We show off our different scarlet letters.
Trust me, mine is better.
Habang naghihintay ay pinili ko na lang sumabay sa kantang nag-pe-play ngayon sa malaking speaker ng school. The song is New Romantics by Taylor Swift.
We're so young but we're on the road to ruin.
We play dumb but we know exactly what we're doing.
We cry tears of mascara in the bathroom.
Honey, life is just a classroom.
Nagpalinga-linga ako. At dahil doon ay natanaw ko si Marco. Palinga-linga din siyang naglalakad sa gitna ng mataong daan. He is walking towards my direction while his hands are on his pocket.
Damn this guy, how can he f*****g make walking a stupid hot thing?
'Cause, baby, I could build a castle out of all the bricks they threw at me.
And every day is like a battle but every night with us is like a dream.
Kanina, ang suot niya ay pink short sleeves. Pero tila bang nagpalit siya. Ngayon kasi ay nakasuot na siya ng puting muscled shirt. And it is making me focus on his sturdy biceps.
Damn.
He is also wearing a khaki short which size is above his knee. Sinamahan niya iyon ng pair of black vans slips ons.
With his eye glasses on, he, for sure is an epitome of a walking s*x.
Shit.
Ang swerte ni Cygny.
Baby, we're the new romantics.
Come on, come along with me.
Heart break is the national anthem.
We sing it proudly.
I mentally shook my head.
I decided to just shove all of my thoughts about how hot Marco is looking right now. Walang magandang maidudulot iyon sa akin!
Kumaway na lang ako sa kanya para makita niya ako. Then he smiles wide as soon as his eyes landed on my face.
I smile back at him.
We are too busy dancing
To get knocked off our feet
Baby, we're the new romantics
The best people in life are free
Habang nakatingin pa rin sa kanya, patuloy akong sumasabay sa kanta.
"The best people in life are free." Mahina kong sambit.
Maybe I'm not one of those best people. It's for the reason of me still dwelling to the pain caused by the hidden feelings I have towards Marco.
Seems like I was imprisoned by it.
I was destined to be caged on it.
And sadly, there's no way out but to just wait for the right time where I will graciously forget the feelings and the pain towards him.
But I am afraid, that time might not come.
"Baka matunaw ako niyan." He said as he sat beside me.
I slap his arms. "Kapal mo." I then rolled my eyes. Tumawa lang naman siya kaya umiling-iling na lang ako.
Pa-fall.
Pero ako naman si tanga, fall na fall pa rin.
Kasalanan ko rin talaga kung bakit ako nasasaktan ng ganito ngayon, eh.
Wala pang ilang segundo ay natanaw ko na rin sina Magne at Vaeden kaya tumayo ako para kumaway sa kanila. Mabuti na lang at nakita nila ako agad.
Magne is walking towards our direction while wearing a black tube and a denim jacket. She is also wearing a white short shorts and a pair of gray sandals. Napakaganda talaga ng babaeng 'to. Kung kasing ganda niya siguro ako, baka magustuhan din ako ni Marco--
Margot! I want to just slap my face.
Naiinis sa sariling ibinaling ko ang tingin kay Vaeden. He is wearing a t-shirt with a comouflage print on it, black ripped jeans and white Nike shoes. May nakapulupot na puting panyo sa noo niya dahilan para hindi matakpan ng kulot na buhok niya ang noo at mata niya. Masiyado na kasi iyong mahaba at kung minsan talaga ay natatakpan na noon ang paningin niya.
Nang makarating na sila sa amin ay patakbong yumakap sa akin si Magne na para bang inapi siya ni Vaeden. Tumawa naman ako nang malakas dahil tama ang hinala ko, inasar nga siya nang inasar ni Vaeden buong maghapon.
Ilang minuto pa kaming nagtawanan bago ko natanaw si Ben 10 na abala sa paghahanap sa amin. Tumayo si Magne para kawayan siya. He flashed us his usual small smile when he saw us.
He is wearing a black shirt, a light shade of denim jeans, and a pair of white converse shoes. Simple lang ang suot niya pero bakit sobrang gwapo niya pa rin? May favorite talaga si Lord.
Nang makalapit na siya sa amin ay muntik na akong mabilaukan nang mabasa ko ang nakasulat sa white cap na suot niya.
It says "Friendzoned".
Minsan, ang sarap ding saktan nitong si Ben 10 eh.