MATAPOS naming kumain ng agahan ay naghahanda na agad ako upang gumawa ng bibingka. Kanina pa nakaalis si inay papunta sa palengke at naiwan kami ni Seniorito Aries sa bahay. Bitbit ang mga kakailanganin ko ay nilapag ko lahat ng mga iyon sa ibabaw ng mesa. "Seniorito," panimula ko na sinuot ang apron at maliit na tela pangharang sa buhok ko saka hinarap ang gilingan ng bibingka. Umungol lang siya. Abala ang mga mata sa kakasco-scroll ng cellphone. Naka-upo sa isang plastic na silya. "Sigurado ka bang sasama ka sa akin, sobrang init po sa labas." Sinuot ko ang gloves sa kamay. "I don't mind," tipid niyang sagot na hindi ako binalingan. Lihim akong napangiti habang sinuyod siya ng tingin. Suot niya ang simpleng t-shirt na kulay abuhin na hiniram ko pa kay Sebastian at kulay kapeng ca

