"SENIORITO—" Bigla na lang niya akong kinabig at niyakap na sobrang higpit. Dama ko ang panginginig ng katawan niya. Hindi ko maipaliwanag ngunit nakadama ako ng pag-alala para sa amo. Naalala ko na mag-isa na lang siya sa buhay. Kailangan ba niya ng makaka-usap? Nakahanda akong makinig. Tinapik-tapik ko ang likod niya habang dinama ko ang yakap ng amo ko. "Seniorito." Bigla siyang natauhan at kumalas sa akin saka nahihiyang nag-iwas ng tingin. "It is not that I want to see you or whatever, it's just... that I am tired and I need someone to talk to, you stupid!" depensa niyang na pinamulahan ng tainga. Ngumiti ako. Napakadefensive talaga ng amo kong 'to. Nagkibit balikat ako tapos hinagip ko ang braso niya't kinaladkad patungo sa maliit na eskinita. "Wait, where are we going?" nag

